“OH, bakit may pasa ka sa mukha, Winston?” nagtatakang tanong ni Ayanne nang makita niya na namamaga ang kaliwang pisngi ni Winston. Kababalik lang nito kasama sina Jeric at Vinz mula sa pangunguha ng mga kahoy para sa bonfire nila. Umiwas ng tingin sa kanya si Winston. Si Vinz ang sumagot sa tanong niya. “Naku, wala `yan. Nadapa tapos tumama ang mukha niya sa ugat ng puno. Tatanga-tanga kasi!” “Ganoon ba” Kukuha lang ako ng yelo sa cooler para mailagay mo diyan sa pasa mo, Winston...” ani Ayanne. TANGING huni ng mga panggabing ibon ang naririnig ni Jeric habang nakahiga siya sa loob ng tent. Pinagigitnaan siya nina Vinz at Winston. Kapwa na mahimbing na natutulog ang dalawa habang siya ay gising na gising ang diwa. Napatingin siya kay WInston. Gustong-gusto niya talagang basagin ang

