MAAGA pa lamang ay abala na si Ayanne at Karen sa paghahanda ng mga dadalhin nila para sa picnik nilang magkakaibigan mamaya. Sa isang talon sa gitna ng gubat ang balak nilang puntahan. Minsan nang nakapunta doon si Ayanne noong bata pa lamang siya at talagang napakaganda roon. Madali namang makita ang talon dahil may ginawang daan para makapunta doon. “Teka, na-marinate na ba iyong karne para sa barbecue natin mamaya?” tanong ni Ayanne kay Karen habang inilalagay niya sa isang container ang mga sandwiches na katatapos lang nilang gawin. “Kanina pa, Ayanne. Nas cooler na siya. Wait, siguro we should bring some of these...” nakangiting ipinakita ni Karen sa kanya ang dalawang bote ng alak. Napahahalukipkip si Ayanne habang nakatingin sa dalawang bote. “I don’t like the idea, Karen... Per

