“BAKIT magulo dito?” Nagtatakang tanong ni Winston nang makabalik na sila sa rest house. Kahit si Ayanne ay nagtataka rin. Magulung-magulo ang buong kabahayan. Kung saan-saan nakalagay ang mga kagamitan at parang may hindi magandang nangyari doon. “Mukhang may nakapasok na ibang tao...” sabi ni Ayanne. Pero maya-maya ay may bigla siyang naalala. “Si Karen!” at kinakabahan na nagtatakbo siya papunta sa kanilang ginagamit na silid. Nakasunod sa kanya si WInston. Nanlulumo na napaupo sa sahig si Ayanne nang makita niyang wala doon si Karen. “Nasaan si Karen?” tanong ni Winston. Umiiling na sumagot siya. “Hindi ko alam...” At nanghihina na tumayo na siya. “B-baka may masamang nangyari na sa kanya. Pati sina Vinz at Siri, nawawala.” Nagulat na lamang si Ayanne nang biglang napaluha si WI

