Matagal na nakatayo lang siya roon, nakatitig sa blueprint at kinukutkot ng guilt kasi sa loob ng ilang araw na nakaburol ang Lola niya hindi niya pinansin si Benedict. Na binalewala niya ang pait, lungkot, guilt at sakit na nakikita niya sa mga mata nito kapag nahuhuli niya itong nakatingin sa kaniya o kaya kapag nasa tabi ito ng puntod ni Lola at parang tahimik na kinakausap ang matanda. Parang maiiyak na naman yata siya. Kasi habang inaalala niya ang nakaraang mga araw lalo niyang na-re-realize na kahit nasaktan siya ng husto ng asawa niya, miss na miss pa rin niya ito. Nagulat si Lyn nang may marinig siyang kaluskos mula sa direksiyong pinanggalingan niya kanina. Kabadong napalingon siya roon. Napanganga siya nang sumulpot si Benedict, h

