CHAPTER 33

1543 Words

PAGDATING NILA sa emergency room bukas pa ang pulang ilaw ‘non sa itaas ng pinto. Pero nang makalapit sila namatay na ‘yon. Ibig sabihin tapos na ang operasyon sa loob. Matagal na walang lumabas mula roon. Nanginginig ang buong katawan ni Lyn sa takot. Lalo na nang may doktor na lumabas sa emergency room.                Mabilis siyang lumapit. “Kamusta ho ang Lola ko?”                Mukhang nagulat ang doktor. Tiningnan silang dalawa ni Benedict. “Kayo ang pamilya ng pasyente?” Tumango si Lyn. Naramdaman niya ang paglapit ng asawa niya. Alam niya na hahawakan siya nito kaya humakbang siya palayo. Hindi niya maatim na mahawakan nito. Sa gilid ng mga mata niya nakita niyang mariing tumikom ang bibig ni Benedict, parang nasaktan. Pero wala ‘yon sa sakit na nararamdaman niya ngayon. Puwede

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD