KABANATA III

2474 Words
DAHAN-DAHAN na naglakad sa pasilyo sa ikalawang palapag ng mansion ang labing-tatlong taong gulang na si Kara. Hawak niya sa isa niyang kamay ang isang papel na may nakaguhit na makukulay na mga paru-paru. Tinuruan siyang gawain iyon ng kanyang Ate Dara kanina. Ipapakita niya sa kanyang Mama Caridad iyon. Alam niya kasi na natutuwa ang kanyang ina kapag nakakakita ito ng paru-paru. Minsan kasi ay nakita niyang nakangiti nitong pinamamasdan ang mga nakadapong paru-paro sa tanim nitong orkidyas sa likod-bahay. Ilang araw na kasi niyang nakikitang malungkot ang ina kaya umaasa siya na mapapasaya niya ito sa pamamagitan ng kanyang iginuhit. Sa wakas ay narating na niya ang tapat ng pintuan ng kwarto ng kaniyang mga magulang. Pero dagli siyang natigilan sa pagpihit ng seradura nang makarinig siya ng tila nagsisigawan sa loob ng silid. Dahil sa kanyang kuryosidad ay itinuloy na niya ang pagbukas ng pinto at ganoon na lang ang kanyang gulat sa kanyang nakita... “AAAHHH!!!” Napabalikwas ng bangon si Dara mula sa kanyang pagkakahimbing nang marinig niya ang kalunos-lunos na panaghoy na pumunit sa katahimikan ng gabi. “Kara!” bulalas niya. Hindi siya maaaring magkamali, boses iyon ng kanyang kakambal. Nagmamadali na lumabas siya ng kanyang silid at malalaki ang hakbang na tinungo ang kabilang kwarto kung saan naroon si Kara. Doon ay nakita niya si Kara na nasa veranda. Nakahawak sa barandilya ang dalawa nitong kamay at nakatingala habang umiiyak. May pag-aalala na nilapitan niya si Kara. Mula sa likod nito ay niyakap niya ito. “Kara, anong nangyayari? Bakit ka umiiyak?” Humarap sa kanya si Kara at yumakap din ito sa kanya sabay subsob ng mukha sa kanyang balikat. “Nakita ko na naman, ate... Si Mama... Si Papa!” sagot nito sa pagitan ng panaghoy. “Ssshhh... Tahan na, Kara. Panaginip lang ang lahat...” pag-alo pa niya dito. MATAPOS maayos ni Ayanne at Karen ang kanilang kama na tutulgan ay naglakad papunta ang una sa may bintana para saraduhan iyon. Bago niya masarhan iyon ay hindi niya naiwasan na makita iyong mansion kung saan nakatira sina Dara. “Karen, anong tingin mo kay Dara?” hindi alam ni Ayanne kung bakit niya iyon itinanong sa kaibigan. Sinaraduhan na niya iyong bintana at tinabihan si Karen sa pagkakaupo nito sa kama. “Mukhang okey naman siya kahit na parang napag-iwanan na ng panahon ang way ng pananamit niya...” sagot nito. “For me, she’s a real weirdo!” sabat ni Siri na kakalabas lang ng banyo. May facial cream pa itong nakababad sa mukha. “Ayanne, hindi ba talaga gumagana iyong heater ng tubig sa banyo niyo dito?” “Hindi ko alam, Siri, pero mukhang ganoon na nga. Alam mo naman na generator lang ang dahilan kung bakit may kuryente tayo dito. At talagang may mga appliances na hindi gagana dahil baka hindi kinakaya ng voltage na prino-produce ng generator.” Iniikot ni Siri ang mga mata nito. “Yeah, right! Ang dami mong nasabi, Ayanne. Isa lang naman ang tinatanong ko!” sabi nito at lumabas ito ng silid nila. “My God! Ang bastos talaga ng babaeng iyon! Dapat sa kanya kinakausap, eh!” naiinis na turan ni Karen pagkaalis ni Siri. “Hayaan mo na siya, Karen...” “No. Hindi. I’ll talk to that brat para matauhan siya sa mga kaartehan niya!” “Karen!” Ngunit wala nang nagawa si Ayanne nang lumabas na rin si Karen ng silid. Sana nga lang ay maging maayos ang pag-uusap ng dalawa. NAALIMPUNGATAN si Winston nang sumuot sa kanyang ilong ang isang kakaibang amoy. Napaubo pa siya nang hindi niya alam kung bakit. Dalawa ang kwarto sa rest house na ito nina Ayanne. Kasama niya sa kwartong ito ang magpinsan na sina Jeric at Vinz. Habang sa isang kwarto naman ay sina Ayanne, Siri at Karen. Bumaba ng kama si Winston at papungas-pungas na kinapa niya ang switch ng ilaw malapit sa pintuan. At ganoon na lang ang panlalaki ng kanyang mga mata nang makita niya ang dahilan ng kakaibang amoy sa kanilang silid. Nakasalampak sa sahig sina Jeric at Vinz at walang pakialam ang mga ito kahit huling-huli niya ang pag-gamit ng mga ito ng ipinagbabawal na gamot. Alam naman nilang magkakaibigan ang paggamit ng mag-pinsan na Jeric at Vinz ng drugs ngunit talagang nagulat siya nang makita niya sa harap niya ang paggamit ng dalawa niyon. Namumungay ang mapupulang mga mata ng dalawa niyang kaibigan nang tumingin ang mga ito sa kanya. Napaatras pa nang bahagya si Winston nang ngitian siya ni Vinz na parang isa itong demonyo. “Hoy, pare! Samahan mo naman kami dito!” anyaya pa nito sa kanya. Sunud-sunod na umiling si Winston. “A-ayoko! M-masama iyang ginagawa niyo...” “Sinasabi mo bang masama kami, ha?!” bulyaw sa kanya ni Jeric na nagpanginig sa kanyang tuhod. “H-hindi naman sa ganoon. P-pero, ano kasi...” Hindi na niya alam ang kanyang sasabihin ng sandaling iyon. Nakakatakot sina Jeric at Vinz dahil nasa ilalim ito ng impluwensiya ng droga. Hindi niya alam ang maaaring gawin ng dalawa sa kanya kapag hindi nagustuhan ng mga ito ang kilos niya. Maya-maya ay tumayo na si Vinz mula sa pagkakasalampak nito sa sahig. Nilapitan siya nito. “`Wag ka ngang KJ, WInston!” anito. Naaamoy niya ang alak sa hininga nito. “Masaya ito! Kaya kung ako sa iyo, samahan mo na kami, okey?” sabay akbay pa nito sa kanya. “A-ayoko. Kayo na lang!” tigas na tanggi niya. “Tang’na mo!” gigil na ang mukha ni Vinz. “Alam mo, matagal na kaming duda sa iyo ni Jeric, eh. Bakla ka ba, ha?!” “Hindi, ah! Hindi ako bakla!” “Eh `di, ipakita mo sa amin na tulad namin ay lalaki ka rin!” hamon naman sa kanya ni Jeric. Tinamaan ang p*********i ni Winston sa pag-akusa sa kanya ni Vinz na bakla siya. “Hindi ako bakla! At papatunayan ko iyan sa inyo!” Tumapang ang mukha ni Winston. Inalis niya ang pagkakaakbay sa kanya ni Vinz at tinungo niya ang kinapupwestuhan ni Jeric. Umupo siya sa tabi nito. “Iyan ang gusto ko sa iyo, Winston. Marunong kang makisama,” si Vinz. Nakasunod na ito agad sa kanya. “Heto. Gamitin mo!” sabay abot sa kanya ni Jeric ng isang binilot na aluminum foil. May sindi ang dulo niyon at umuusok pa. Alam niya kung ani iyon. Huminga siya nang malalim bago kinuha iyon sa kaibigan. Ginaya niya ang ginagawang pagsinghot nina Vinz at Jeric sa usok na inilalabas ng foil. Ramdam niya ang pagpasok ng usok sa kanyang ilong patungo sa kanyang lalamunan. Sinabayan pa niya iyon ng pag-inom ng alak. Droga, alak, droga, alak. Salit-salitan lang. Hanggang sa ilang sandali lamang ay katulad na rin siya nina Jeric at Vinz na sinasapian na ng espiritu ng alak at droga. Namumungay na rin ang kanyang mga mata at pakiramdam niya ay nakalutang siya sa ere. May mga anino rin na nakikita si Winston. Mga aninong epekto ng bawal na gamot. “`Di ba, ang sarap ng pakiramdam, pare?” sabi sa kanya ni Vinz. Hindi na nagawang makasagot ni Winston. Pakiramdam niya ay napakainit ng paligid. Para siyang nakakulong sa isang pugon. Sinusunog siya nang unti-unti. Kaya naman agad niyang hinubad ang suot na t-shirt. “Oh, bakit bigla kang naghubad, pare?” untag naman sa kanya ni Jeric na humihithit naman ngayon ng sigarilyo. “Bigla akong ininit, eh!” pakli niya na sinundan niya ng isang ngisi. “Ang mabuti pa siguro ay lumabas na lang muna tayo.” “Good idea, Vinz!” ani Jeric. Ganoon na nga ang ginawa nilang tatlo. Napagkasunduan nilang magtungo sa labas ng bahay. Napakadilim at ang tanglaw lang nila ay ang bilog na bilog na buwan. “Ang dilim naman dito, pare!” aniya. “`Wag mong sabihing pati sa dilim ay takot ka, Winston?” “H-hindi, ah!” Inilibot ni Jeric ang kanyang paningin sa paligid. “Puta! Ang boring dito. Wala man lang tayong mahahanap na magandang trp dito! Bumalik na nga lang tayo sa loob!” Papasok na sanang muli sila nang pigilan sila ni Vinz. “Teka lang mga, pare... Naririnig niyo ba iyon?” “Ang alin?” si Jeric. “`Wag kayong maingay para marinig niyo rin...” Ginawa nga nila ni Jeric ang sinabi ni Vinz. Tumahimik sila at maamang pinakinggan ang maliliit na ingay sa katahimikan ng gabi. Tama si Vinz. May kakaibang ingay siyang naririnig. Parang tunog ng isang nabulabog na tubig. Parang may naliligo sa swimming pool sa kabilang bakod. Sa pagkakatanda niya ay may hindi kalakihang pool sa harapan ng mansion nina Dara. Nagkatinginan silang tatlo. Parang nag-usap ang kanilang mga mata at nagtanguhan. Marahan silang naglakad sa pader na naghahati sa mansion nina Dara at sa rest house nina Ayanne. Matahimik nilang inakyat ang hanggang leeg na pader. Bagaman at balot ng dilim ang kapaligiran ay natatanaw nilang tatlo ang bulto ng isang babae na nakatayo sa gilid ng swimming pool. Nakatingala ito at tila pinagmamasdan ang kabilugan ng buwan. Ilang sandali pa ay lumusong na sa tubig iyong babae. Nagpabalik-balik ito sa paglangoy sa kalakihan ng pool. “Ang sexy naman...” pabulong na bulalas ni Jeric. “Sino kaya siya? Parang... ang sarap niya naman!” “Parang si Dara iyan, eh. Iyong chicks na pumunta kanina sa atin...” Kitang-kita ni Winston ang pagnanasa sa mga mata ni Vinz habang titig na titig ito sa babaeng naglulunoy sa tubig. “Siya nga! Ang sexy pala niya kahit sa dilim. Bagay sa kanya ang suot niyang two piece. Sarap!” ani pa ni Jeric. Halos ilang minuto rin silang nakatanghod nang maya-maya ay umahon na sa tubig iyong babae. Napagod na yata ito kaya humiga na lang ito sa gilid ng pool. Nakita ni Winston na nagkatinginan sina Jeric at Vinz sabay ngisi na parang mga demonyo. Parang iisa ang nasa isipan ng dalawa. Kung ano man iyon ay wala siyang ideya. Nagulat na lamang siya nang walang anu-ano`y tumalon ang dalawa sa kabilang pader. “Hoy, mga pare! Anong gagawin niyo?” halos pigil ang pagsigaw na tanong ni Winston. “Pwede ba, huwag kang maingay diyan!” sita ni Vinz sa kanya. “`Di ba, ang sabi mo kanina, eh, iniinit ka? Pwes, lalo tayong magpapainit!” nakakalokong dugtong pa nito. Naguguluhan man ay tumalon na rin si Winston sa kabilang pader. Dahan-dahan silang naglakad papalapit sa babaeng nakahiga sa gilid ng pool. Dahil doon ay nagkaroon si Winston ng ideya kung ano ang binabalak nina Vinz at hindi niya gusto ang binabalak ng mga ito. Gusto na niyang tumakbo palayo at bumalik na sa bahay ngunit may malaking bahagi ng kanyang utak na pumipigil sa kanya na gawin iyon. Natatakot kasi siya na baka kantiyawan na naman siya ng mga ito kapag tumakbo siya. Isa pa ay nasa ilalim pa rin siya ng espiritu ng bawal na gamot kaya naman kahit papaano ay nakakaramdam din siya ng excitement sa nais gawin nina Jeric at Vinz. Natigilan silang tatlo nang biglang bumalikwas ng bangon iyong babae. Nagpalinga-linga ito sa paligid ngunit hindi yata sila makita nito dahil