PAGSAPIT palang ng alas tress ng hapon ay naramdaman na ni prinsipe Heneyah at ni Muyak ang panganib sampu ng mga diwatang nakasunod sa kanila. Pagsapit ng alas kuwarto naman nang hapon ay narating nila ang nasabing lugar. Agad na naghanda si Muyak at Neheyah ay nakiramdam sa paligid. Bumaba naman ang limang binata matapos makita ang dalawang diwata.
Sa labing isang oras na byahe nila ay minsan lamang magpakita ang dalawang diwata sa mga ito habang si Alumet ay mahimbing namang natutulog sa kandungan ni Cairo. Naisin man ni Top na sa kanyang hita ito magpahinga ay hindi pumayag si Neheyah dahil sa nararamdaman nito na may hindi kanais nais na gagawin ang binata.
Naiwan si Amulet sa loob ng sasakyan habang sila ay nasa labas lamang.
"Bakit feeling ko ang daming mata na nakasubaybay satin!?" nausal ni Sky.
"Tol, ramdam mo rin pala yun! Kanina pa nga tumataas ang balahibo ko!! " si Macky naman na siniko ang kapatid.
"Ganitong ganito yung pakiramdam ko noong hinahabol tayo eh! " si Agham naman na nakikiramdam sa paligid.
" Kanina ko pa po kayo inaabangan. Ako po si Berting, apo po ako ni Tata Juan at anak po ako ni nanay Mely. Ako po yung katext nyo. Sasamahan ko na po kayo sa kubo ni Tata Pedro. Kaya lang po maglalakad na po tayo mula rito dahil bundok na po yun. May dalawang oras po natin itong lalakarin pero kung pagod na po kayo ay bukas po ng umaga ay mainam. " suweshiyon ni Berting na mapapansing may dalang packbag.
Napaisip naman si Neheyah, inaalala niya si Amulet at ang nasabi nitong natitirang oras.
"Ginoong Cairo, kung tayo ay tatagal pa sa lugar na ito ay mapanganib. Wala narin tayong oras kung mananatili pa tayong nakatayo. Ilang oras nalamang rin ang lakas na pinahiram ng kalikasan sa prinsesa. Walang ligtas na lugar dito. Kailangan na nating magmadali! " si Neheyah na bigla nalamang lumitaw sa tabi ni Cairo.
"Brod, ako yung kausap mo kanina. Cairo brod, at pipiliin na naming maglakbay na. " agad na wika nito.
"Kung ganun ay tara na po. Mahirap na at baka abutan tayo ng dilim sa daan. Tanggapin nyo po ito. Pinabibigay po ito ng Tata Juan. Sya po sana makakasama nyo kaya lang bigla nalang pong may kababalaghan kagabi kaya po nanghihina siya ngayon. "
Sabay abot nito ng mga hulmang bilog na may mahabang tali at latigo.
"Ano ito? " si Cairo
"Ahhh pananggalan po. Mula po yan sa baong isa ang mata. Ipaikot nyo sa katawan nyo, siguraduhin wag malalaglag May kakayahan po yan na hindi kayo masugatan, at itong isa ay buntot ng pagi. Maghanda na po kayo sa pwedeng mangyari dahil kakaiba po ang kababalaghan ngayong nagdaang araw. Pagsapit kasi ng alasais gumagala na po sila. "
"Ahhhh yan na nga sinasabi ko ehhh!!!! Akin na !!!" sabay hablot na nila Agham, Macky at Sky kaya naman ginawa narin nila Top at Cairo.
Nakamasid lamang si Neheya at Mutya sa kanila at may katutuhanan naman ang sinabi ng ginoo na si Berting. Ang buntot ng pagi ay para sa mga aswang at mga lamang lupa. Sa kanila lamang ito hindi umuubra ngunit ang mula sa bao na iisa ang mata ay mabisang pananggalan rin sa mga mahika.
"Top yung mga gamit natin, flashlight, At iba pang madadala natin, asikasuhin na natin!" si Cairo na kumilos na. Inaayos niya ang pagpark ng sasakyan.
Namumula ang pisnge ni Berting at lihim na tumitingin kay Amulet. Mula ng bumaba ito sa sasakyan ay hindi na ito makausap ng maayos. Halos nauutal na ito kung magsalita. Si Cairo at Top ang umaalalay kay Amulet sa mga dinadaanan nilang mabato at makahoy. Si Neheyah naman at Muyak ay alerto kasama ng mga diwata na umaalalay sa kanilang paglalakbay.
Nakasuot si Amulet ng puting longsleeve at leggings na itim with hiking shoes.
Halos dumidilim na ang paligid kaya naman si Berting ay nagsindi na ng kanyang aladin. Lumubog na rin ang araw. Sila Cairo ay inihanda na ang mga flashlight nila.
BERTING POV
NAPUPUNO ng kaba ang aking dibdib dahil trenta minutos nalang ay mag-aalasais na. Sa bagal maglakad ng aking mga kasama ay aabutin kami ng isang oras pa sa paglalakbay na dapat ay naroon na kami sa bahay ng tatang Pedro ko.
Tumataas na ang balahibo sa aking katawan. Kanina ay ok lamang ang aking pakiramdam dahil sa babaeng kasama namin ngayon na napakadyosa. Ngayon lamang ako nakakita ng ganito. Iniisip ko kung siya ba ay artista dahil sa ginoo ring mga saksakan ng kagwapuhan.
Hindi kasi ako nanonood ng TV dahil sa lagi akong nasa bukid. At sa totoo lamang ay ngayon lamang ko siya sisilipin, ang aking Tata Pedro. Huli kong pasyal sa kubo nito ay noong isang buwan pa.
Maya maya ay nagtanong si ginoong Cairo.
"Brod, malayo pa ba!? "- Cairo
"Kung ganito po tayo kabagal maglakad, may isang oras pa po."
CAIRO POV
"Magsipaghanda kayo! Nariyan na sila! Cairo! Top ang prinsesa! Tumakbo na kayo!!!! " sigaw ni Neheyah.
Naging alerto naman sila Agham, Macky, Sky sa kanilang narinig. Si Top ay agad na hinawakan ang kamay ng dalagang si Amulet na nasakaliwang bahagi niya habang si Cairo ay nasa likuran na nila.
"Berting handa ka na ba!!? susunod kami sayo!!! Kailangan na nating tumakbo dahil fucckkk!!!! Basta tara na!!!"
"Whaaaahhhh!!!!!" sigaw ni Berting ng marinig niyang nag-aangulan ang mga asong gubat sa paligid kaya dali dali narin siyang tumayo at pinangunahan ang pagtakbo.
Si Muyak ang sumunod sa binatang si Berting at may mga diwatang tumutulong na dito upang harapin ang mga sumasalubong sa kanila habang si Neheyah naman ang nasa likuran at tinataboy ang mga nagtatangkang lumapit sa kanila.
"whaaaahhh!!!! Fuckkkk!!!!! Ta-ta-tiyanak!!!!!! " sigaw ni Sky sa gulat na bigla nalang itong dumamba sa kanyang ulunan at sa mukha pa mismo sumakto na sinundan pa ng marami.
"Shiiiiit!!!! " si Macky na kitang kita niya na natumba na ang kanyang kapatid.
Pansin na ni Sky na nakahiwalay na sila sa karamihan dahil ang kuya Top at Cairo niya kasama si Berting at Muyak ay nakikipagsagupan maprotektahan lamang si Amulet. Si Neheyah lamang ang malapit sa kanila na nakikipagsagupaan naman sa mga tikbalang at iba pang nilalang.
Si Agham naman ay nakita niyang inilipad ng dambuhalang ibon. Napansin din niyang susugurin narin siya ng mga tiktik. Agaran na niyang inawasiwas ang kanyang latigo kung kaya't ang mga natatamaan niya ay nasasaktan at hindi na makalapit.
"Wataaahhhh!!!! Yahhh!!!! Yahaaahhh!!! " sigaw niya habang nakikipagsabayan na siya.
Agad niyang tinuluyan ang kanyang kapatid at pinaghahampas niya ang mga pilit na kumakagat kay Sky.
