Niyaya ni Thummy ng araw na iyon ang kaniyang mga kaibigan na tumambay sa Trinoma. Sumang-ayon naman ang lahat dahil off naman nilang apat kinabukasan, habang si MJ ay panggabi naman. Kaya naman walang problema kung gabihin man sila nang uwi ngayon. Plus, ayaw na muna niyang makaharap si James. Humingi siya ng opinion sa mga kaibigan tungkol sa sitwasyong kinahaharap niya ngayon. Yes, in-open na rin niya sa wakas sa mga ito ang tungkol kay James. “Well, gusto ko lang makuha ang opinion ninyo. Kapag ba hindi pa nakakapag-move on sa ex niya ‘yong taong gustong-gusto niyo, anong gagawin niyo?” Nagkatinginan pa ang mga ito bago magsalita si MJ. “Una, gaano katagal na ba silang wala no’ng ex niya? Pangalawa, bakit sila naghiwalay? Pangatlo, alam ba niya na gusto mo siya?” sunod-sunod na ta

