Kinabukasan, daig pa niya ang maggugulay sa dami ng gulay na kaniyang bitbit. Diretso na siya sa BSC kahit hapon pa naman ang schedule niya. Nang makarating siya sa BSC, inabutan niya si Janice sa locker. Mukhang balisa ang kaibigan at hindi mapakali, habang nilalaro nito ang sariling mga labi. “Huyyy, ayos ka lang ba? Problem?” tanong pa niya rito. Agad naman itong umayos sa pagkaka-upo saka sumulyap sa kaniya. “Huh? May sinasabi ka ba?” tila wala sa sariling tanong nito sa kaniya. “Tinatanong ko kung ayos ka lang ba? Para ka kasing may problema riyan eh,” ulit niya sa sinabi niya rito, habang inaayos niya ang kaniyang bag sa locker niya. “Wala naman. Hayyy...” Buntong hininga pa nito, tila may gusto itong sabihin na hindi masabi-sabi. “Alam kong may gusto kang sabihin pero nahihiya

