Chapter 1
LULAN nang isang puting kotse si Harvey, papunta sa lugar kung saan siya nagiging masaya kasama ang kaniyang Camera.
Pinanindigan niya ang isang kataga na sinabi ng kaibigang si Jenna. Matapos ang nangyari sa kaniya noong nakaraang linggo.
"Once a photographer, always a photographer."
Dahil sa break-up ng dati niyang kinakasama, ay unti-uting nasisira ang kaniyang pangarap na maging photographer. Mabuti nalang kasama niya ang kaibigan upang damayan ito sa kaniyang nararamdaman. Hindi ito ininda ang sakit, sapagkat lumakas ang kaniyang loob ng tignan ang camera. Masisira lang ba ang kaniyang pangarap, dahil lang taong iyon?
Nakasabit sa leeg ang natatanging pangarap, habang nakatayo sa paborito niyang lugar.
Nakangiti siyang kinukuhanan ng larawan ang mga magagandang tanawin sa lugar na iyon. Sa lugar na iyon, nawawala ang lungkot na dinadala.
"Kagandang pagmasdan ang larawang ito." Sinasambit ng kaniyang isip, habang nakatingin sa larawang kinuhanan niya.
Nang itapat niyang muli ang camera sa kaniyang mukha, napansin niyang may dumaan na magkasintahan na naka-hawak kamay habang winawagayway nila itong mag-kasabay. Muli niyang binaba ang camera, at pansin sa kaniyang mukha ang pagkalungkot ng makita niya ang dalawa.
Mga ilang minuto, ngumiti nalang siyang kusa ng walang dahilan.
"Itutuloy ko ang pagiging isang photographer, ito ang pangarap ko. Balang araw hindi lang sa mga birthday at kasalan ang mga kukuhanan ko ng litrato kundi sa mga malalaking studio at mga bigating modelo." Saad niya habang naglalakad papunta sa isa pang paboritong pinupuntahan.
Nakaupo si Harvey sa isang bench kung saan malapit doon ang isang tower na namumukodtangi sa lugar na iyon. Tuwing sasapit ang gabi, pawang mga bituin ito na kumukutitap na mga iba't ibang kulay.
"Harvey, sabi na nga ba at dito lang kita makikita." Hingal na sabi ng kaibigan-- si Jenna.
"Ano'ng nangyari sa`yo? Hindi ka man lang sumakay ng pedikab, e karami diyan." ani Harvey habang kinukuhanan ang isang bulaklak.
"Natandaan mo ba `yong inaplayan mo noon na studio?"
"Oo ano'ng meron sa studio na `yon?" Simple niyang sabi. Walang ka-alam alam si Harvey sa nangyayari sa kaniya.
Huminga muna ng malalim si Jenna bago sabihin ang balita para kay Harvey. Ngunit parang walang pakialam itong si Harvey sa sasabihin, dahil nakatutok lang siya sa hawak na camera. Hindi talaga ipagkakait na gustong-gusto ang carrier na ito.
Hinawakan ni Jenna ang balikat ni Harvey at hinarap niya ito sa kaniya.
"Humarap ka nga sa akin bes, paano ko sasabihin sa `yo. Eh, nakatuon ka lang diyan sa camera mo. Oo sinabi kong itutok mo lang sa camera ang iyong sarili para makalimutan mo siya. Lumala yata, ako ang kaibigan mo hindi mo na pinapansin. Mukhang nakasama yata ang sinabi ko sa `yo. My ghad!"
"Karami mo namang sinabi? Hindi mo ako pagbibigyang mag salita?" pabirong sabi ni Harvey, at ibinaba na niya ang camera. At tumingin na ito sa kaibigan.
"Ano ba sasabihin mo?"
"Nakapasa `yong portfolio mo sa Ultimate Studio." Pagkasabi palang ng kaibigan, kuminang agad ang mata ni Harvey ng marinig niya ang balita. Napatayo siya sa saya.
