bc

f*******: RELATIONSHIP: GOD GAVE ME YOU

book_age18+
13
FOLLOW
1K
READ
second chance
friends to lovers
drama
first love
spiritual
like
intro-logo
Blurb

Si Xia, 25 years old, dalaga, panganay sa limang magkakapatid. Di nakapagtapos ng college dahil sa kahirapan, nag abroad at nagtatrabaho bilang domestic helper ng mga arabo. Sa abroad, nagsasideline bilang isang networker. Sa pagiging Networker nakilala niya ang taong nagpapatibok ng kanyang puso sa unang pagkakataon, sa taong sa f*******: niya lng nakilala. Si Johnny, isang Vice President ng RiseUp Marketing Corporation, isang networking company na sinalihan ni Xia. Naging sila ni Johnny sa loob lang ng dalawang buwan mula nang sila ay nagkakakilala. Legit nga kaya ang pagmamahal ng lalaki sa kanya gayong sa f*******: at sa messenger niya lng ito nakausap?

Si Sam, binata, isang Networker din. Napalapit ang loob ng dalaga kay Sam at ito lamang ang tanging sumbungan ng dalaga sa lahat ng kanyang mga hinanakit sa buhay.

Si Johnny at Sam, dalawang lalaking importante sa buhay ni Xia at parehong sa f*******: niya lng nakilala.

"Pag naging kayo through f*******: , maghihiwalay din kayo through f*******:" totoo kaya to o pwed namang maging kayo sa totoong buhay?

chap-preview
Free preview
God Gave Me You
"Hi! Thank you for accepting my FR?", message na natanggap ni Xia pagkaopen nya ng kanyang messenger. Alas onse ng gabi, katatapos nya lng sa trabaho. "Hello po. Sino po sila?", reply niya dito. " Ako nga po pala si Reymark, isang upline ng networking company at gusto ko lang ishare sau ang isang opportunity na pwede mo pagkakakitaan ng extra aside sa present job mo ngayon. Saan ka now po pala maam?" agad-agad na repy nito. "Nasa Kuwait po ako sir, isang DH po dito," sagot niya sa chat nito. "Networking, andami nang nag invite sakin ng ganito sir pero wala po ako masyado free time para magawa po yan and besides wala po ako alam jan". "May isend ako sayong video panoorin mo ha, naku pag mapanood mo'to sigurado ako maging interesado ka and willing akong turuan ka kung paano", reply ng networker. "Ahhmm cge po send mo nalang ang video at panoorin ko", reply niya. Di na niya inantay na magrepy pa ang networker, nagcharge na siya ng cp niya at nagshower na. Pagod siya sa trabaho at gusto niya matulog ng maaga. Maaga pa pasok niya bukas kasi papasok din nang trabaho amo niya. Tatlong buwan pa lamang siya dito sa mga amo niya na Arabo. Sinwerte naman siya kasi mabait ang mag-asawa yun nga lang medyo malikot ang dalawang alagang bata niya at buntis pa yung madam niya. Alarm nang kanyang cellphone ang nagpagising sa kanya. Dali-dali siya bumangon, umusad nang maikling panalangin sa Dios at dali-dali nang nagprepare para papasok na sa trabaho. "Xia, I will go, baby stand up, eat the baby okay?" bilin nang kanyang madam sa kanya, handa na itong umalis. "Ahh okay, okay madam!"sagot niya na napakamot sa ulo. Tatlong buwan na rin niyang naririnig ang mga linyang ito pero di pa rin siya makamove on, di parin niya mapigilan mapatawa nang mag-isa pagkarinig nun. "Hi po. Kumusta", natanggap niyang message pagkaopen ng phone niya pagkatapos ng trabaho kinagabihan. Naalala niya ito yung networker. "Napanood mo na po ba yung video na sinisend ko?" "Hindi pa po, sorry po,pero panoorin ko po ngayon", reply nya tsaka niya naalala panoorin yung sinend nito n video. "Hi po maam, ano na po response mo sa video po?" ang networker na nman. "Ahm ok nman po maganda po complan nyo", reply niya dito. "So, willing ka po ba maam mag-observe sa gc nmin pra mas matutunan mo pa ang business at mkita mo rin mga proofs nmin?" "ahm cge2, try q po mag-observe", reply ni Xia sa text ng networker. Wala naman mawala kung mag-observe lang siya. Naging busy na si Xia sa trabaho buong araw. Sobrang pagod na nahiga agad sa kama niya pagkatapos ng trabaho kinagabihan. Tinamad na siyang magshower ngunit kelangan. Nagpahinga muna siya ng ilang minuto bago magshower. Nanakit talaga binti niya sa kakaakyat-baba ng hagdan buhat buhat pa alaga niya na maliit. Pagkatapos magshower tumawag muna siya sa mama at papa niya sa pinas. Salamat sa Dios naging maayos naman buhay ng pamilya niya, magaling na papa niya pero di na niya pinayagan pang magtrabaho. Kaya na naman niyang suportaan mama at papa niya pati pag-aaral ng dalawang kapatid niya. Sa public lang naman sila nag-aaral kaya di masyado kamahalan ang mga bayarin. "Hi maam, good morning po, naadd na pala kita sa gc namin di ka po nagseen", narecieve niyang message mula kay upline Mark, yung networker na nag-invite sa kanya. Tsaka pa niya naalala ito. "Hello po, naku sorry po, sobrang busy lang tlga sa trabaho, ok po icheck ko po," reply niya. Nakaadd na pala talaga siya sa gc nila at andami na pala nagwelcome sa kanya. "Salamat po sa pagwelcome, sensya na now lang nakapagseen sobrang busy po sa trabaho", hinging paumanhin niya sa mga ito. Lumipas ang isang linggo, naisipan na niya magjoin sa netwroking na yon, nagpay-in siya at nairegister naman siya kaagad. "Hi maam Xia, penge po picture mo pra sa banner mo," message na natanggap niya mula sa vice president ng networker company na sinalihan niya. "hello po sir vice, cge po," aniya. "Ayan na po banner mo maam Xia, ang ganda mo po?," mula kay VP Johnny ng Rise Up. "Salamat po, gawin ko po itong profile pic ko sa sss ko po," reply niya dito. "Much better po maam, taz start ka na po sa negosyo, kung may mga tanong ka, pwed moko imessage bakasakali busy upline mo?," reply nito. "Ge po sir VP, salamat po,". aniya dito. Madali lang naman niyang natutunan ang negosyo kaya kahit wala pa nga siyang isang buwan dito nagkaroon na siya ng mga downline at may sarili na rin siyang gc pra sa mga ito. Personal na niyang pinafollow-up ang mga downline niya at sinusuportahan niya mga ito sa mga prospects nila. Kahit na busy siya sa trabaho sa araw pero masaya siyang ginawa ang negosyo sa mga free time niya. Lalo na nakasuporta palagi ang VP Johnny sa kanya. Mas parang ito pa nga lagi ang nagfofollow-up sa kanya kesa upline niya. Yun nga lang malinaw na pinahayag nito ang pagkagusto ng lalaki sa kanya. "Kelan mo pa ba ako sasagutin Xia, mag-isang buwan na ata ako nanligaw sayo!" sabi nito ng tumawag ito sa kanya isang gabi. Magkaiba sila ng oras. Alas 12:00 ng hating gabi matapos si Xia sa trabaho dito sa kuwait at alas 5:00 ng umaga naman yan sa pinas kaya maagang magising si Johnny para lang makausap ang dalaga. "Paano nga kita sagutin ehh di nga tayo nagkikita ng personal.Paano ko naman malalaman na totoong mahal mo'ko eh sa sss lang tayo nagkakilala. Nang dahil sa networking nagkakilala tayo," sagot niya dito. Oo, aaminin niya, na unti-unti na rin siyang nahuhulog sa lalaki dahil sa pagiging caring nito sa kanya. Lagi itong nagmemessage sa kanya ng mga napakasweet na messages araw-araw. Ramdam niya ang pag-aalaga nito sa kanya kahit na through messages lang. Yun nga lang di nga talaga sure kung totoo ba, iba talaga pag nakakasama o nakikita mo ng personal ang isang tao. "Hanggang ngayon ba di mo pa rin ramdam na seryoso ako sayo? Kahit pa puntahan ko pamilya mo para sabihin sa kanila na totoo ang nararamdaman ko sayo. Gusto mo ba gawin ko yun?," anito. "Wag na di na kelangan, sige sasagutin kita at sana kung gaano moko kamahal na hindi pa tayo, yan din ang pagmamahal mo sana ngayong tayo na," nakapagpasya na siyang sagutin na ang binata. Nakita niya naman talaga kung gaano ito nag-effort ng panliligaw sa kanya. Lumipas ang mga buwan, naging masaya ang relasyon nilang dalawa. Kahit na hindi pa rin sila nagkikita pero napatunayan nilang dalawa ang pagmamahalan na totoo kahit sa sss lang sila nagkakilala. Nagpapalitan ng mga sweet love qoutes sa messenger at di nila nakaligtaang maglaan ng kahit isang oras na tawagan sa isang araw. Mas lalong lumago pa ang negosyo nila at may mga naipon na sila mula sa kanilang mga payouts. Napagpasyahan nila na gumawa ng joint accounts pra sa kanilang mga payouts. Ngunit dumating ang pandemya sa buong mundo. Ang covid-19 na siyang isang napakalaking delubyo kung tawagin na umataki sa sanlibutan. Sanhi ng paghihirap sa mga tao, nagsara mga negosyo at kahit na online businesses ay naapektuhan kasama na ang networking company na kinabilangan nila Xia at Johnny. Kahit through online ang negosyo nila pero apektado ang factory ng mga products nila na inclusion sa kanilang mga packages na inioffer para sa mga magpapamember. Walang shipment din sa mga packages na iniavail ng member. Humina ang negosyo hanggang sa tuluyan na silang nagsara at ioopen ulit pag makaraos sa pandemyang ito. "Di ako makauwi sa bahay mhie, naabutan kami ni ceo ng lockdown dito sa office," chat ni Johnny kay Xia. "D2 muna kmi pansamantala habang lockdown pa." Dhie at mhie ang kanilang call sign. "Pano yan dhie, di natin alam kung gang kelan matapos ang lockdown, kasagsagan pa ngayon ng pandemya,"reply nia. "May dala ka bang damit dhie? May masusuot ka ba habang nakatambay kau jan?" "Dalawang piraso lang pero no worries, laba na lng ako araw2 mhie. Love u!," "Love u more dhie, pray lang tau na di magtagal ang lockdown na yan,"reply niya. Dahil nga huminto na ang networking business nila Xia at Johnny at nakalockdown pa ngayon si Johnny sa opisina nila sa cavite, medyo lumabas ang tunay na pagkatao nito. Naging seloso na ito kay Xia at madaling magalit pag di agad makapagreply ang dalaga sa mga chat nito. Magalit din ito pag di nasagot ni Xia ang mga tawag nito. "Bat di ka nagsiseen sa mga messages ko ha mhie, sinadya mo ba na hindi mag-online porke't wala na ako trabaho ganyan ka na? Di mo rin sinagot mga tawag ko," may iba ka na ba?" bungad nito agad sa kanya nang sagutin niya tawag nito kinagabihan pagkatapos ng trabaho niya. "Dhie naman ehh, alam mo naman na hindi ako nagsicelphone pag nasa trabaho ako. alam mo na yan dati pa ba't ganyan ka. laki ng pinagbago mo ahh, mga messages mo ohh nakakasakit ka na," di na niya mapigilan mapahagulhol sa sama ng loob niya para sa nobyo. Nakakasakit talaga mga chat nito sa kanya. Kaya bago pa man lumala away nila binababaan na niya ito ng telepono. "Palamig ka muna, tsaka na tau mag-usap muli pag ok ka na," minimessage niya na lang ito. Ramdam niya pagbabago ng ugali nito, siguro bored lang ang nobyo dahil nga di ito makalabas dahil sa lockdown. Naintindihan naman niya ito kaya mas minabuti niya na lang muna na hindi kausapin sa ngayon para iwas away na din. Sana bukas paggising niya mga sweet messages na ng nobyo mabasa niya. Pero ganun paman, di pa rin niya maiwasan masaktan sa laking ipinagbago nito. Nagulat si Xia sa nakitang post ng nobyo sa f*******: na dumaan sa wall niya. Tinawagan niya ito agad sa messenger ngunit in another call ang binata. Nag-antay siya ng ilang minuto bago tinawagan ito ulit. Ganun pa rin, in another call parin ang nobyo. Bumalik na lamang siya sa trabaho at siguro naman tatawag yon maya pagkatapos ng trabaho niya kasi yan naman nakasanayan na oras ng pagvideo call nila. Pagkatapos ng trabaho excited siyang nag-shower at nag-ayos ng sarili bago pa man tumawag ang nobyong si Johnny. Pagkatapos mag-ayos sa sarili, excited niyang binuksan ang kanyang cp ngunit buong panlulumo niya na kahit isang message man lang mula sa nobyo ay wala. Naalala niya ang post nito sa sss kanina. Kaya nagpasya siyang tawagan ito. Siguro naman gising na yon tulad ng nakasanayan. Nakailang missed call na pero wla pa ring sumagot. "Baka tulog pa yon," pangunswelo niya sa sarili. "Isang beses na lang, kung di mo parin ako sasagutin di na kita guguluhin pa,"nasaisip niya. "Hello!" ang binata sa tonong halatang kagigising lang. "Morning dhie," sagot niya rito na pilit na tinago ang paggaralgal ng boses. "Morning din mhie, napatawag ka sarap pa sana matulog," anito. "Ahh ganun ba dhie, cge tulog ka na lang muna ulit," sabi na lang niya. Di b siya namiss nito? Ilang araw din silang di nagkausap. "No mhie, tumawag ka na rin lang may sasabihin na din ako sayo," sagot ng binata. "Ano yun dhie,"si Xia. Di man lang nito iniopen ang kamera para makita niya ito pero hayaan niya na lang muna baka magalit pa ito, tama na sa kanya marinig niya ang boses ng nobyo masaya na siya. "May bago akong pinopromote na business mhie, Your one thousand turns to five thousand for 15 days. Investment siya mhie, mag-invest ka lang ng pera, pinakababa is one thousand. Wala kang gagawin mhie, no need invite para kumita. Join ka mhie, ako na bahala magregister sayo, magka-team tayo," sabi ng nobyo niya. "Yun ba yung nakita kong pinopost mo sa sss? Di mo man lang sinabi sakin na nagjoin ka pala nyan,", medyo may himig pagtatampong sagot niya dito. Totoo nga namang nagtampo siya kay Johnny kasi di man lang nito pinaalam sa kanya na may bago pala itong online business na sinalihan. Dari rati, laging siya ang nauunang nakakaalam sa mga plano nito at kinunsulta nito sa kanya pero ngayon nagdesisyon itong siya lang. "Busy ka kasi sa trabaho mo mhie, alam ko naman na susuportahan mo'ko kaya nagjoin na ako kaagad. Sayang kasi ang oras mhie." anito. "Ge na mhie, magjoin ka na. Magtampo ako sayo pag hindi." Aba ito pa may gana magtampo, di man lang sinaalang-alang nito damdamin niya. Puro na lang ba negosyo pag-uusapan nila? nalimutan na ba nito ang huling chat nito sa kanya?Di man lang ba ito magsosorry? "Pag-isipan ko muna dhie. Kita mo naman, hype ang complan.Parang nagsasayang lang tayo ng pera dyan." aniya. "Ge mhie, tulog ka na muna, paggising mo chat mo'ko. Maghanda na rin ako ng almusal.I love you mhie, sorry pala sa nakaraang araw, bored lang talaga ako dito mhie, isang buwan na rin akong nakakulong dito sa office, sana maging okay na dito at balik sa normal na ang buhay."sabi ng nobyo. Naalala rin naman pala ang medyo di nila pagkakaunawaan. Kahit papano naging okay na ang dalaga ulit. Mahal na mahal niya talaga ang nobyo. "Sige dhie, tulog muna ako and promise ichat kita paggising ko. I love you too!",si Xia. Di siya nakatulog agad pagkatapos nila mag-usap nireview niya ang complan na sinend ng nobyo sa kanya. Kahit ilang ulit niyang basahin ang complan klaro talagang hype. Paano ba naman kikita ang one thousand pesos niya ng five thousand sa loob lang ng labinlimang araw na wala daw gagawin? Oo nga't ititrade ito ng mga traders pero di pa rin siya makapaniwala na kikita ng ganun kalaki sa napakaikling panahon lang.Pero ayaw niyang magtampo ito sa kanya kaya pagbigyan niya na lang muna ang binata. Besides,may tiwala naman siya sa nobyo, matagal na ito sa mundo ng networking kaya alam niyang pinag-aralan muna niya ito bago pasukin. "Hi mhie, muzta na. Iregister na ba kita ngayon?", mensahe ni Johnny pag-open niya ng messenger kinaumagahan. "Okay dhie, pasend ng MOP(mode of payment). Magsend aq ng payin ko through gcash,"reply ni Xia. "Ge mhie send ko sayo," anito. Pgkasend ng nobyo ng MOP nagsend na din siya ng pera agad. "Done na dhie," message niya sa nobyo. Sinend nya ang gcash receipt as proof. "Ge mhie, iactivate ko na account mo kaagad, taz add kita sa gc mhie ha para matulungan mo naman ako sa mga prospects ko dun,"si Johnny. "Okay dhie ikaw na bahala. Duty na ako at maya pa ako makapag-cp na naman." "No worries mhie, aq na bahala mag-activate sa account mo,thanks mhie, I love you, ingat ka sa trabaho, breakfast mo wag kalimutan," ani Johnny sa dalaga. "Love u more dhie, lunch mo din wag kalimutan,ge na work na aq." reply niya. Naging busy na siya sa araw na yun kasi nasa bahay lang mga amo niya. Lockdown din sila kaya walang lumalabas ng bahay. Laging nagpapaluto ng pagkain mga alaga niya. Ito yung pinakaayaw niya kasi kahit na kakatapos pa lang kumain nila, gusto na naman ulit kumain, parang walang kabusugan mga ito. Gabi na, pagod ang katawang naupo muna sa kama niya pagkahubad ng uniporme. Tinamad pa siyang magshower at magbihis pero antok na antok na siya. Matagal siyang pinababa ng amo ngayon, mag-aalauna na ng madaling araw bago siya natapos sa trabaho. Pero kelangan niya bumangon at magshower. Bago matulog, naisipan niya buksan ang messenger niya baka tumawag nobyo niya. Pero walang tumawag pero nagmemessage ito. Pero hindi sa kanya kundi sa gc sa bagong business nito. Naalala niya iniadd pala siya nito sa gc. Iniopen niya at nagseen sa group chat. Napakaactive pala magmessage ng binata sa gc pero di man lang nakapagmessage sa kanya kahit pangungumusta. Nalimutan na rin nito itanong kung kumain na ba siya. May familiar siyang member na nakita niyang kasama din nila sa gc na yun. Si maam Jen, ito yung ex-girlfriend ng nobyo niyang si Johnny, isang networker din. Bakit hindi sinabi ni Johhny sa kanya na kasama din pala ang dating nobya sa bagong online business nito? Di na siya nakatiis na makitang nagpapalitan ng mga messages ang nobyo at ang ex nito na si Jen na kahit tungkol sa negosyo ang topic pero ang saya-saya nila, habang di man lang siya nanotice ng nobyo na nagseen siya dun. "Dhie?," chinat na niya ang nobyo. Pero di ito nagseen sa