bc

(Filipino) Kissing the Christmas Killer - Completed

book_age0+
1.1K
FOLLOW
4.8K
READ
opposites attract
bitch
comedy
sweet
bxg
like
intro-logo
Blurb

Completed

Christmas Killer. Iyan ang role ni Ashley sa pagtapak sa Pilipinas. Kailangan niyang ilayo ang ama sa boyfriend nito na walang ginawa kundi gawin itong personal Santa Claus. Kakaladkarin niya ang ama pabalik ng Amerika para makabalik na siya sa trabaho. Pasko? Hindi iyon uso sa kanya. Lilipas din iyon gaya nang mga nagdaang taon.

Pero sa halip na ang happy couple ang maabutan niya, ang nandoon ay si Robinson - ang hubadero, nanlilimahid pero guwapo at makisig na pintor na bantay ng condo.

Ayaw ni Ashley sa guwapo. Ayaw niya sa dugyot na pintor. At ayaw niya na dini-distract siya nito sa paggiling ng Careless Whisper sa habang nakasuot ng Santa’s hat para aliwin siya. Nilayasan niya ito at sa kamalas-malasan ay nanakawan ng riding-in-tandem tangay ang laptop niya, cellphone, credit cards at pati travel documents. She was stuck in this god-forsaken country with nothing.

Habang nagsasaya ang lahat dahil sa papalapit na Pasko, siya naman ay miserableng-miserable. Wala siyang matatakbuhan kundi ang dugyot na pintor na si Robinson. Kaya kayang ipadama sa kanya ng binata ang tunay na diwa ng Pasko?

*Published under Precious Hearts Romances

*Go to www.shopee.ph/sofiaphr for the paperback

Hello, everyone! This is a VIP story. You can read the first five chapters for free but you have to use coins to read the other chapters until the end.

There are two ways to get coins:

1. Free coins - Go to Earn Rewards and do the tasks to get coins.

Go to Youtube and search Dreame Free coins for tutorial

2. Buy coins - go to Store and buy coins via load (Smart or Globe billing), Paypal, Gcash, credit card. This varies on the phone model and country.

Go to Youtube and search Dreame Buy Coins.

Thank you and happy reading!

chap-preview
Free preview
Chapter 1
“I wanna go home, Cara. This place is hell!” ungol ni Ashley habang kausap ang kaibigan sa cellphone. “What’s wrong, Ash?” tanong ng kaibigan. Alas dos ng madaling-araw sa Pilipinas habang ala una ng hapon naman sa New York. Late na itong matulog dahil madaling-araw na nagsasara ang bar kung saan ito ang supervisor at gabi pa ang pasok kaya maaga na dito ang alas dose ng tanghali. Siya naman ay malamang subsob sana sa trabaho bilang junior accountant sa accounting firm kung saan siya pumapasok. Dati silang dormmates sa University of California Los Angeles at parehong nakahanap ng trabaho sa New York. Flatmates sila at malapit sa isa’t isa dahil na rin sa parehong may dugong Filipino. “Everything in this country is wrong! Hindi kami nag-land agad sa airport dahil sa air traffic. We’ve been on air for less than an hour. Paikot-ikot lang sa Manila. Madaming tao sa airport at siksikan ang mga tao. Then I can’t find a decent taxi so I have to hire an expensive one.” She was not stupid. Alam niya tinaga siya ng taxi na iyon pero wala siyang pagpipilian. She just wanted to leave the airport right away. Mat“And now, I am stuck in traffic at one in the morning. Would you believe that? One in the morning and there is traffic.” “What do you expect? It is the holiday rush. Para namang di ka nasanay sa New York. Ganyan araw-araw,” sabi nito at narinig niya ang kalantog ng kubyertos. Breaktime nito at alam niyang abala din ang kaibigan pero naman siyang mapaglalabasan ng frustration niya. “Aliwin mo na lang ang sarili mo sa mga Christmas decoration sa EDSA. Feel the Christmas air.” At nag-hum ito ng Silver Bells. “Naaamoy ko na ang puto bumbong at bibingka. Ang simbang gabi sa malamig na madaling-araw. Nakaka-miss ang Pasko sa Pilipinas.” Humalukipkip siya at umingos. “Well, I don’t miss anything in this country. And I definitely don’t care about the Christmas season. This is just one materialistic event used by capitalists to earn money. Abala lang sa mga tao at lilipas din.” “Christmas is the perfect time for giving and sharing. A perfect time to enjoy time with your dad. Kailan ba ang huling pagkakataon na nagkasama kayo ni Tito Ron sa Pasko? Naalala mo pa ba?” Nakadama siya ng kurot sa dibdib nang maalala kung kailan sila huling nagdiwang ng Pasko sa Pilipinas. She was sixteen that time. Isang half-Filipino na accountant sa isang malaking bangko ang ama niya habang ang ina naman ay plain housewife. Masaya naman ang buhay nila sa Pilipinas. Nakukumpleto nila ang simbang-gabi. At walang ibang hiniling ang pamilya kundi makuha ng ama niya ang posisyon na mapabilang sa headquarters ng kompanyang pinapasukan nito sa Amerika. Natupad ang hiling ng ama dahil matapos ang high school graduation niya ay nag-migrate na ang pamilya nila sa Amerika. Akala niya ay matutupad na ang pangarap niya pero doon nagsimulang magkawatak-watak ang kanilang pamilya. Naging abala ang ama niya sa trabaho. Nakipagrelasyon naman ang ina niya sa ibang lalaki at iniwan silang mag-ama. Hindi na naulit ang masayang Pasko na iyon. Isinubsob na lang niya ang sarili sa pag-aaral at sa pagtatrabaho. Natuto na siyang maging manhid at di sentimental sa mga bagay-bagay. After all, she was fine. Maganda pa rin ang buhay niya. Di naman siya napariwara. At dumadaan lang ang Pasko sa buhay niya na nakasubsob sa trabaho at animo’y ordinaryong araw. Katwiran niya ay lilipas din iyon. “Christmas is the perfect time to work without my annoying co-workers milling around. Unfortunately, instead of working on my reports, halfway around the world and stuck in traffic. Kasalanan ito ng Papa at ng boyfriend niya,” iritadong sabi niya dahil nasira ang mga plano niya. Ang dalawang linggo niyang bakasyon ay nangangahulugan na matatambakan siya ng trabaho. And she hated that. “Bakit naman kasi pinakikialaman mo si Uncle Ron sa buhay niya. He is sixty-five years old. Let him enjoy his life,” sermon ng kaibigan. Tumirik ang mata ni Ashley. “Enjoy his life? More like wasting his life and his money away. My father is not in his sane mind. You know he is sick. At sinasamantala naman iyon ng boyfriend niya. He treated my father like his own personal cash cow. Ang sarap naman ng buhay ng lalaking iyon. Gatasan lang niya si Dad.” Her father became a traveler after he retired from his job. Nagsimula na rin itong mag-eksperimento sa pakikipagrelasyon. Wala naman iyon sa kanya dahil buhay iyon ng ama niya. Subalit tatlong buwan lang ang nakakaraan ay tumawag ang ama niya para makiusap na tulungan niya ito na ayusin ang bank account nito. The bank froze his account. Gumastos kasi ito nang higit isang milyong piso sa loob lang ng isang buwan habang nasa Pilipinas. Nalaman niya na ginastos nito sa nobyo nito ang pera dahilan para maalarma siya. This was no normal vacation fling. Her father got himself a gold digger. Kaya naman tinulungan niya ito na bumalik ng Amerika at ayusin ang problema nito sa pera sa kondisyon na hindi na nito babalik pa ng Pilipinas at makikipagkita sa nobyo nito. Bukod sa nagastos na pera, nalaman din niya na alcoholic na ang ama pagbalik nito at ipinasok niya sa rehab. Kampante siya na aayos na ang ama niya at puputulin ang komunikasyon sa nobyo nito. Pero isang linggo lang ang nakakaraan ay nalaman niyang nakalabas na ito ng rehab, tumuloy sa airport at bumalik ng Pilipinas. So she decided to hire a private investigator. Pinahanap niya ang tinutuluyan ng ama sa Pilipinas at pati na rin ang impormasyon sa nobyo nito. Nang makumpirma ang impormasyon ay saka siya kumuha ng flight papuntang Pilipinas. Mabuti at nakasingit siya sa kabila ng fully booked na flights. Akala niya ay madali na lang pagbalik niya pero kalbaryo pala ang aabutin niya sa paglapag sa Pilipinas. “Ash, baka naman kailangang hayaan mo muna si Uncle sa buhay niya. Oras na para sarili mo naman ang isipin mo.” “What do you mean?” “Bakit hindi mo samantalahin ang pagkakataon para mag-relax at magbakasyon? Hindi pwedeng puro trabaho na lang ang iniisip mo. When was the last time you went on a vacation?” “I went to Miami last month.” “For a conference. And I bet, wala kang ginawa kundi saluhin ang lahat ng trabaho na pwedeng ibigay sa iyo ng boss mo habang nagba-bar hopping sila o nagtatampisaw sa beach. When was the last time you went out on a date?” Tumirik ang mga mata niya. “Well...” “Not the business date, Ashley. A real romantic date.” Di siya nakasagot. “Nada. Zilch. Dahil tuwing may ire-recommend ako sa iyo, lagi kang busy sa trabaho. Kulang na nga lang pakasalan mo ‘yang trabaho mo.” “Pwede ba?” nakangisi niyang tanong. She loved her job. Pag nagsikap siya, she would be rewarded. “Kulang ka sa dilig! What are you going to do with your virginity? Bubulukin mo?” “Cara!” saway niya dito at napansin niya na tinitingnan siya ng taxi driver. Sinapo niya ang noo. “We are so not having this conversation.” Not in the middle of EDSA traffic. Pero hindi nagpapigil ang kaibigan niya. Kapag nasimulan na ito, mistula itong tren na hindi na mapipigilan. “Ugh! Ash, why don’t you start looking for a man? A holiday fling perhaps. Kung gusto mo, magpatulong sa stepmother... Errrr... Stepfather mong hilaw.” “Oh, please! I don’t even like him. Sa kanya pa ako hahanap ng lalaki?” “Loosen up a bit. Money can’t keep you warm at night. Lose that virginity!” nandedemonyong sabi nito sabay halakhak nang mataginting. “Shut up!” Hindi naman siya tumagal nang ganito katagal na virgin para lang iwala ang virginity niya sa kung kani-kanino. Di sa may pinaglalaanan siya. Wala lang talaga siyang oras para sa pagde-date o pisikal na relasyon. “For once in your life, do something crazy!” “Wag mo akong idamay sa kabaliwan mo,” nagngangalit niyang sabi. “That is the problem with you. You are too straight-laced. Boring.” “I am fine with boring. Kaysa naman magka-boyfriend ako ng gigolo at lilimasin lang ang pera ko. Look at you.” Na-imagine na niya ang kaibigan na umiikot ang eyeballs. He had a boyfriend who was a model. Mas madalas na walang trabaho kaysa mayroon. At lagi itong nakadepende sa kaibigan niya at nagsisilbing houseboy nito kapag walang trabaho. “He loves me and I am happy. Kahit ubusin pa niya ang lahat ng pera ko.” “Well, we are different. I will never lose my head with love. Mas gusto ko nang mag-isa kaysa naman guluhin ko ang buhay ko.” She needed some semblance of organization. Nang maghiwalay ang mga magulang niya, ang tanging focus niya ay makapag-aral at makapagtrabaho. She was good at it. Sa huli, alam niyang sarili lang niya ang aasahan niya. Hindi man romantic ang buhay niya, maayos naman ang buhay niya. She was content. Maraming tao ang magpapakamatay para lang sa buhay na mayroon siya. At hindi na siya makakapaghintay na ibalik ang ama sa Amerika para makabalik na siya sa normal niyang buhay. “MA’AM, nandito na po tayo,” untag ng taxi driver kay Ashley. Dahan-dahan niyang inangat ang mata mula sa spreadsheet sa laptop niya at luminga sa paligid. Nasa harap sila ng isang gusali. “This is Golden Horizon Building?” tanong niya at kumurap-kurap. “Opo, Ma’am. Nasa Ortigas Center na po tayo. Ito po ang address na sinabi ninyo.” Tumuwid siya ng upo at narinig niya ang paglagutok ng likod niya. Damn! Mahigit twenty-four hours na pala siyang nakaupo. Mula sa biyahe niya sa eroplano hanggang sa traffic sa EDSA. “How much is the fair again?” “Three thousand pesos, Ma’am.” Nanlaki ang mata niya. “What? Kanina napag-usapan natin two thousand lang. And as far as I know, the airport is not far from here.” Napakamot ng ulo ang driver. “Ma’am, mahigit tatlong oras po tayong na-traffic sa EDSA. Lugi naman po ako sa gasolina kapag ganoon. Kundi po ninyo naitatanong, mahal na po ang gasolina sa Pilipinas.” “Three hours?” bulalas niya at tiningnan ang Cartier watch. Di siya makapaniwala na alas singko pasado na ng umaga. “Unbelievable!” Now she was being ripped off by a taxi driver. “Sige na po, Ma’am. Papasko na ninyo sa akin,” anang driver at nagpapaawa pa ang mukha. Pasko. Yeah, right! Another reason for this driver to rip her off. Naglabas siya ng eighty dollars. “Keep the change.” Tinatamad na siyang mag-compute pa at makipagtalo. Pakiramdam naman niya ay di na babalik sa kanya ang sukli. Knowing this country. Ayon sa horror stories ni Cara at ng ibang kakilala niya na umuuwi ng Pilipinas ay ganoon ang kalakaran doon. That’s why Ninoy Aquino International Airport is the worst in the world. Ngumisi ang driver nang tanggapin ang bayad niya. “Salamat, Ma’am. Merry Christmas po!” Di niya sinagot ang ngiti nito. Ibinaba niya ang maliit na trolley at naglakad papasok ng building. She was supposed to check in a hotel but she didn’t want to waste time. Gusto niyang harapin agad ang nobyo ng ama. And she had the element of surprise. This is war. “Good morning. Room 1012 please. Ronald Delaney’s unit,” sabi agad ni Ashley at inilabas ang passport saka inabot sa reception. “I am his daughter.” Tiningnan ng receptionist ang passport niya. “Ah! Sa unit po ni Sir Ronald and Rex Delaney. Hold for a minute, Ma’am. We will just inform them about your presence.” Kinontrol niya na huwag tumaas ang kilay niya. Rex Delaney. At nakiki-Delaney na rin ang boyfriend ng ama niya. Unbelievable! Itinapik ni Ashley ang paa sa marmol na sahig. The lobby was impressive. Chandelier pa lang ay parang nasa isang mamahaling hotel siya. Paano pa kaya kapag nakapasok na siya sa unit ng ama? Maya maya pa ay nakaramdam na siya ng pagkangawit sa katitingala. Nangangawit na rin siya sa pagtayo. Ilang minuto na siyang nakatayo doon. Hindi na maipinta ang mukha niya nang lingunin niya ang receptionist. Naiinip na siya. “Di pa rin sinasagot?” nakataas ang kilay niyang tanong. Alanganing ngumiti ang receptionist. “Sinusubukan po namin contact-in sila pero wala pong sumasagot sa unit. Why don’t you take a seat first?” At inilahad nito ang palad sa sofa. “No. I will just wait here.” Baka mamaya ay hindi tawagan ang unit ng ama niya. O kaya ay baka naman tinakasan na siya ng mga ito. Paano ba niya maabangan ang mga ito? Kailangan ba niyang timbrehan ulit ang private investigator na kinuha niya? Inilabas niya ang cellphone at akmang tatawag sa private investigator nang lapitan siya ng receptionist. “Ma’am, pwede na daw po kayong umakyat sa unit.” “Good. Thank you.” Taas-noo siyang nagtungo sa elevator. Pasimple niyang sinuklay ng daliri ang buhok niya. She felt sticky and stinky. Naka-aircon na siya pero napaka-humid talaga ng Pilipinas. Di tulad sa New York na iniwan niyang nagyeyelo. Gustong-gusto na niyang mag-shower. O kaya ay i-indulge ang sarili sa bubble bath. Hindi bale. Oras na makaharap na niya ang ama at makaladkad ito sa hotel bago bumalik ng New York ay makakapag-relax na siya. Sa wakas ay nakarating siya sa harap ng unit ng ama at ng boyfriend nito. Pinindot niya ang doorbell at tuwid na tumayo. Ihinanda niya ang sarili nang marinig ang mga yabag na papalapit. Muntik nang bumagsak ang panga ni Ashley nang sa halip na ang amang si Ronald o ang boyfriend nitong si Rex ang nagbungaran niya ay isang lalaki na guwapo at makisig na ang tanging suot ay shorts lang.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

Rebellious Love (Tagalog/Filipino)

read
163.2K
bc

NINONG III

read
354.1K
bc

The Jerk and The Transgender (Hot Trans Series #1)

read
58.9K
bc

My Secret Agent's Mate

read
122.5K
bc

Paid By The Billionaire (ZL Lounge Series 03)

read
244.6K
bc

THE SACRIFICES OF A BROKENHEARTED JM MONTEMAYOR-Tagalog

read
84.6K
bc

Worth The Wait

read
202.1K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook