//Selena POV// Pagkatapos sa nangyaring muntikan na siyang mapahamak sa kamay ng mga tauhan ng pinagkakautangan ng kanyang na at iniligtas siya ni Alonzo, agad-agad siya nitong dinala sa hotel na tinutuluyan nito. Kakaunting damit at gamit lang ang nadala niya dahil sa pagmamadali nilang umalis sa tinutuluyan niya. Pinagpasyahan ni Alonzo na dito muna siya sa hotel suite nito mananatili. Hindi na siya tumutol sa desisyon nito dahil hanggang ngayon natatakot pa rin siya. "Ako na ang bahala sa iba pang kakailanganin mo so pagpahinga ka na." "Salamat sa tulong mo. At pasensya ka na din sa mga sinabi ko. Hindi ko lang mapigilan ang sarili ko dahil sa... sa nangyari." "You don't have to. Bigla lang din uminit ang ulo at hindi kita pinakinggan. Kalimutan na natin iyon. "Salamat ulit." Gin

