Hindi na nga hinintay ni James si Grace. Dahil ang sabi sa kaniya ng dalaga ay nakakahiya naman daw magpahintay sa kaniya. Kaya naman nagpasya na lang siyang umuwi ng maaga, at yayaing mag-basketball ang kaniyang pinsan. Nang mapagod sila ay naupo sila sa bench malapit sa court. “Kuya, wala ka pa bang bagong girlfriend?” tanong sa kaniya ng kaniyang pinsan. Kunot-noong napatingin siya rito. Mas bata ito sa kaniya ng tatlong taon. “Bakit mo naman naitanong?” tanong niya rito. “Wala lang. Naisip ko lang matagal-tagal ka na ring walang nobya eh. Baka lang nami-miss mo na ang may kalambingan. Lalo ngayong medyo palamig na ang panahon, masarap ang may kayakap at kahalikan. Masarap din ang magpainit kasama ng iyong girlfriend, sa isang tahimik na lugar,” nanunuksong saad nito sa kaniya. Ta

