“GOOD morning! Let’s go jog,” yaya ng ama ni Ashley na si Ron nang gumising siya kinaumagahan. Tumuloy ang mga ito sa bahay ni Rex na di kalayuan sa bahay nila Robinson. Kaya nagulat siya nang sabihin na sinusundo siya ng ama. “Dad!” “Come on. We haven’t bonded for a long time. Ngayon lang kita makakasama,” unot ng ama. “Ashley, samahan mo na si Sir Ron,” sabi ni Robinson. Napilitan siyang magbihis ng T-shirt at jogging pants para samahan ang ama na tumakbo. “Hindi po kayo hahanapin ng boyfriend ninyo?” tanong ni Ashley nang tumatakbo na sila. “He is cooking breakfast. Ngayon mo lang ako makakasama nang hindi kita kailangang pilitin na iwan ang trabaho mo.” Umungol siya. “Dad!” Siguro nga ay may pagkukulang siya sa ama niya. May mga panahon na gusto nitong magkasama sila pero n

