“HINDI!!!” Malakas na sigaw ni Ayanne at napabalikwas siya. “Ayanne, bakit? Nananaginip ka ba?” ang nag-aalalang mukha ni Karen ang bumungad sa kanya. “K-karen!” naiiyak niyang turan sabay yakap sa kaibigan. Nasa bus pa rin siya at buhay pa rin si Karen. Panaginip lang ang lahat. Mabuti na lamang. “Ano bang nangyayari sa iyo, ha?” “Si D-dara... Napanaginipan ko siya! Buhay daw siya tapos... pinatay ka niya,” Nanginginig ang buong katawan niya sa sobrang takot. Pilit niyang pinapakalma ang sarili. “Ayanne, patay na si Dara. Huwag mo na kasi siyang isipin, okey?” Kumalas siya sa pagkakayakap kay Karen. “Para kasing totoo ang panaginip ko, eh. Si WInston nga pala?” “`Andito ako, Ayanne...” nakangiting sabi ni Winston na nasa likurang upuan pala nila. “Malapit na tayong bumaba. Ligtas

