MAGANG-MAGA na ang mga mata ni Lyn pero parang hindi pa rin nauubos ang mga luha niya. Dalawang araw na mula nang mailibing ang Lola niya. Ni hindi niya magawang kumain o kahit matulog man lang. Nakasalampak lang siya ng upo sa sofa, nakatitig sa kawalan. Sa ikatlong araw saka lang niya nagawang kumilos para magluto ng simpleng pagkain. Hindi na kasi niya kayang balewalain ang pagkalam ng sikmura niya. Pagkatapos nagawa na niyang pumasok sa kuwarto ni Lola. Kailangan niya kasi ayusin ang mga gamit nito. Habang nililigpit niya ang mga damit nito at napapalibutan siya ng pamilyar na amoy nito naluha na naman siya. Nayakap niya ang mga damit nitong kinuha niya mula sa cabinet at ilalagay sana sa box. May naramdaman siyang kakaiba sa mga damit na ‘yon. Parang may nakaipit. Sum