kanya. Naghintay pa siya ng ilang minuto pero wala pa rin ito nagseen sa kanya. Nasaktan na siya sa pambabalewala nito. Kung mahalaga siya sa binata, bakit wala man lang itong panahon sa kanya samantalang sa group chat lagi ito nagchat. Inioff na niya ang cp pero di siya agad nakatulog. Nasaktan siya.Nakatulugan na niya ang pag-iyak. "Morning mhie, muzta, tagal na tayong di nag-usap ah," chat ni Johnny sa kanya isang umaga. Himala sa halos mag-isang linggong di siya nito chinat naalala pa pala siya. Di niya ito nireplyn, pero nireact niya lang message nito ng sad. "Mhie tawag ako sayo maya ha pagkatapos ng trabaho mo, namiss na kita.Sorry alam ko nagtampo ka sakin. Sorry mhie, sobrang busy lang sa online business natin." chat nitp ulit. Sineen nya lang ito.Di siya sanay maging seener pero sa pagkakataong ito, nasaktan talaga siya sa naging pagbabago ng nobyo. Binibusy niya ang sarili sa trabaho ni halos ayaw na niya magrelax para di niya maalala ang nobyo. Nagtatampo siya dito pero aaminin niya namiss niya talaga ito ng sobra. Nakahiga na siya at nagpapaantok na ng magring phone niya. Tiningnan niya kung sino. Si Johnny. Nakailang ring ito bago niya sinagot. "Hello," sinadya nyang magboses inantok siya. Sinadya nya talagang ipahalata dito ang pagtatampo. "Morning mhie,kumain ka na ba?", malambing na bungad nito. "Bakit ka napatawag?"si Xia "Namiss kita, ako di mo ba namiss?"anito. "Alam mo na sagot ko nyan. Sige na magluto ka na ng almusal mo, inaantok na ako," paalam niya dito. Namiss man niya ito ng sobra pero nagtampo talaga siya sa nobyo. "Bye na matulog na ako."si Xia sabay pindot ng end call button. Pero di naman siya agad nakatulog, nagbackread siya sa gc ng nobyo, marami na pala itong invites, at nakita niya rin na nagtutulungan pala sa kanilang mga invites si Johnny at and ex gf nitong si Jen. Nagselos na naman siya paano kasi wala siyang oras masyado sa negosyo, busy siya sa trabaho samantalang si Jen ay katulad ito ni Johnny na nasa bahay lang dahil lockdown kaya full time sa online business nila. Okay lang, di naman siguro sila nagkabalikan ni Johnny, wala naman itong sinabi sa kanya,di ba nga tumawag ito kanina at nag-i love you pa nga sa kanya? Wag na lang siyang mag-isip muna masyado, baka bukas magsorry ulit sa kanya si Johnny at pag tumawag ulit ito, kausapin na niya para maging okay sila ulit. Namiss na niya ang lambingan nila sa chat. Gusto niya na rin makita mga ngiti nito tuwing nagvivideo call sila. Pero kahit na mag-iisang taon na silang magnobyo online pero ni minsan di ito humingi sa kanya ng maselang video call kaya dahil dyan napamahal ito sa kanya lalo, dahil sa respeto nito sa kanya sa ganung bagay. Matulog na siya at buo na pasya niya, kausapin na nya bukas ang nobyo at anuman ang dahilan ng pagtatampo niya rito ay kalimutan na niya lahat. Isa lang alam niya sa kanyang sarili, mahal na mahal niya ang nobyo. At sabik na siya sa kanilang pagkikita. Isang taon na lang, matapos na kontrata niya at uuwi na siya. Magkita na rin sila ni Johnny. At kung aayain siya nito ng kasal ay tatanggapin niya. Nasa tamang edad na naman siya. At sa panahong yun ay magtatapos na yung isang kapatid niya at yung bunso na lang mag-aaral. Pwede naman siguro na pagkatapos ng kasal nila, babalik parin siya sa pag-abroad at pwed rin na dun na lang siya sa pinas magtrabaho, yun nga lang kung maging okay na ang mundo at kung matapos na ang pandemyang kinakaharap ngayon. Ang COVID-19. Sana nga!

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

The Ballerina's Downfall

read
81.5K
bc

Brotherhood Billionaire Series 6: Honey and the Beast

read
96.1K
bc

The Reborn Woman's Revenge: WET & WILD NIGHTS WITH MY NEW HUSBAND

read
176.1K
bc

MAGDALENA (SPG)

read
30.2K
bc

His Obsession

read
104.1K
bc

The naive Secretary

read
69.7K
bc

TEMPTED CRUISE XI: A NIGHT OF LUST

read
29.1K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook