//Selena POV// “Huli ka na ngayon!” Imbes na katawan ng manok ang nahawakan niya, tanging buntot ang nahuli niya. Nagpupumiglag ang manok at aakmang tutukain siya nito kaya agad niyang pinakawalan. Hindi na niya mabilang ilang tangkang paghuli niya sa isang manok na parang nag-aasar din gaya ng amo anito na nasa tabi lang at nagpapahinga. “Fourty-five minute na tayo nandito, Selena at hindi mo pa rin nahuhuli iyan? Bilisan mo.” Inaayos pa nito ang suot na sunglasses. Kung pwede lang niya isampal sa pagmumukha nito ang suot niyang gloves sa sobrang atat nito ginawa na niya kanina pa. Alam naman siguro nito na ni minsan hindi pa siya nakakahawak ng buhay na manok at lalong hindi niya alam papaano humuli ng manok. Pinakita na nito kung papaano pero sanay na kasi ang lalaking ito

