KABANATA II

1563 Words
PAGKATAPOS na maipasok nila lahat ng gamit sa loob ng rest house ng lola ni Ayanne ay naghanda ng sandwich at juice si Ayanne para sa mga kaibigan niya na bala sa paglilinis sa may salas. Medyo maalikabok kasi ang buong kabahayan kaya kailangang linisin. Wala namang ibang pwedeng maglinis n`on para sa kanila dahil walang nakatira dito. Naipatayo ang maliit na rest house na iyon ng kanyang lola ilang taon na ang nakakaraan. Noong mga panahon na buhay na buhay pa ang San Sebastian. Ngayon kasi ay tila ghost town na ang bayang ito. Wala na siyang nakikitang ibang bahay kundi ang napakalaking mansion sa tabi ng rest house na ayon kay Winston ay parang isang haunted house. Sa kanilang anim, siya ang madalas na pinapaniwalaan ng mga ito. Madalas siya ang nagpaplano at nasusunod kapag may desisyon na kailangang bitiwan ang barkadahan. Dahil narin siguro sa matanda siya sa mga ito ng isang tao. Si Ayanne ang tumatayong “ate” sa mga ito. Isa sa mga pinoproblema nga lang niya ay ang pagiging moody at seryoso ni Karen. Kaya naman madalas nitong makasagutan ang maarte at sosyalerang si Siri. Pasaway, makulit at partners in crime naman ang magpinsan na sina Jeric at Vinz. Madalas na pagtripan ng mga ito ang nerd at matatakutin na si Winston. “Tama na muna iyan at mag-meryenda muna tayo, guys!” yaya niya sa mga ito pagkalapag niya ng tray ng mga pagkain sa isang maliit na lamesa sa sala. Agad na nag-agawan na parang mga bata sina Jeric at Vinz kaya naman sinaway niya ito. “Wait, nasaan nga pala si Siri?” tanong niya nang mapansin niyang wala ang kaibigan. “As usual, naghahanap ng signal sa labas. Hindi mo ba siya nainform na wala ditong network signal?” ani Karen. “Sinabi ko sa kanya na wala, Karen.” Pagkasabi niya n`on ay biglang dumating si Siri na busangot ang mukha. “I just thought na you’re just being exxagerated nang sabihin mong walang signal dito, Ayanne! I don’t think na mag-e-enjoy tayo dito. No wifi and even a data connection! Liblib ang lugar at iisa lang ang kapitbahay!” maarteng reklamo ni Siri. “Sorry, Siri. Pero, I am not joking nang sabihin ko sa iyo na walang signal dito,” ani Ayanne. “Pero nagkakamali ka na hindi tayo mag-e-enjoy sito sa San Sebastian. Pwede tayong mag-camping sa gubat or maligo sa falls!” Nakangiti pa niyang sabi. “Camping? Ano tayo, high school?” “Here we go again...” bulong ni Karen. Pasimpleng pinandilatan ni Ayanne si Karen ng mga mata. Parang sinasabi niya dito na huwag nang patulan pa ang pag-iinarte ni Siri. “Dapat kasi sa ibang lugar na lang tayo pumunta! This place is nothing but a junk!” reklamo pa ni Siri at padabog itong lumabas. Medyo nasaktan si Ayanne sa huling sinabi ni Siri. Kahit papaano ay importante sa kanya ang San Sebastian dahil dito lumaki ang kanyang lola. Dito rin ipinanganak ang kanyang namayapang ina. “Dapat kasi hindi na natin isinama ang brat na iyon, eh!” inis na turan ni Karen. “Ini-spoil lang niya itong bakasyon natin.” “Hayaan mo na si Siri, Karen. Sanay na naman tayo sa ugali niya, `di ba?” “Ewan ko ba. Hanggang ngayon nagtataka pa rin ako kung bakit natin naging kaibigan ang maarteng iyon!” anito pa sabay kagat sa sandwich. Maya-maya ay natigilan silang lahat nang may biglang kumatok sa may main door. Tumayo si Ayanne upang buksan iyon habang nakasunod naman sa likuran niya ang kanyang mga kaibigan. Pagbukas niya ng pintuan ay bumungad sa kanya ang isang babaeng may maamong mukha. Maputi ito at hanggang beywang ang itim nitong buhok. Sa tantiya niya ay ka-edad niya lang ito o mas bata lang ng ilang taon. “Magandang umaga!” maaliwalas na bati n`ong babae. “Magandang umaga din. May maitutulong ba kami?” ani Ayanne. “Ako si Dara Avillante, diyan ako nakatira sa mansion sa tabi nitong bahay niyo. Napansin ko kasi na may mga tao dito kaya naisip kong i-welcome kayo dito sa San Sebastian...” anito. Ngumiti si Ayanne. Mukhang mabait naman pala ang nakatira sa mansion na iyon. Inilahad niya ang kanyang kamay upang makipag-shake hands kay Dara. “Ako naman si Ayanne. Galing pa kami sa Manila at nandito kami para magbakasyon ng mga kaibigan ko.” Matapos iyon ay isa-isa niyang ipinakilala ang mga kaibigan kay Dara, kasama na rin si Siri na kakapasok lang ulit. “Pasok ka muna, Dara. Magmeryenda ka muna,” anyaya pa niya dito. Mariing umiling si Dara. “Naku, `wag na. Nagtungo lang naman ako dito upang makilala kayo at upang dalhin sa inyo itong niluto kong ulam. Dinuguan...” sabay abot nito sa kanya ng dala nitong mangkok na may takip na platito. “Isa pa, kailangan ko na ring umalis kasi baka hinahanap na ako ng kakambal ko na si Kara.” “Wow! May kakambal ka? Maganda rin ba siyang tulad mo?” nakangising singit ni Jeric. “Jeric!” saway ni Ayanne sa kaibigan. Sabay harap niya kay Dara. “Pasensiya ka na, Dara, kay Jeric. Joker talaga iyan...” “Wala iyon. Sige, ha. Alis na ako. Sana ay mag-enjoy kayo dito sa San Sebastian,” nakangiting sabi ni Dara bago ito tuluyang umalis. “THIS place is so boring...” Lahat sila ay natigilan sa sinabing iyon ni Siri habang kumakain sila ng tanghalian. Nang tingnan ito ni Ayanne ay nakalagay ay kamay nito sa baba. Parang tamad na tamad ito. Talagang hindi na natutuwa si Ayanne sa sinasabi ni Siri tungkol sa lugar na ito. Naiinsulto siya pero kailangan niyang magtimpi dahil ayaw niyang patulan pa ang kaartehan ni Siri. “Oh, Winston... bakit hindi ka kumakain nitong dinuguan na niluto ni Dara?” Natatawang untag ni Vinz kay Winston. Akmang lalagyan ni Vinz ang plato ni Winston ng naturang ulam nang biglang ilayo ng huli ang plato nito. “`W-wag! Ayoko niyan. Baka kasi c-cannibal iyong si Dara tapos ginagawa niyang dinuguan iyong mga taong binibiktima niya...” nakayuko at parang nahihiya na sabi ni Winston. Nagkatawanan ang lahat sa sinabing iyon ni Winston. “Seriously, Winston? Stop being paranoid! Ka-lalaki mong tao, napakamatatakutin mo!” natatawang sabi pa ni Siri. Kinuha naman ni Vinz iyong dinuguan sa mangkok at walang nagawa si Winston nang ibuhos nito iyon sa kanyang plato. “`Yan! Try mo iyang dinuguan ni Dara, pare! Nakakita ako kanina diyan ng daliri at eyeball!” at nakipag-apir pa ito sa pinsan na si Jeric matapos. Nanlalaki ang mga mata na napatayo sa kinauupuan si Winston at patakbong tinungo ang lababo upang sumuka. “Hindi niyo dapat ginawa iyon kay Winston! Alam niyo namang gan`on `yong tao, eh!” inis na turan ni Ayanne. “Ang saya nga, eh!” nangingiting pambabara naman sa kanya ni Siri. MAG-ISANG kumakain ng hapunan si Dara ng gabing iyon sa napakalaki at habang lamesa. Nakaramdam siya ng kalungkutan nang mapansin na napakatahimik ng kapaligiran. “Yaya Minerva! Yaya Minerva!” tawag niya sa katulong. Agad naman na dumating ang kanyang tinatawag. “Ano po iyon, Senyorita Dara?” “Yaya, bakit wala si Kara? Hindi ba at kanina ay ipinatawag ko na siya sa inyo para kumain?” Medyo balisang tanong niya. “Senyorita Dara... Wala po---“ Gigil na ibinagsak ni Dara ang dalawa niyang kamay sa lamesa. “Huwag niyong sabihin na wala na namang ganang kumain si Kara?!” at nanlilisik ang mga mata na tiningnan niya si Yaya Minerva. “Kaya nga nagluto ako ng menudo dahil alam kong paborito niya ito!” “Pero, Dara---“ “Humanda sa akin `yang si Kara!” Takot na takot lang na tiningnan siya ni Yaya minerva. Kumuha siya ng kutsara at tinikman ang menudo na nakahain. “Masarap ang pagkakaluto ko. Dapat itong matikman ni Kara!” Nilisan niya ang komedor dala ang isang plato ng menudo. Tinungo niya ang silid ni Kara at nakita niya itong umiiyak sa isang sulok. “Kara, lumabas ka diyan...” pinipigilan ni Dara ang paglabas ng galit sa kanyang mukha. Nasa bungad lamang siya ng silid ng kakambal. Tinawag niya itong muli para palapitin ngunit hindi ito sumunod kaya naman sinigawan na niya ito. “Kara! Ano ba?! Lumapit ka nga dito!!!” Takot na takot na lumapit sa kanya si Kara. Tigam sa luha ang mata nito. “A-ate...” humihikbing tawag ni Kara sa kanya. “Totoo ba ang sinabi ni Yaya Minerva na wala ka na namang gana sa pagkain?! Hindi mo ba alam na ipinagluto pa kita ng paborito mo tapos hindi ka kakain?” aniya sabay sabunot sa buhok ni Kara. Itinulak niya ito sa sahig upang mapaluhod ito doon. Lumuhod na rin siya at inilapag sa sahig ang plato ng menudo. Mas lalong lumakas ang iyak ni Kara. “Ate, nasasaktan ako!” “Talagang masasaktan ka kapag hindi mo ako sinunod!” Dumakma si Dara ng menudo at pilit na pinagsaksakan iyon sa bibig ni Kara. Paulit-ulit niya iyong ginawa hanggang sa halos maubos na ang pagkain. Nagkalat sa mukha ni Kara ang malagkit na sauce. “Ganiyan ang mangyayari sa iyo kapag sumuway ka pa sa akin!” galit na turan pa ni Dara.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD