AGAD na pinindot ni Siri ang answer button at inilagay sa kanyang tenga iyong cellphone ni Karen. “Hello? S-sino ito?” nanginginig pa ang kanyang boses nang sagutin niya iyon. Hindi pa rin kasi siya makapaniwala na makakasagap iyon ng signal. Isang lalaki ang nagsalita sa kabilang linya. “Hello, ma’am? Kayo po ba iyong nagpaayos ng van sa amin?” Napaisip si Siri. “O-oo, ako nga. Bakit?” pagsisinungaling niya. “Gusto ko lang po na sabihin sa inyo na naayos na namin iyong sasakyan niyo. Ihahatid na po ba namin sa address na ibinigay niyo sa amin?” “`Wag!” mabilis niyang sabi. Hindi dapat malaman nina Ayanne na ayos na iyong van. Kilala niya si Ayanne, hindi ito papayag na umalis agad sila sa lugar na iyon hanggang hindi sila nakakakuha ng ebidensiya labang sa pumatay kay Jeric. “Dalhin

