5 Uncensored Series1

1024 Words
//Selena// Ilang oras na rin hindi siya makapag-focus sa trabaho. Sa bawat kwartong malilinisan niya kasama si Emily, hindi niya maiwasan na nagkakamali siya ng paglinis tulad na imbes na ang mga bagong body wash at shampoo ang ilalagay niya sa shower room, mga toothpaste at mga dala-dala niyang panglinis ang nailagay niya. Napabuntong hininga na lang siya. Kung bakit naman kasi nagkita at nagkausap silang muli ni Alonzo. “Lena, ayos ka lang diyan?” Pumasok sa shower room si Emily. Inilagay nito ang mga bagong bath robes at towels. “Oo, ayos lang naman.” At hindi na naman niya sinasadyang mapabuntong hininga ulit. “Anong ayos lang? Hindi mo nga naaayos ng mabuti ang pinaglinisan mo. At kanina ka pang tulala diyan. May nangyari na naman ba sa iyo? May DOM na naman bang nangbastos sa iyo?” “Wala. Wala lang siguro ako sa mood magtrabaho ngayon.” Nagulat ito sa sinabi niya at nilapitan siya nito. Inilagay nito ang kamay sa kanyang noo. Nagtataka siya sa ginagawa nito. “Anong ginagawa mo? Wala naman akong lagnat.” “Hindi iyan. Chine-check ko lang na sa ilang taon natin magkaibigan at magkasama sa trabaho, ngayon ka lang walang gana sa pagtatrabaho. It’s a miracle!” Ibinaba niya ang kamay nito. “Miracle ka diyan. Bakit? Hindi ba pwede maging matamlay kahit ngayon lang?” Nagkipit balita ito. “Sabagay, ganyan din naman ako. Araw-araw nga lang. Ikaw ah? Huwag kang masyadong magpakapagod, baka maging trangkaso na iyan.” “Hindi, no. Hindi naman ako madaling magkakasakit. Tapos ka na sala at sa bedroom?” “Opo, Madam Selena.” “Ewan ko sa iyo. Halika na at sa kabilang kwarto na naman tayo. Ang tagal na natin nandito baka pagalitan pa tayo ng supervisor. "Hindi, no. Ang bait kaya noon. Ang swerte nga natin kasi siya ang boss natin eh.” Nauna na itong lumabas ng kwarto. Mabuti na lang hindi na ito nagusisa pa kung bakit ba siya nagkakaganito ngayon. Tama ang napapansin ni Emily sa kanya. Sa tagal niyang pagtatrabaho, ni minsan hindi siya nakakaramdam ng pagkatamlay at walang gana dahil mas inaalala niya ang kanyang ina na nasa ospital at mga untang na kailangan pa niyang bayaran. Sa pagpasok nila sa susunod na kwartong lilinisan nilang dalawa ni Emily, inalala niya ang mga paguusap nilang dalawa ni Alonzo sa kwarto nito.   //// “Anong ibig mong sabihin?” “You desperately want to pay your mother’s debt, am I right? Bibigyan kita ng opportunity na bayaran lahat ng iyon.” Oportunidad? Para mabayaran na niya lahat ng utang ng kanyang ina? “I’m not saying this just to show you how much I changed and hate you, I want to help you. Kaya kong bayaran ano mang kalaking halagang pagkakautang ng… ina mo. But in one condition.” “A-ano iyon?” Napasandal siya ng pinako nito ang mga kamay sa pintuan at inilapit nito ang mukha sa kanya. “Be mine.” Nagulat siya sa sinabi nitong kondisyon. Patuloy nito. “Hindi naman ako basta-bastang magbibigay ng tulong ng walang hinihinging kapalit. Kung may makukuha ka sa akin, ganoon din ako. So, what do you think, Selena?” Tila natutuwa pa itong masilayan ang pagkagulat sa kanyang mukha sa sinabi nito. Ganito ba talaga kadespirado makita siyang nahihirapan? “Why are you doing this, Alonzo? Hindi ka pa ba masaya sa nagging buhay ko ngayon? Kahit wala ka pang ginagawang paghihiganti, sirang sira na ang buhay ko. Ano pa ba ang gusto mong makita at maramdaman ko?” Pinagmasdan siya nito. Ni emosyon ay wala siya nakikita rito. “You’re right. You’re now miserable. Hindi ko maiwasan magulat ng magkita tayong muli. Sa loob ng maraming taon, hindi na ako umasa pa na makikita kitang muli because of your family did to my family. Pero, ibang klase talaga ang tadhana dahil pinagtagpo tayong dalawa at sa hindi inaasahan, ito mismo ang makikita ko ngayon.” “Alonzo…” “Still, hindi naman ako masamang tao na makita ang kagaya mong…nahihirapan. I’ll offer you my help. Lahat ng paghihirap, babayaran ko pero sa isang kondisyon, be mine and you’ll do whatever I want, whatever I want. Hindi naman siguro mahirap intindihin anong sinasabi ko sa iyo hindi ba, Selena?” “I-I don’t…” Hindi siya makasagot ng maayos. Hindi rin niya maisip na magku-krus muli ang kanilang mga landas. Akala niya ng gabing iyon, iyon na ang huling pagkikita nilang dalawa dahil sa ginagawa ng kanyang ina sa pamilya ni Alonzo. Pero sobrang laki ng pagkakamali niya dahil nandito ito mismo sa kanyang harapan at inaalok siya ng isang bagay na makapagbabago muli sa kanyang buhay. “Does that I mean, I’ll be your slave?” “Maybe? You will know if you take my… proposal.” Inalis ang mga kamay nito at binuksan ang pinto. “Hindi kita minamadali ano mang maging desisyon mo. Kung ako sa iyo ang masasabi ko lang, don’t waste your time." "Kung hind ako papayag?" "Hindi ko na iyon problema. Ikaw naman ang may utang eh hindi ako. Pag-isipan mo, Selena, dahil ito na pinakahihintay mong solusyon sa problema ng ina mo. Poor you, ikaw pa ang pinagbabayad ng utang niya. "Don't say like that to my mom, Alonzo." "Ganoon ba? Karapatan ko naman siguro sabihin ano man gusto ko, hindi ba? Of all the hell things your mother had done to me, to us, nakakabwesit isipin na siya pa ang namahala sa hacienda ng ama mo. You can leave now.” ////   Sa paguusap nilang dalawa ng araw na iyon, parang nanliliit siya sa kanyang sarili. Hindi na ang Alonzo ang kaharap niya ngayon. Hindi ns ito isang tagapangalaga ng mga kabayo sa hacienda, kundi isang taong pwedeng makuha ano man ang nais nito. At kung gayon man, pati rin siya ay makukuha nito dahil sap era. Kapag pumayag siya sa alok nito ay magiging alila siya nito. Alila. Natawa siya ng maisip niya ang salitang ito.. noon pa man, hindi niya inisip na ang isang “prinsesa ng hacienda”, ay magiging alila ng taong inalila ng kanyang pamilya. Sa malaking halagang utang ng kanyang ina, iniisip niya na tanggapin na lang ang alok ni Alonzo. Alam niyang maraming tao pa ang bubuuin niya para mabayaran niya lahat ng pagkakautang ng kanyang ina pati na din ang hospital bills nito. Si Alonzo na ba ang sagot sa kanyang napakalaking suliranin? Hindi siya pwedeng magpadalos-dalos. Sa alok nito, alam niyang ito na ang pagkakataon nito para makapaghiganti. Pero iisipin pa ba niya ito ngayon? Kitang kita na nito ang kanyang sitwasyon. Hindi. Kailangan pa rin niyang pag-isipan ito ng mabuti. . . to be continued
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD