//Selena POV//
"Selena! Selena!"
Mailang ulit na tawag ni Alonzo habang hinahabol siya papalabas ng building. Umiiyak pa rin siya dahil sa sinabui ni Jordan at pinaghinalaan siyang isang bayarang babae. Napakasakit iyon sa kanya dahil bumalik sa kanyang isipan noon kung papaano niya nakuha ang dalawampu't limanag libong piso para makabayad ng utang. Para na din siyang barayang babae na gagawin ang lahat lalo na ang magsubo ng ari ng lalaki.
Hindi niya ito naisip kailan man at napakasakit sa kanyang kalooban na ibang tao pa ang makapagsasabi iyon hindi lang sa harapan niya pati na din sa ibang tao.
Alonzo got her and grab her arm. "Will you stop running?! What is wrong with you?"
"U-uuwi na ako."
"No! You have to stay with me. Ano bang problema at sino ang lalaking iyon?"
"Ma-masama ang pakiramdam ko. A-ayoko na dito gusto ko ng umuwi."
"Hindi mo sinasagot ang tanong ko. Sino ang lalaking iyon?"
Pinakawalan niya ang kanyang braso sa pagkakahawak nito. "Bakit ba ang kulit mo?! Gusto ko ng umalis dito. At ayoko na nito. Ayoko ng ganito..."
"What do you mean?"
"Ayoko na! Ayoko na may kaugnayan sa iyo! Hindi na ako magpapagamit sa iyo. Lahat ng perang nakuha sa iyo babayaran ko iyon basta--- ayoko na."
He steps back on her. Ilang minuto ang katahimikan na namamayani sa kanila. Ayaw na niya talaga. Kung ganito lang naman ang makikita ng ibang tao sa kanya, hindi na dapat siya magkaroon ng kaugnayan kay Alonzo. Hindi niya sinisisi si Alonzo dahil siya mismo ang pumayag sa kagustuhan nito.
"Fine. Sige, bahala ka na. Gusto mo ng umuwi sige, you're on your own now." Tumalikod ito at naglakad pabalik sa venue.
Naiinis siya sa kanyang sarili. Kung bakit umabot pa ito sa ganito. Hindi na kailangan ang tulong nito. Ibabalik niya sa dati ang lahat. Kahit magpakahirap ulit siya sa trabaho wala siyang pakialam.
---------------
//Alonzo POV//
Bumalik siya sa loob ng event. Umiinit ang ulo niya dahil sa pinagsasabi ni Selena. Ano bang pinag-aalburoto ng babaeng iyon? Tinatanong niya ito anong problema, ang sabi lang nito gusto na nitong umuwi at ayaw na nito may kaugnayan silang dalawa.
What a nerve! Tinatanong ko lang namankung bakit hinahawakan siya ng lalaking iyon. He stares to that waiter guy. Sa nakita niya parang magkakilala ang dalawa pero mas nainis siya ng kung gaano nitong makatingin kay Selena. Sigurado siyang walang relasyon ang dalawa dahil hindi naman pumapatol ng ganyang tao si Selena.
Where is she now? Pinabayaan lang niya ito umuwi ng mag-isa. Saan naman iyon pupunta? May pera ba iyon pa-uwi? Kung nakasakay na iyon, nakauwi na kaya ito?
Sh*t, ngayon nagsisisi na siyang pinabayaan niya ang babaeng iyon.
"Alonzo, buddy!"
Oh. It's Leeyah and Sebastian. "What do you want, duckling?"
"Ang init ng ulo mo ah. Umaapoy na oh." Biro ni Leeyah sa kanya. Kahit kailan nakakapikon itong maliit na babaeng 'to.
"Leeyah, stop that. Sorry, huwag mo na lang pansinin."
"Nasaan pala si Selestine Selena? Selena Selestine? Ang sabi niya dadalhan niya ako ng cake pero hanggang ngayon hindi pa siya bumabalik."
"She left." Tipid niyang sagot.
"What?! How could you!"
"Will you shut up?"
Dinuro siya nito. "Kapag may mangyari kay Selenastine, mananagot ka sa akin! Kinaladkad mo siya dito sa party, tapos iiwanan mo na lang basta-basta? May sayad ka ba?"
"Leeya, tama na iyan. Alonzo, you need to chase her. Masyado ng malalim ang gabi at baka may mangyayari sa kanya. Set aside mo muna ang hindi pagkakaintindihan ninyong dalawa."
"And it will be your fault kapag may mangyari sa kanya!"
"Leeya! Umalis ka na, Alonzo."
Tama si Sebastian. Mas napangibabaw ang kanyang inis nito kanina kaya iniwan niya itong mag-isa pero ngayon, mas nangangamba siya sa sitwasyon nito ngayon. baka may mangyari rito. Responsibilidad niya ito dahil siya mismo ang nagdala rito.
"Sebastian, can I borrow your Bugatti?"
--------
//Selena POV//
Tiniis niya ang ilang metrong paglalakad para makasakay papauwi. Hindi niya pinansin ang mga kakaunting taong nakatitig sa kanya dahil sa kanyang suot. kalahating minuto din ang hinintay niya at nakarating na din siya sa kanyang tinutuluyan.
Mabuti wala ng masyadong tao sa labas baka may makakita sa kanya na ganito ang hitsura niya. Dali-dali siyang pumasok sa bahay. Inihubad niya ang suot niyang puting sandal. Puno ng putik ang sandal.
Umupo siya sa silya at napatitig sa maruming sapatos. It was a gift from him back then he said.
"Sh*t. Get out of my head." Bakit pa ba niya iniisip ang lalaking iyon?
Pumunta na siya sa kanyang kwarto. Kumuha siya ng tuwalya para makaligo na. She doesn't want anything in her body related to him or anybody else.
Natapos na siyang maligo at lumabas sa banyo ng may narinig siyang ingay sa labas. Ano iyon?
Hinigpitan niya ang tuwalya nakabalot sa kanya. Pumunta siya sa sala at sumilip sa bintana. Wala naman siyang nakitang kakaiba. Baka guni-guni lang niya iyon. Pago na rin naman siya baka may naririnig na siyang kung ano-ano.
Bumalik ulit siya sa kwarto. Bubuksan na niya ang pinto ng may biglang pumulupot sa kanyang katawan at tinakpan ang kanyang bibig.
"Huwag kang sisigaw kundi may mangyayari sa iyo." Bulong ng lalaki.
Papaano ito nakapasok?! Sino ito? Kawatan?
Dinala siya sa kusina at pinaupo sa sahig. Tinalian din nito ang kanyang kamay.
"A-anong kailangan mo? Wala akong pera maibibigya sa iyo."
"Pasensya na. Utos lang ito ng boss namin. Naiinip na siya kakahintay sa inyong mag-iina. Magbayad na kayo kung gusto mo pa mabuhay."
"Wa-wala talaga akong maibabayad sa ngayon. Pa-pakiusap, bigyan niyo naman ako ng panahon. Ako lang ang nagtatrabaho at---"
"Wala kaming pakialam. bayaran mo na kami."
"Wa-wala talaga..." nagligid ang kanyang luha. Natatakot na siya. Wala talaga siyang kapera-pera.
"Gawin na natin ang piang-uutos ni Boss." Sabi sa kasama nito.
Kinuha nito ang kutsilyo sa lababo at itinutok sa kanyang leeg. "Kasalanan ng ina mo, pagbabayaran mo."
Mariin siyang napapikit. Kung ito na ang panahon na mawawala siya dito sa mundo, sana hindi pababayaan ang kanyang ina.
Alonzo, patawarin mo ako...
"Sino ka?!"
Narinig siya ng malakas na kalabog. Napadilat siya at kita niya ang dalawang taong nakahandusay sa sahig.
"Selena! Are you okay?!"
It's Alonzo!
Agad siyang tinanggalan ng tali sa kanyang kamay at pinatayo. "Walang masakit sa iyo?"
"Wa-wala. Anong ginagawa mo dito?"
"No time for that." Nilapitan nito ang isa sa lalaki at binigyan ng suntok. Hinatak nito ang suot nitong kwelyo. "Sinong nagutos sa inyo na gawin ito? Sagot!"
"Pi-pinagutusan lang kami!"
"Pinagutuan saan? Anong kailangan niyo?"
"A-ang utang... Kailangan na niya magbayad."
"S*hit!" Itinulak nito ang lalaki. may kinuhan ito sa bulsa. Isang papel at may sinulat ito na hindi niya alam kung ano. Pagkatapos ay itinapon nito sa dalawang lalaki.
"That's her payment. Now, get out and don't show your f*cking faces ever again!"
Agad na kinuha ang papel at tinignan ito. Tinignan siya ng lalaki. "Kung ginawa mo sana ito noon, wala na tayong problema ngayon." at umalis agad ang dalawang lalaki.
Binalikan agad siya ni Alonzo. "Kung hindi pa ako sumunod dito... Are you okay?"
Agad siyang napaluha at niyakap ito. Hindi niya mapigilan na mapahagulhol dahil sa nangyari sa kanya. Wala siyang pakialam kung nakasuot lamang siya ng tuwalya. Gusto niya ng may karamay. Sa lahat na ngyari ngayon, si Alonzo ang naging tagapagligtas niya at kung hindi pa ito dumating para iligtas siya, tiyak na iyon na ang katapusan niya.
"Shh... It's okay now. I'm here." Tahan nito sa kanya at niyakap dins siya nito. Hindi pa rin siya matahan at sobrang pangingig niya dahil sa takot.
She's thankful that everything is alright now and she's alive.
.
.
.
to be continued...