"Totoo? Hindi ka ba nag sisinungaling? Kilala kita, e." Hindi makapaniwala si Harvey, at hindi niya alam ang gagawin sa sobrang saya.
"Grabe ka naman bes, syempre hindi `to sinungaling. Totoo na ito."
"Thank you, Lord." Pagkasabi niyang iyon napatingin siya sa itaas sabay halik sa camera.
"Oh, bukas dapat nadoon ka na raw." Nakangiti lang si Harvey na parang wala nang bukas.
"Teka, dapat kasama mo ako roon. Ako ang bes mo, e. Natatandaan ko pa `yong pangako mo noon, na kapag magkaron ka na ng trabaho. Lilibre mo agad ako kahit kaka-hire mo palang."
"Diyan ka magaling sa libre," biro ni Harvey sabay tapik sa likod ng kaibigan.
"Hindi naman bes, may mga magaganda rin naman akong nagagawa sa buhay ko."
Hindi maalis ang ngiti ni Harvey, dahil matutupad na ang pangarap matapos ang mga sakit at hirap na naranasan niya.
NAKANGITING nagising si Harvey, matapos sa pagkaka-himbing niyang tulog. Gulat ang kaniyang Mommy sa pinakitang hitsura ni Harvey. Nang pagkakababa niya ng hagdan.
"O Anak, nakangiti ka ngayon? Parang kahapon lang parang binagsakan ng mabigat na bagay ang mukha mo." Ani Aling Lorna-- Mommy ni Harvey. Nagluluto ng umagahan ang kaniyang Mommy.
"Mukhang masarap ang luto n`yo, Mommy. Inspired yata ang Mommy ko." Paglalambing ni Harvey sa nanay.
"Huwag mong ibahin ang usapan anak, ako dapat ang mag tanong `yan. Mukhang inspired ka yata?"
"Kasi Mo--"
Magsasalita na sana si Harvey ng pigilan siya ng Mommy niya.
"Bago mo ituloy `yan, umupo ka muna diyan at saluhan mo akong kumain. Para matikman mo ang luto ko na may halong pagmamahal."
"Si Mommy, may nalalaman ng ganiyan." Naka-ngiti pa rin si Harvey habang nagsa-sandok ng makakain.
"Syempre, umuuso ang Mommy mo. Ano ba ang dahilan kung bakit naging masaya ka?"
"Mom, may trabaho na po ako. Nakapasa po `yong portfolio ko sa Ultimate Studio."
Nagulat at napa-ngiti ang Mommy niya sa sinambit ng Anak.
"Congrats Anak, di ba sikat na studio `yon?"
"Yes Mommy, nagpapasalamat nga po ako sa Panginoon dahil tinupad ang pangarap ko."
"Galingan mo Anak. Proud ang Mommy sa `yo. Nandito lang ako para suportahan ka sa lahat ng gusto mo at gagawin mo. Maging masaya lang ang pinaka-pogi kong Anak."
Kahit nadismaya siya sa sinabi ng Mommy, ngumiti pa rin ito para hindi makahalata. Ayaw sabihin ni Harvey sa kaniyang Mommy ang tunay na pagkatao nito. Natatakot siya sa mangyayari kung nalaman ng magulang niya ang totoo at baka itakwil pa siya nito.
Hindi rin malayo na maging isang pusong babae si Harvey. Magka-sundo sila ng kaniyang Mommy, halos lahat ng gawain magkaramay silang dalawa.
Tanging ang kaibigan niyang si Jenna ang nakakaalam ng totoong pagkatao nito. Okay lang iyon sa kaibigan. Noon takot siyang baka iwanan ito, ngunit patuloy pa rin ang kanilang pagka-kaibigan.
Hindi naging masama ang tingin ni Jenna sa kaibigan. Hangga't walang naaapakang tao hindi magiging masama si Harvey.
Sa paningin man ng ibang tao na isa siyang salot sa mundo, ibahin n`yo sa paningin ni Jenna. Isang mabuting kaibigan si Harvey.