sa kadiliman. “M-may tao ba diyan?” may halong takot ang boses nang babae. Biglang kinabahan si Winston. Patay sila kapag nahuli sila ng babae! Nang makita niya na tatayo na sana iyong babae ay biglang naging mabilis ang kilos nila Jeric at Vinz! Sinunggaban agad ng dalawa ang babae sa magkabila nitong braso at hinila patayo. Tinakpan ni Vinz ng kamay nito ang bibig ng babae upang hindi ito makasigaw. Tiningnan ni Jeric ang mukha n`ong babae. “Pare, iba ang mukha nito, ah! Hindi yata ito si Dara! Baka ito `yong kakambal niya na sinasabi niya! Si Kara!” Bigla na lang napasigaw si Vinz. “Ahhhh!!!” Iyon pala ay kinagat n`ong babae iyong kamay nito. “Puta kang babae ka!” igik pa nito. “Tulungan niyo ako!!!” sigaw niyong babae nang magkaroon ito ng pagkakataon ngunit maagap na tinakpan ni Vinz ang bibig nito gamit ang isang kamay. NAPABALIKWAS ng bangon si Ayanne nang tila may marinig siyang babaeng sumigaw. Hindi na siya nag-abalang buhayin ang ilaw. Pinakiramdaman niyang muli ang paligid ngunit hindi na niya ulit narinig pa iyong sigaw. Baka naman gawa lang iyon ng hangin o ng mga ibon na pang-gabi. Humiga na lamang siyang muli at ipinikit ang mga mata upang matulog... INILAPIT ni Jeric ang mukha nito sa mukha ng babae. Pagbigyan mo na kami, Kara! Ngayong gabi lang naman, eh. Sisiguraduhin naman namin na masasarapan ka!” At kitang-kita ni Winston na dinilaan pa nito ang pisngi ng babae. Muling nagpumiglas iyong babae. Mas nagwala na ito sa pagkakataong iyon! Pawisan na pawisan naman si Winston ng mga oras na iyon kahit wala naman siyang ginagawa kundi ang manood lang. “Puta, pare! Suntukin mo sa puson!” utos sa kanya ni Vinz. “H-ha? B-bakit?” natutulirong tanong ni Winston. “`Wag ka nang magtanong. Gawin mo na lang!” Naaawa man ay inundayan ni WInston ng suntok ang babae sa puson nito. Ngunit dahil sa naaawa siya dito ay hindi ganoon iyon kalakas. “Para kang baklang sumuntok! Lakasan mo!” ani Jeric. Pikit-mata na nilakasan ni Winston ang pagsuntok sa babae. Tatlong sunud-sunod at malalakas na suntok ang ipinatikim niya sa puson ng babae hanggang sa nanghihina itong lumupaypay at nawalan ng malay-tao. Mahinang napatawa sina Vinz at Jeric. “Jackpot! Tara na!” Binuhat ni Jeric ang walang malay na babae. “S-saan natin siya dadalhin?” Kinakabahang tanong ni Winston. Wala siyang nakuhang sagot sa dalawa. Sumunod na lamang siya hanggang sa makarating na sila sa isang masukal at madilim na gubat. Inihiga na ni Jeric ang katawan ng babae sa lupa at mabilis itong hinubaran nina Jeric at Vinz. Halos maulol silang tatlo nang tumambad sa kanila ang magandang katawan ng babae. “H-huwag... M-maawa kayo...” nanghihinang pakiusap ng babae sa kanila. Biglang nabuhay ang makamundong pagnanasa ni Winston. Mabilis niyang hinawakan sa dalawang kamay iyong babae. Habang si Jeric naman ay nakatakip ang kamay sa bibig na babae. “`Wag kang mag-alala... Dadalhin kita sa langit!” nakangising turan ni Vinz habang niluluwagan nito ang sinturon na suot nito. Matapos iyon ay ibinaba na nito ang pantalon at pumwesto na sa ibabaw ng babae. Impit na napasigaw iyong babae nang mag-umpisang gumalaw si Vinz sa ibabaw nito. Kitang-kita ni Winston ang pagkislap ng luha ng babae sa dilim. May awa naman siyang nararamdaman ngunit mas nananaig ang init ng katawan niya dahil sa droga. At maya-maya nga`y mga bingi na sila sa pagmamakaawa ng babae at salit-salitan nila itong pinagparausan ng init na kanilang nararamdaman!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD