“Grace!” Napahinto si Grace sa paglalakad nang may narinig siyang tumatawag sa kaniya. Lumingon naman siya upang alamin kung sino iyon. Nakita naman niyang tumatakbo palapit sa kaniya si James. “Papasok ka na ba?” tanong nito sa kaniya, nang makalapit ito mula sa kinatatayuan niya. ‘Bakit ba ang fresh mo kahit pawisan ka?’ kausap niya sa kaniyang sarili. “Oo. Ikaw ba?” nakangiting balik tanong niya rito. “Tamang-tama sabay na tayo! Papasok na rin ako eh,” ganting saad nito sa kaniya. “Okay,” matipid naman niyang sagot sa binata, saka sila magkapanabay na naglakad. Ilang lingo na rin silang magkaibigan nito. Simula no’ng araw na iligtas siya nito kay Mr. Chung, ay naging malapit na sila sa isa’t isa. Madalas din silang magkasabay sa pagpasok, at kung minsan ay sa pag-uwi na rin. “A

