Uncensored Series 1: Ex-Lover’s Contract Chapter 80 . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . //Selena POV// Araw ng miyerkules. Day-off niya ngayong araw. Hindi siya tutunganga buong araw ditto sa bahay dahil ito ang araw na pinakahihintay niya. Excited na siya sa pupuntahan niya ngayong araw. Tamang-tama ang naipon niyang pera para rito at baka pagkatapos niya doon, makakapag-shopping siya kahit kaunting gamit para na din sa paghahanda niya kapag dumating na ang araw na iyon. Alas diyes ang schedule niya kaya alas sais pa lang ng umaga, gising na siya para maghanda. Nagalmusal, konting linis ng bahay at naghanda na para mapaaga ang punta niya doon.

