TUMIGIL na si Ayanne sa ginagawang pagtakbo nang makaramdam na siya ng pagod. Medyo masakit na ang tama ng araw sa kanyang balat. Kinuha niya ang maliit na tuwalya na nakasampay sa kanyang balikat at pinahid ang pawis na tumatagaktak sa kanyang mukha. Talaga ngang tunay na masarap sa pakiramdam ang mag-jogging tuwing umaga. Nang makaramdam siya ng pagkauhaw dahil sa ginawang pagtakbo ay naglakad na siya papunta malapit na convenience store sa park kung saan siya naroon. Pagkadating niya doon ay agad siyang pumunta kung saan nakalagay ang mga tubig. Papunta na siya sa counter upang bayaran ang tubig na kinuha nang isang pamilyar na babae ang kanyang nakita na papasok sa naturang tindahan. “Karen!” may pagkagalak sa boses na tawag niya sa babae. Lumiwanag ang mukha ni Karen nang makita s
Download by scanning the QR code to get countless free stories and daily updated books


