“Nay! Nandito na po ako!” excited na tinakbo niya ang kaniyang ina na nasa labas ng kanilang munting bahay. Agad naman siya nitong sinalubong at niyakap nang mahigpit. Nagmano naman siya at hinalikan sa pisngi ang kaniyang ina, matapos nilang magyakapan. Umabrisyete ang ina sa kaniya saka sabay silang naglakad papasok sa kanilang bahay. “Kumusta ka na anak?” tanong nito sa kaniya nang makapasok at makaupo na sila sa sala. “Okay naman ako ‘nay” malambing niyang tugon dito. Luminga-linga pa siya upang hanapin ang kaniyang ama. “Nasaan si tatay?” tanong niya sa kaniyang ina nang hindi niya makita ang kaniyang ama. “Naku nasa bayan at namili ng bigas. Naubos na kasi iyong isang sakong bigas natin eh.” Napatango-tango na lang siya at muling yumakap sa kaniyang ina. “I miss you nanay!” sabi

