Chapter 2

1093 Words
MASAYANG binagtas ng dalawa ang Studio, sa nasabing naka-pasa ang portfolio ni Harvey sa isang pinaka-sikat na Studio rito sa Pilipinas. Hindi mai-pinta sa mukha ng binata ang sayang naramdaman niya na magiging parte na siya sa studio na iyon. Nakasukbit pa rin ang pinakamamahal niyang camera sa kaniyang leeg, habang hawak ang iba pa niyang kinuhang litrato na nakalagay sa isang folder. "Magandang Umaga sa inyo, Sir. Tuloy po kayo." bati nang isang naka-unipormeng guwardya. Tumuloy sa pag-pasok si Harvey, habang kasunod ang kaibigan nito. Namangha sila sa mga larawang naka-paligid sa kanila. Inikot ni Harvey ang kaniyang mga mata upang masilayan ang ibang imahe, na kuha ng mga sikat na photographer. Napahinto ang kaniyang mata sa isang lalaking naka-upo, habang ito ay nakatalikod. Mukhang ito ang may ari ng Studio, kung saan magtra-trabaho si Harvey. "Good Morning po, Sir." bati ni Harvey na parang kinakabahan ito. Muling umikot ang lalaki upang masilayan kung sino ang bisita. "So, you're Harvey Salcedo, right?" ani Mr. Cruz, ang may ari ng Studio. Mukhang mabait itong magiging amo ni Harvey at makakapalagayan niya ito ng loob. Medyo may edad na itong magiging boss. "This is your contract." Inabot ni Mr. Cruz ang isang folder. "Please read, before you signing." dagdag pa nito. Hindi na nag-atubiling basahin ni Harvey ang lahat ng naka-saad sa kontratang iyon. Mga ilang minuto ay nilagdaan niya agad ang kontrata. "Welcome to the Ultimate Studio, Mr. Salcedo." saad ng kaniyang Boss. Nakipag kamay itong si Mr. Cruz sa binata. At agad naman tinanggap ni Harvey ang alok nitong makipag kamay sa bago niyang Boss. "Thank you, Sir." masaya niyang wika habang naka-titig sa isang larawang naka-dikit sa dingding. Hindi na niya pinalagpas na libutin ang buong studio. Noong una pinapangarap niya lang ito. Pero ngayon, naapakan na niya ang minimithing pangarap sa buhay. Kinilala na rin niya ang mga bagong makakasama niya sa trabaho. Isa rin silang mga photographer gaya ni Harvey. Mababait naman ang mga kasama. Tiyak na magiging masaya ito. BALISANG pumasok si Jenna sa bahay nila Harvey. Ani moy may humahabol sa kaniya. Hindi ito mapakali at makapag-salita ng maayos. Kumuha muna ng tubig itong si Harvey at ibinigay sa kaibigan upang maginhawaan naman ito. "Ano bang nangyari sa `yo, at ganiyan ang hitsura mo?" untag ni Harvey sa kaibigan. "Si Uno, nasa labas nang gate n`yo. Nagsisigaw siya roon." pa-utal-utal niyang sabi, kasabay ng huling pag-inom niya ng tubig. Huminga ito ng malalim. Agad tumayo si Harvey at binuksan ang pinto. Naiwang naka-upo sa sofa si Jenna. Hindi nakatiis si Jenna, sinundan niya ang kaibigan. Bumungad sa paningin ni Jenna ang eksenang nagaganap. Hawak ni Uno ang kamay ni Harvey. "Taray naman ng Bes ko. Haba ng hair." sabi ng isip ni Jenna. "Sorry, Harvey." ani Uno habang hawak ang braso nito. Winaglit ni Harvey ang kamay nito upang kumalas ang pagkakahawak nito sa isa't isa. "Sorry? Sorry lang ba ang kaya mong sabihin? 5 years tayo, Uno! Tapos makikipag hiwalay ka sa akin? Ilang linggo na bago mo ako hiniwalayan, at ngayon magpaparamadam ka? Para ano? Para saktan mo ulit ako?" tumulo ang luha ni Harvey ng sinambit niya ito kay Uno. "Harvey, hindi na mauulit. Lahat gagawin ko, magkabalikan lang tayo." hahawakan palang sana ni Uno ang kamay ni Harvey ngunit nilayo niya agad ito. "Give me 10 reasons, kung bakit mo ako hiniwalayan ng ganoon lang." hindi mapigilan ang pagluha ni Harvey. Hindi nakasagot si Uno sa tanong ni Harvey. Ang sampung dahilan kung bakit niya ito hiniwalayan. "Wala kang masabi?" pinunasan niya ang kaniyang luha, gamit ang palad. "Sorry," dagdag nito at tinalikuran na niya si Uno. "Harvey!" sigaw ni Uno. Susundan pa sana niya sa loob si Harvey, ngunit hinarangan ito ni Jenna. "Hayaan mo muna siyang mag pahinga." sambit ni Jenna. "Umalis ka nalang muna, Uno." kusang umalis itong si Uno. Hindi na pinilit pang makausap si Harvey. Nang mapansing malayo na ito, sinara agad ni Jenna ang gate. PINADALA si Harvey ng kaniyang Boss sa Baguio para dumalo sa isang event doon. Isa ang kanilang Studio na maging parte roon. Kasama ngayon ang kaibigan niyang si Jenna. Siya na ang naging Personal Assistance ni Harvey. At hindi na kumuha ng iba. Habang nasa biyahe silang dalawa, napansin ni Jenna ang mukha ni Harvey. "Okay ka lang ba, Harvey?" untag ni Jenna. "Naging masamang tao ba ako, Jenna?" saad nito sa kaibigan na namumuo na ang luha sa gilid ng mata. Hindi agad nakasagot si Jenna. Ano nga ba ang sasabihin niya? Hindi naman masama ang kaibigan. "Di ba, simula pa noon hindi ka naging masamang kaibigan para sa akin. Swerte ko nga sa`yo, e." "Tama na `yan. Baka hindi maging maganda mga kukuhanan mo mamaya." Naging maayos na rin ang lagay ni Harvey matapos sabihin ni Jenna ang mga salitang iyon. Ilang minuto nalang, mararating na nila ang Baguio. Masayang maka-punta roon si Harvey at Jenna. Hindi maipagtataka na first time nilang maka-punta sa baguio. "Welcome to Baguio!" sigaw ni Jenna. Binaba niya muna ang mga gamit nila at umikot silang dalawa upang damhin ang lamig na naramdaman nila. Malayo ang klima sa pinangalingan nilang dalawa. Sakay sila ng isang Taxi, papunta sa kanilang matutuluyang Hotel. Gastos ng studio ang Hotel na iyon. Napanganga nalang si Harvey ng makita niya ang hotel na tutuluyan nila ng kaibigan. Napakalaki ang Hotel na iyon. Mas lalo silang namangha ng pasukin nila iyon. Sinalubong naman sila ng guwardya upang tulungang bitbitin ang mga gamit nila. Nakasukbit sa kanilang leeg ang I.D na nakasulat na VIP. Nang makuha nila ang numero ng kanilang kwarto ay agad silang nag-tungo roon. 18th Floor. Napakataas naman iyong pinaglagayan ng kwarto nila. Sumakay sila sa elevator. "189, 190." sambit ni Jenna habang hinahanap ang numero nang kanilang kwarto. "191, ito na. Finally!" dagdag pa nito. Binuksan ni Harvey ang pinto gamit ang susing binigay at pumasok na sila sa loob. Natawa si Harvey sa naging reaksyon ni Jenna. "Grabe naman dito. Kalamig na nga rito sa Baguio, malamig pa rito sa kwarto natin." wika ni Jenna. Nakahalukipkip ang kamay na wari'y giniginaw. Tumawa ng malakas itong si Harvey. Mukhang nawawala na sa isip ng binata ang nangyari sa kanila ni Uno. Mabuti iyon para maging maayos ang kaniyang trabaho. Inayos ni Harvey ang kanilang gamit. Limang araw sila sa Baguio. Nagpapahinga si Jenna, habang nagmumuni-muni naman itong si Harvey sa veranda ng hotel. Pinagmamasdan niya ang mga ilaw na galing sa mga bahay. Kinuha niya agad ang camera upang kuhanan iyon. Masayang tinignan ni Harvey ang kinuhang litrato.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD