//Selena POV// “Saan ka nanggaling?” “May pinuntahan lang na trabaho.” “Ganoon ba?” Hinayaan lang niya si Alonzo na kumain. Ala una na ng hapon ito dumating at sa nakikita niya sa binata ay gutom na gutom ito. Galing ba ito sa meeting o hindi? Ni hindi man lang kumain doon para mag-agahan at mananghalian naisipan pa nito ditto na lang kumain. Gusto din sana niyang matanong ito tungkol sa trabaho niya ditto. Alam niyang hindi siya magtatagal sa pagiging alalay nito. At kung mamalagi man lang siya ditto sa hacienda, hindi tama sa kanya na nandirito pa siya sa lugar na pagmamay-ari ng kanyang pamilya. “Alonzo, kung mababayaran ko na ang utang ko… kailangan ko pa ba magtrabaho dito sa hacienda?” “Bakit mo natanong iyan?” “Baka sakali lang naman. Hindi mo naman sigur

