Uncensored Series 1: Ex-Lover’s Contract Chapter 79 . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . //Alonzo POV// “Maraming salamat dahil ditto ka nagagahan, Alonzo. Kumain ka ng marami. Pinagluto kita ng espesyal para maganahan ka pagpasok mo sa trabaho.” “Salamat po, Aling Jossie. Hindi nap o sana kayo nagabala. Simpleng almusal lang po, ayos na sa akin.” Masaya ito dahil sa tagal na panahon, nakapagpasya siya na ditto magalmusal sa bahay. Hindi niya ito ginagawa dahil nakaugalian na niyang pumasok kaagad sa opisina at ayaw niyang may makasabay siya sa lamesa. “Hindi pwede. Importante ang almusal, Alonzo. Lalo na na masyado kang maraming tinatrabaho.