Nagpupumiglas si Sky at pilit niyang inaalis ang mga tianak sa kanyang katawan. Feeling niya ay butas butas na ang kanyang balat sa dami ng kagat.
"Ahhhhhh!!!! Mga impakto kayo!!!! Arayyyy!!! " sigaw niya at nagpupumiglas parin pero tunay na napakalakas nila at madikit sa katawan.
"Ayaw ko pang mamatay!!!!! Putangnahhhhh!!!! Arayyyy!!!!! Shiiiiiitttt!!!! hollllyyyy shhhiiitt!!! " paulit ulit niyang sigaw at maya maya pa ay naramdaman niyang may mga umaalpas na kagat sa kanyang balat at naramdaman niyang may humagupit sa kanya.
"Oooouuuchhhh!!! " sigaw niya.
" Oppssss sorry!!!! Tol, and!? Buhay ka pa ba!!!!? Kaya mo pa? " si Macky na natatawa.
"Ooohhhh my God!!! Ooohhh fuckkk my bodyyy!!!! Dami kong kagat!!!! I know!!!! " na pinipilit niyang maaninag ang sarili na ramdam niyang gutay gutay na ang kanyang damit. Isinawalang bahala na niya ito ng makitang aatake nanaman sa kanya ang mga tiyanak.
Agad niyang hinugot ang latigo sa kanyang kanang bahagi ng beywang at buong tapang na hirarap ang mga aatake. Madilim. Malayo ang inapok ng flashlight na hawak niya kaniya at si Macky lamang ang may hawak kaya agad siyang umisip ng paraan na makuha ang sariling flashlight.
Sa kabilang banda ay nagsusumigaw si Agham dahil bigla nalang siyang dinagit ng ibong napakalaki.
"Muyakkkkk!!!!! " sigaw nito.
Agad naman siyang narinig ni Muyak.
"Sinta!!!!! - Nueva! Si ginoong Agham tulungan mo!!!! " utos niya sa isa sa mga diwata.
Hindi siya maaaring lumayo sa prinsesa na kasalukuyang sumasabay kina ginoong Cairo sa pagmamadaling makaalis sa kanilang kinaroroonan.
"Ligtas tayo sa kubo ng Tata Pedro! Kailangan na nating magmadali whaaaaa!!!!!! " si Berting na hinahagupit niya ang kanyang latigo sa mga lumalapit sa kanila.
Agad na hinabol ng diwatang si Nueva ang binatang si Agham na tangan tangan ng isang malaking ibon. hinagupit ni Nueva ng malakas puwersa ang ibon dahilan upang mabitawan nito ang binata sa ere. At isa naman sa mga diwata ang sumalo sa sumisigaw na si Agham.
"Ahhhhhhhh!!!! Fuuucccckkk fuccckkk fuckkkk!!!! Thank you!!!! " si Agham na nagbitiw muna ng buntong hininga at ng makababa ng lupa ay umaletro.
"Mga halimaw!!!!!! Tikman nyo ang bagsik ng aking paghihiganti!!!!!! " sigaw ni Agham na namumutla parin.
Agad na niyang ipinuwesto sa kanyang kamay ang latigo at tumakbo ng mabilis patungo sa kinaroroonan nila Amulet ngunit dahil sa madilim ay hindi niya napansing may mga itim na duwending tumisod sa kanya.
"Fuuuccck shhhiiit!!! nanaman!!!!! whaaahhhhh" ng siya ay pinagtulungang dagaan at pinagkakagat.
"Tol " sabay na tawag ni Sky at Macky ng makita nila ang kapatid na pinagtutulungan ng mga duwende at tulad ng ginawa ni Macky kay Sky, si Sky naman ang nagtaboy sa mga duwende habang si Macky naman ay nakikipaglaban sa biglang pagpapakita ng manananggal.
"Assshhhoooleeee!!!! shhhiiitttt!!!! I thought your just kathang isip!!!!! May manananggal!!!! " si Mackkky na pilit hinahabol ng kanyang mata ang mabilis na paglipad ng manananggal.