//SELENA POV// “Alonzo! Alonzo!” Tinatawag niya ang pangalan nito ng makabalik na siya sa bahay. “Yes?” Lumabas ito galing sa kusina at may dala-dalang tinapay. “Bakit? Nagugutom ka ba? May merienda sa kusina.” “Sabihin mo nga sa akin ang totoo? Anong nangyari sa inyo bago kayo umalis dito?” “What are you talking about?” “Ang bahay ninyo nasunog, tama ba ako?” Imbes na sagutin nito ang kanyang tanong, napabuntong hininga lang ito at umupo at nagpatuloy na kumain. “Nakita ko ang dating bahay ninyo. Hindi lang iyon nasira ng kusa o kahit ano bagyo ang dumaan ditto. Nasunog iyon. Anong nangyari?” Hindi pa rin siya nito sinasagot at parang binabalewala lamang siya nito. “Hindi naman siguro natin itago pa kung ano ang nangyari noon, hindi ba? Anong nangyari s

