//Selena//
Inatasan ang utility department kasama siya na maglinis sa grand dining hall. Punong puno ng mga bisita ang lugar kaya kailangan nilang maglinis doon.
Ilang oras na din sila naroon at hindi pa rin maubos-ubos ng mga bisita. Sa pakiwari niya ay halos narito ay mga negosyante, modelo pati na rin mga artista. Sa paglibot niya ng tingin at nakita din niya si Alonzo na may kausap na mga lalaki pati na din ang hinihinalang nobya nito. Ito iyong babaeng nakita niyang kasama ni Alonzo sa kwarto at sa kotse nito.
Patakbong lumapit si Emily sa kanya. "Lena, samahan mo ako. Kailangan ko ng kasama sa kitchen. Ang sabi ni manager, kulang sila ng server para maghatid ng mga orders sa mga bisita kaya kailngan nila ng tao. Halika na bilis!"
Dali-daling sinundan niya si Emily. Binigyan sila ng uniform at agad na sinuot iyon. Binigyan din sila ng instructions kung ano ang kanilang gagawin at iba pang mga rules na sususndin. Hindi pa niya nagagawa ito pero hindi siya dapat magpakampante baka magkamali siya sa trabahong ito. Ang sabi din naman sa kanila na madadagdagan ang kanilang bonus dahil rito.
"Serve this at table 43, please!" Utos ng manager sa kanya.
Kinuha niya ang naka-tray na may nakahaing mga masasarap na pagkain at tinungo ang nag-order nito. Todo alerto siya sa kanyang dinadaanan at baka mapano ang dinadala niyang mga pagkain. Hindi niya alam kun mababayaran ba niya ang ganitong kamamahaling pagkain na ihahatid niya sa bisita.
Sa wakas ay nasa table 43 na siya. Inilapag niya isa-isa ang mga pagkain sa lamesa.
"When will you start your real estate project, Mr. Guevarra? If I know, hindi ordinary ang pinaplano mo para diyan."
"My father and I settled the plans for the project. Malaking tiwala niya sa akin na ako ang mamamalakad nito at malaki ang potential na ditto ko itatayo ang condominium sa pilipinas."
Napatigil siya. Hindi siya nagkakamali na boses ni Alonzo ang naririnig niya. Nilingon niya ito ng palihim. Puno ng determinasyon ang mga mata nito habang kinakausap ng mga lalaki. Sa pagkakaalam niya, noong sanggol pa lang ito, nakita ito ng tinuring nitong mga magulang sa simbahan. Pero sa naririnig niya ay meron itong ama. Ang ibig bang sabihin nito ay nahanap na nito ang totoong mga magulang?
"Hindi lang iyon, Alonzo wants to invest in my pharmaceutical company. Gusto rin kasi niyang pumasok sa isangh kompanya na iba sa mga negosyo niya." Sabi ng katabi nitong babae.
"That's great to hear! Fortunately, may ipapatayo din akong factory for apparels. Baka gusto mo din mag-invest. I'm happy kung magiging mag-partners tayo diyan."
"Thank you. Right now, hindi ko muna imamadali ang sarili ko na pumasok agad sa mga ibang ventures. Baka wala na akong oras para sa sarili ko at puro na lang ako trabaho."
"Tama ka naman. Sa edad mo na iyan, you must to what you want to do. Mahirap na na diyan ka mo pa gagawin lahat na matanda ka na."
Sa dami ng negosyo ni Alonzo, hindi na siya nagdududa pa na kaya nitong bayaran lahat ng kanyang pagkakautang. Inalok siya nito ng tulong. Tulong na makakaalis ng kanyang suliranin na ilang taon na niyang tinatrabauhan.
Focus na lamang siya sa kanyang trabaho. Ano pa ba ang saysay sa pakikinig niya tungkol kay Alonzo? Hindi na sila at wal na silang ugnayan pa sa isa't isa.
"Enjoy your meal, Ma'am, Sir." Bumalik ulit siya sa kusina na nagpatuloy sa kanyang trabaho.
Hindi niya inakala na sa pagiging serbidora ay nakaramdamn siya ng p*******t sa katawan. Sa bawat kuha at dala-dalang tray na may mabibigay na mga pagkain, lalo siyang nakaramdam ng pagod, sakit sa katawan at gutom. Lihim siyang nakaramdam ng inggit sa mga taong nandito. Nakakakain ito ng mamahalin at masasarap na mga pagkain at masayang naguusap samantalang siya naman ay hindi na niya ito mararanasan pa.
Kung sinunod mo lang ang gusto ko na magpakasal sa anak ni Altamerano, hindi tayo nalulugmok ngayon! Wala kang kwentang anak!
Aalis tayo. Lalayo tayo at bubuo ng sarili nating pamilya. Kahit maghirap tayo pinapangako ko sa iyo, hindi ako titigil na mahalin ka at bibigyan kita ng masagang buhay. Mahal na mahal kita, Selena.
Kung hindi mo inilapit ang sarili mo sa kanya, hindi ito mangyayari. Sinira mo ang buhay ni Alonzo, Selena. Kasalanan mo ito lahat.
"Excuse me!"
"Huh?" Hindi niya napansin na inaabot na ng chef ang tray sa kanya. Agad siyang humngi ng paumanhin at inihatid ang pagkain sa bisita.
Natungo na naman siya kung nasaan nakaupo si Alonzo. Wala na ang kausap nitong mga lalaki at ang girlfriend nito. Magisa na lang ito at umiinom ng red wine habang tinitignan ang cellphone nito.
Inilapag niya ang dala niyang pagkain. Iilang hakbang lang niya para bumalik ulit sa kusins ay naramdaman niyang may bumundol sa kanyang likuran at narinig niyang may nabasag.
Napalingon siya at ang taong bumundol pala sa kanya ay isang batang lalaki na iyak ng iyak sahil sa natapong ice cream na hawak nito.
"Mommy..." Todo iyak ang bata. Naaawa siya sa pagiyak nito. Agad niya itong nilapitan. Kinuha niya ang kanyang sariling panyo at pinunasan ang mga kamay nito.
"Tahan na. Huwag kang magalala, dadalhan ulit kita ng ice cream, okay ba iyon sa iyo?"
"Re-really po?" Humihikbi tanong nito.
Ngumiti siya rito. "Siyempre naman. Kaya huwag ka ng umiyak."
"O-opo."
"Excuse me! What are you doing to my son?!"
Lumapit ang ina nito at itinuro siya. "Kyle, stop crying! At ikaw, ano iyang pinapahid mo sa anak ko?!"
"Ma-Ma'am, pinunasan ko lang po ang kamay ng anak ninyo."
"Baka magkasakit pa iyang anak ko!"
Ilang tao na ang nakatingin sa kanya. Anong gagawin niya? Wala siyang ginagawang masama sa bata.
"Ma'am---" Natigil siya ng lumapit si Alonzo sa kanila at may dala-dalang ice cream.
"Here you go, boy." Lumuhod ito at ibinigay ang ice cream sa bata. He also patted the boy's head para tumahan na ito sa pagiyak.
"See? Ate bring you your ice cream. Just as her promise."
Tumayo ito at humarap sa ina ng bata. "Hindi iiyak ang anak mo kung binabantayan mo ng maayos, hindi ng nakikipag-yayabang ka sa mga kaibigan mo. And be thankful dahil pinunasan ng kamay at nagpatahan ng ibang tao ang anak mo."
Hindi ito kumibo dahil sa gulat. Ilang sandal ay tinawag na nito ang anak at palihim na inirapan silang dalawa ni Alonzo.
"Thank me later kapag nakapagdesisyon ka na." Binulungan siya nito at bumalik na sa inuupuan nito.
Magpapasalamat sana siyasa ginawa nito. Akala niya pahihiyain na siya sa ina ng bata pero ng dumating at binigyan nito ni Alonzo ng ice cream, laking ginhawa sa kanyang kalooban na tinulungan siya nito.
Pero, ng pinaalala nito ang paguusap nilang dalawa, napalitan ng pangangamba at kalituhan ang kanyang isipan.
Kailangan niya munang iwaksi ang iniisip niya ngayon. Kailangan pa niya magtrabaho.
.
.END OF CHAPTER 6