Kinabukasan nagkasabay sila ulit ni James sa pag-uwi. Bago iyon, dumaan muna sila ng mall para mag-grocery. Naubos na kasi ang stocks niya kaya naman kailangan na niyang mamili. Sinamahan naman siya nito dahil wala naman daw itong gagawin sa bahya ng mga ito. Matapos mag-grocery ay kumain sila sa food court. “Oh, anong nangyari sa iyo? Bakit ka nanahimik bigla?” tanong niya rito nang biglang tumahimik ito sa kaniyang tabi. Sinundan pa niya nang tingin ang tinitignan nito. Nakita naman niya ang isang pares na naglalambingan ‘di kalayuan sa kinaroroonan nila. Parang pamilyar sa kaniya ang mukha ng babaeng may kalambingan, kung hindi siya nagkakamali, ito rin iyong babaeng nakita niyang kausap nito ilang araw nang nakalilipas. Ibinalik niya ang tingin kay James saka nagsalita. “Siya ba i

