//Selena POV//
Araw ng sabado at hindi magkamayaw sa pagkusot ng mga nakatambak na labahan. Side line niya ngayon bilang labandera sa kapitbahay niya na si Aleng Tess. Bago pa lang ito sa kanilang at kakauwi lang galing abroad. Mabait ito at ng pakiusapan niyang magside-line siya bilang labandera rito, ay pumayag ito agad. Mataas din magbayad si Aleng Tess kaya laking pasasalamat niya rito. Kahit papaano, makakapagipon siya ng ekstrang pera sa pambayad sa mga pagkakautangan niya.
"Pasensya ka na Selena tambak ang mga laba mo. Hindi ko naman akalain na uuwi pala itong anak ko galing sa dorm nito." College student ang anak nitong lalaki at nago-occupied sa isang dormitory.
"Ayos lang po iyon, Aleng Tess. Kung meron pa po kayong ipapagawa, sabihin niyo lang po sa akin."
"Naku! Wala na! Tama na iyang paglalaba mo baka mapagod ka pa."
Natawa siya sa sinabi nito. "HIndi naman po."
"Matanong nga kita, hija, ke-ganda-ganda mo pero nagtatrabaho ko bilang janitor. Hindi ka ba nakapgtapos ng pag-aaral?" Tanong nito sa kanya.
"Hindi po eh. Hanggang 3rd year highschool lang po ang natapos ko."
"Sayang naman kung ganoon. Pwede ka naman mag-audition bilang artista. Oh hindi naman kaya modelo. Bagay na bagay iyon sa iyo." Suhestiyon nito.
Umiling siya. "Ayoko po niyan, Aleng Tess. Okay na po ako sa trabaho ko."
"Nasaan ba ang mga magulang mo?"
Nahinto siya sa paglalaba. Nalaala niya muli ang mga nangyari na hindi na dapat. "Na-nasa probinsya po sila."
Alam niyang mali ang magsinungaling pero wala dapat makakaalam kung ano ang kanyang pagkatao. Sa kahihiyan at mga maling gawain ng kanyang pamilya, hindi na dapat ungkatin pa ang nakaraan.
"Okay lang iyan, hija. Alam naman natin na hindi ganoon kadali ang buhay. Paminsan-minsan, mahaharap tayo sa pinakamahirap na sitwasyon pero, kung magpupursigi kang kumayod, makukuha at makahanap ka rin ng kaginhawaan sa buhay. Bilang OFW sa ibang bansa, kinaya ko ang pinakamahirap na problema at sa awa din ng Diyos, nakauwi ako ng maayos at may naipundar din para sa pamilya ko."
"Kaya nga hanga po ako sa inyo, Aleng Tess. Sa anim niyong mga anak halos lahat sila nakapagtapos ng pag-aaral."
"Oo nga. Heto na lang ang bunso ko ang hinihintay ko eh. Kapag nakapagtapos ko na ang bunso ko, wala na akong po-problemahin pa dahil alam kong edukasyon ang makakaangat sa kanilang buhay."
"May plano na din po ba kayong mag-retiro sa pagtatrabaho abroad, Aleng Tess?"
"Oo, hija. Sa katunayan, may nabili kami ng asawa ko ng isang lupa sa probinsya at doon na kami manirahan. Ang asawa kong iyon mahilig magtanim ng kung ano-ano. Mas mabuti doon na lang kami sa probinsya mamalagi para naman makalanghap kami ng sariwang hangin at para may pagkakalibangan naman ang asawa ko."
"Ang swerte niyo naman po, Aleng Tess."
"Hindi iyon galing sa swerte hija, basta masigasig ka lang paniguradong gaganda din ang buhay mo. Sa nakikita ko sa iyo, malaki ang potential mo sa ibang bagay. Sinabi ko kanina na pwede kang maging artista o modelo pero ayaw mo naman."
"Hindi ko po talaga iyan gusto, Aleng Tess. Pasasaan bat', makakaraos din ako. Siguro hindi pa sa ngayon."
Masaya siya sa tinamasa nito. Masayang pamumuhay at masayang pamilya. Tama sin ang sinabi nito kaya hindi siya nawawalan ng pagasa na makaraos sa kanyang pinagdaraanan ngayon. Gusto din sana niyang mag-abroad pero sa kasamaang palad, kailangan siya ng kanyang ina at wala din siyang kakilala o kamag-anak para bantayan ang ina niya sa ospital. Ang tanging hiling niya lamang kung diringgin siya ng diyos: sana maayos na ang lahat.
---------------------------
//SELENA POV//
Kahit naramdaman pa rin ni Selena ang sakit ng kamay at balikat dahil sa paglalaba, maaga siyang pumasok sa kanyang trabaho. Hindi siya pwedeng umabsent dahil "no work, no pay" ang policy ng agency. Gayun pa man, hindi dapat siya makaramdam ng pagod dahil hindi naman ito para sa kanya kaya siya maigi sa pagtatrabaho.
Kakasuot na niya ng kanyang uniform ng lumapit ang kanyang supervisor. "Ms. Ocampo. Mabuti maaga ka pumasok ngayon. May ipapautos sana ako sa iyo."
"Yes po, Ma'am. Ano po iyon?"
"Kailangan mo ng linis ang isa sa mga private suite sa top floor bago umuwi ang guest. Request kasi ng guest na kailangan maayos na ang kwarto bago siya makabalik."
"Okay po, Ma'am. Kanino pong kwarto ang ipapalinis niyo?"
"Kay Mr. Guevarra. Siya mismo ang nagpasabi."
Sa kwarto mismo ni Alonzo?! At siya pa ang inatasan lilinisin iyon. Ayaw na niyang bumalik pa doon at ayaw na niyang makita pa ito.
"Ah... Sandali lang po, Ma'am. Pwede po ba na sa iba niyo na lang po ipapagawa ang paglilinis ng kwarto sa itaas? A-ano po kasi, kailangan ko nga po palang linisin ang main restroom sa ibaba." Hindi pwede. Kailangan niyang umayaw sa utos ng supervisor. Hindi sa ayaw niya ang maglinis doon, ayaw lang niyang makita ang lalaking iyon.
"Hindi na kailangan. May pinagutusan na akong iba at naglilinis na ngayon doon. Bilisan mo na at baka pagbalik ni Mr. Guevarra, hindi pa nililinisan ang kwarto niya. Baka magrereklamo iyon sa information desk."
"Si-sige po, Ma'am."
Papaano na iyan? Baka magkikita nga sila muli. Ipapamukha na naman nito kung gaano nagbago at nagkabaliktad ang kanilang buhay at iyon ang kinaiinisan niya kapag nakita niya ito. Yes, she's now poor and he's rich pero hindi naman balakid sa kanya ang pagiging mahirap para mabuhay at magtrabaho ng marangal.
Kung ayaw niyang makita ito, kailangan na niya bilisan ang pagpunta sa kwarto nito at agad lilinisin ang kwarto para hindi niya maabutan si Alonzo.
Dali-dali niyang inihanda ang mga panglinis na kanyang gagamitin at pinuntahan ang kwarto nito. Sinisigurado niyang wala siyang nakakalimutan mga gamit para sa ganoon hindi na niya kailngan pa bumaba ulit para kumuha ng ibang gamit na kailangan niya.
Binuksan niya ang kwarto at pumasok siya agad sa loob. Madali siyang kumilos nagsimula ng maglinis. Inuna niya ang bahagi ng kwarto. Agad kinuha ang mga gamit na bed sheets, punda at kumot at pinalitan ng bago. Todo arrange siya sa pagpapalit ng bedsheet at sinisiguradong malinis ang pagkakaayos nito. Pagkatapos sinunod niya agad ang dining room. Iilang mga baso at mga bote ng champagne ang nakalatag sa dining table at living room table. Mahilig palang uminom si Alonzo. Inilagay niya ang mga bote sa trash bag at pinusan ang mga lamesa at hinugasan ang mga ginamit na mga baso.
Ilang sandali ay natapos na rin niya ang paglinis. Tanging banyo na lang ang hindi pa niya nililinisan. Good. Ito na lang at pag tapos na siya, agad na siyang aalis at tapos na ang kanyang problema. Wala siyang nakikitang Alonzo at wala siyang naririnig mula kay Alonzo.
Pagbukas niya sa pinto ng banyo, laking gulat niya ng bumulaga ang bulto ni Alonzo na nakatapis lang ng tuwalya ang nakabalot sa katawan nito.
"A-Akala ko wala pang tao dito." Sambit niya dahil sa gulat. Sa kabuuan ng kanyang paglilinis, ni hindi man lang napansin na nasa banyo pala ito. Ang akala niya na epektibo ang plano niya ay palpak pala.
"Huh? Oh, I doze off a minute." Umatras siya ng lumakad ito papalabas ng banyo at tinungo ang kusina.
"Why are you here?" Tanong niya ng kumuha ito ng baso at champagne.
"Pi-pinapalinis ang kwarto mo. Ang sabi nila, utos mo daw na linisin ang kwarto mo bago ka umuwi dito."
"I am. And the service was late."
"Pa-pasensya na. Si-sige at maglilinis na ako." Hindi na niya ito hinintay pa na magsalita at pumasok na sa banyo at nagsimula na maglinis. Sana pinilit na lamang niya ang supervisor na sa iba na lang siya i-assign. Magkikita rin pala silang dalawa ni Alonzo. Hindi rin niya maiwasan na maalala ang nakita niya kay Alonzo. Ang hubog ng katawan nito, nagbago din.
"Ay! ano ba iyan!" Kung ano-ano ng iniisip niya! Kailangan naniyang bilisan para makaalis na siya sa lugar na ito. Dini-demonyo ang utak niya kapag iniisip niya ang hubog ng katawan nito. Nahawa na yata siya ni Emily na gusto makakita ng mga gwapo at magagadang katawan.
Ilang kuskos at pagsabon at sa wakas natapos na din siya sa paglilinis ng banyo. Lumabas na siya at laking gulat niya ang bago lang niyang nilinisan na sahig ay may nagkalat na tuwalya at tubig. Oo nga pala, galing si Alonzo sa banyo.
Walang siyang pagpipilian kundi linisin ulit ang sahig. At ang may pakana nito ay nasa sofa, nakaupo habang umiinom ng champagne.
Tahimik lamang siya sa kanyang ginagawa ng magsalita ito. "I didn't intend to call you to clean here."
"Huwag mag-alala, trabaho lang naman ang ginagawa ko at malas lang dahil inutos lang ito ng supervisor sa akin." Diretso niyang sagot rito. Hindi niya maiwasan mainis rito. At hindi niya kailangan ang paliwanag nito. At bakit ba nagpapaliwanag ito sa kanya?
"Okay." Bumalik muli sa tahimik ang kwarto.
"Ang hacienda, nasa inyo pa rin ba?"
Ang hacienda ng kanyang ama ang tinutukoy nito. "Wala na. Ginawang collateral ni Mama dahil sa utang niya sa pagsusugal." Bakit biuksan pa ang topic tungkol sa hacienda ng kanyang ama?
"But you still have businesses, am I right?"
"Hindi naman ako siguro nandito nagtatrabaho bilang hoisekeeper kung meron pa, hindi ba? Wala na kaming pera at kulang pa ang halaga dapat ibayad sa mga utang ni Mama."
"Hindi ka rin nandito kung bumalik ka sa pagmomodelo."
"Ayoko na bumalik sa nakaraan, Alonzo. Kung kailangan kong maghanap ng isa pang trabaho, gagawin ko basta't ayoko ng bumalik pa sa kinalakihan ko noon."
"You worked hard."
Akala niya hindi na sila maguusap. "I am."
"How does it feel?"
"What kind of question is that? Don't worry, alam ko anong ibig mong sabihin. I worked really hard for the past years kaya alam mo na siguro anong sagot ko sa tanong mo."
"But that hard work wasn't enough."
"Hindi. Dahil taon pa bibilangin ko para mabayaran ko na lahat ng pagkakamali ni Mama. Kung meron man pagkakataon, gagawin ko ano man ang mangyari basta matapos lang ang lahat ng ito."
"So you're desperate para lang makawala na kayo sa pagkakautang."
"Yes, I am."
Tapos na siya sa kanyang ginagawa at niligpit ang mga dala niyang gamit. Bago pa man siya makaalis ng tinawag ni Alonzo ang kanyang pangalan. "You want to pay your mother's debt so much, right? Bibigyan kita ng oportunidad."
"Anong ibig mong sabihin?" Anong oportunidad ang sinasabi nito sa kanya?
"I'm not saying this just to show you how much I changed and hate you, I want to help. Kaya kong bayaran ano mang halagang gusto mo, but in one condition."
"A-ano iyon?"
Inilapit nito ang mukha sa kanya.
"Be mine."
.
.
.
END OF CHAPTER 4