Napalunok si Ashley. Pinagala niya ang mga mata mula sa gulo-gulong buhok ng lalaki hanggang sa namumungay nitong mata na halatang bagong gising lang. Hanggang sa morenong muscles sa didbib nito at sa washboard abs. It was clear that he loved outdoors. At laging exposed ang katawan nito sa elements.
Tumigil lang iyon sa short nito pero tumalon sa paa nitong walang suot na tsinelas. Even his huge feet was sexy. She was reminded of another appendage that has the same size with the length of the feet.
He gave her a lazy smile that showed his dimples. “Hi! Good morning. Sorry kung ngayon ko lang nabuksan ang pinto. Kailangan ko pa kasing magsuot ng damit....”
Magsuot ng damit? Dumako ang tingin niya sa shorts nito. Paano pala kung pinagbuksan siya nito ng pinto nang walang maisuot sa kamamadali? Ano na lang ang itsura nito kapag walang damit? Her mathematical mind decided to solve missing “X” in the equation by staring at his feet. It is... long.
At saka niya naalala nang regaluhan siya ng kaibigang si Cara ng magazine ng mga male porn stars nang nakaraang Pasko.
Biglang naeskandalo ang utak niya sa iniisip niya. Hindi siya pumunta dito para i-relate ang lalaking ito sa mga porn star o manlaki ang mga mata niya sa pagtitig sa katawan nito. Nandito siya para sa ama niya.
Itinaas niya ang baba at ibinalik ang tingin sa mukha nito. “I am Ashley Delaney. Can I come in?”
Umurong ito. “O-Oo naman. Bahay naman ito ng tatay mo at...”
Bago pa nito matapos ang sasabihin ay tuloy-tuloy na siyang pumasok sa bahay. “Good.” At least hindi naman pala siya pahihirapang pumasok. “Where is my dad? Wake him up and tell him I am here.”
Inikot niya ang mata sa condo. It was fully furnished with beautiful and expensive-looking paintings on the wall, a fifty-inches LED television and a classy light fixture at the dining table. At ayon sa report ng private investigator ay doon nalimas ang two-hundred fifty thousand ng ama dahil sa six months na pag-upa sa bahay. Pwera pa doon marahil ang mga appliances na mukhang bago pa at mamahalin.
“Ako si Robinson Dakila,” pakilala ng lalaki sa kanya at nakangiting inilahad ang kamay. “Ako ang bantay dito sa condo nila.”
A houseboy. With that body and looks, he was just a houseboy? Mas guwapo pa nga ito at makisig sa boyfriend ng kaibigan niyang si Cara na professional model.
Seriously, houseboy lang ba talaga ito o baka naman itinatagong boyfriend ng boyfriend ng ama niya? Siyempre, ginagawa lang gatasan ang ama niya habang nagpapakasasa ang mga ito sa pera na di naman pinaghirapan.
Napansin niya na madumi ang kamay ng lalaki. Parang may pintura at kahit na maigsi ang kuko nito ay sumasagad pa rin doon ang dumi. Mukhang pinamamahayan na ng bacteria. Pero napilitan siyang kamayan ito, for the sake of manners.
His hand was rough and firm. Kakaiba sa mga kamay na nahahawakan niya sa New York na pawang mas malambot pa sa bulak ang kamay. This is a worker’s hand. Lalaking-lalaki. For a while, she forgot about the bacteria and germs lurking in his hand. Pakiramdam niya ay babaeng-babae siya habang hawak nito ang kamay niya.
Tumikhim ito. “A-Ang kamay ko.”
Saka lang niya napansin na hawak pa rin niya ang kamay nito. Ang kamay nitong puro germs. Binitiwan agad niya ito. As if naman gusto niyang mahawahan ng bacteria sa kamay nito na malay niya kung saan nito ihinawak.
“Gusto mo bang magpahinga? Bakante ang guestroom...”
Itinaas niya ang isang palad para patigilin itong magsalita. “I am not here for a vacation. Aalis din ako agad.”
Natigilan ang lalaki. “Sayang naman ang pera mo kung tutuloy ka sa hotel.”
Tumaas ang kilay. May pagka-impertinente itong houseboy na ito. Pakialam ba nito kung tumuloy man siya sa hotel? Pera naman niya iyon. Basta di na siya magtatagal sa bahay na iyon. “So, pwede na bang pakigising si Daddy?” tanong niya.
“Wala siya dito. Di naman niya inaasahan na dadating ka.”
Maniwala naman siya na wala ang ama niya doon.
“Really? Ang ibig mong sabihin di pa sila bumabalik sa pagpa-party. Or maybe they are at the pool area. My dad loves to swim in the morning. Doon ko na lang sila aakyatin.”
“Wala sila dito,” sagot naman nito. “Nasa bakasyon sila. Kaalis lang nila kaninang gabi.”
Bumagsak ang panga niya. “Wala sila dito? Saan sila pumunta?”
“H-Hindi ko rin alam.”
Pagak siyang tumawa. “How convenient. And what makes you think that I will buy that? I am sure they are just inside their room. Kung ayaw mo silang gisingin, ako na lang ang gigising sa kanila. Dad! Dad!” aniya at tumuloy-tuloy sa isa sa mga silid doon.
“Miss, sandali!” anang lalaki.
Bago pa siya napigilan ay nabuksan na niya ang pinto. Nasilayan niya ang malaking silid na nadodominahan ng midnight blue na kulay at gray. “That is the master’s bedroom.
Kinatok niya ang pinto ng bathroom. “Dad?” tawag niya sa ama. Nang walang sumagot ay pinihit niya ang seradura. “Dad!”
Walang tao doon. Nagmartsa siya papunta sa iba pang silid habang tinatawag ang ama. Bakante din ang ibang silid. “Dad!” angil niya pagpasok ng kusina.
Akmang tutuloy siya sa may nakatabing na kurtina nang harangan siya ni Robinson. “Miss, anong palagay mo makikipagtaguan sila sa iyo? Nahalughog mo na itong condo.”
Naglakad siya papunta sa isa pang pinto at papunta iyon sa laundry area. Sumilip siya sa may rehas na harang. Sumigaw siya sa sobrang frustration kahit na alam niyang di naman mag-a-ala-Spiderman ang ama niya doon. “Daddddd!”
Nanlumo siya dahil wala nga ang ama sa condo. Natakasan siya nito. “Miss, mabuti pa pumasok ka na muna sa loob. Baka marinig ka pa ng taga-ibang unit at ireklamo tayo. Mahal pa mandin ang mga penalty dito,” anang lalaki at hinawakan siya sa balikat.
Tinabig niya ang kamay nito. “I am fine! Kaya kong maglakad,” aniya at hinamig ang sarili saka bumalik sa loob ng bahay.
Bigla siyang nakaramdam ng pagod. Halos beinte kuwatro oras na biyahe mula New York hanggang Pilipinas, ilang oras na traffic mula airport hanggang Ortigas tapos ay di pala niya maaabutan ang ama. Gusto na niyang maiyak habang nakatayo sa gitna ng sala pero pinigilan niya ang sarili. Pagod lang siya pero di pa siya talo sa laban.
“Sabi ko naman sa inyo nasa bakasyon sila. Kaya nila ako kinuha para magbantay ng condo dahil mawawala daw sila ng isang buwan... O higit pa.”
Nanlaki ang ulo niya. “What? No! T-They can’t do that! Hindi sila pwedeng mawala ng isang buwan.” Paano na siya? Hindi siya pwedeng mag-stay sa Pilipinas nang ganoon katagal.
“Biglaan lang din. Kahapon lang sila umalis,” malumanay na paliwanag ng lalaki.
“At saan daw sila pupunta?”
“S-Sa kung saan-saan. Kung saan nila maisipan. Sabi sa akin ni Sir Ron, kung saan daw maituro ng daliri nila sa mapa ng Pilipinas o sa ibang bansa kung gusto nila. Marami naman kasi silang pwedeng pasyalan.”
Umiling siya. This can’t be happening. Hindi niya alam kung nasaan? Hindi niya alam kung kailan babalik? Basta na lang umalis kung kailan dumating siya?
It was fishy. Matagal bago siya sinagot ng lalaki. Baka naman habang nasa lobby pa lang siya ay nakatakas na pala ang ama niya at ang nobyo nito. O kaya ay nagtatago lang sa kung saan sa condo. The fire exit maybe.
“No! Malay ko ba kung kasabwat ka lang nila. Kunyari wala sila dito pero.... Pero babalik din sila. Gusto mo lang akong paalisin.”
“Wala akong ganyang intensiyon, Miss. Sinasabi ko lang ang totoo.”
“Sinasabi mo lang kung ano ang inutos nilang sabihin sa akin. Malay ko ba kung kaninang tumawag ang receptionist tinawagan mo na sila para di sila bumalik agad. Di talaga ako naniniwala sa iyo. Mukha kang... Manloloko.”
“Miss, huwag mo naman akong husgahan agad. Maraming nagsabi na mukha akong playboy pero wala pa naman akong nilokong babae. Ako pa nga ang sinasaktan.”
“Huh?” Itinirik niya ang mata. Nasa hilatsa ng mukha nito ang nagpapaiyak ng babae. “Whatever! Maghihintay lang ako dito hanggang dumating sila.” Umupo siya sa sofa. “I am not going anywhere.”
“Sigurado ka? Ayaw mo munang magpahinga sa guestroom?” tanong ng lalaki. “Malinis naman iyon at walang gumagamit.”
“I am fine here. You... You can go do your stuff.” Like clean the house. Clean yourself. Guwapo ka sana kundi ka lang nanlilimahid. “Dito lang ako. Dito lang,” diin niya at umupo nang tuwid sa sofa.
“S-Sige. I-Ikukuha kita ng agahan. Manood ka muna ng TV,” anito at binuksan ang telebisyon saka inabot sa kanya ang remote. “Ano palang gusto mong kainin?”
“I am fine with... anything,” nausal na lang niya at saka tinanggap ang remote control. Hindi naman niya maikakaila na gutom na siya. Huling kain niya ay sa eroplano pa at nagkape lang siya sa airport. Kailangan niya na kumain para makapag-isip siya nang mabuti.
“Sabi mo iyan. Sige ako na ang bahala,” anito at masiglang nagtungo ng kusina.
Pasimpleng inilabas ni Ashley ang spray sanitizer niya at pinusitsitan ang kamay pati ang remote saka pinunasan ang tissue, habang ang mata niya at lumilinga sa direksyon ng kusina. She was not a snob. Naniniguro lang siya na malinis ang paligid niya at ang hinahawakan niya. Mahirap nang magkasakit. Nothing personal with the hunky yet messy guy.
Nang bumalik ito ay may dala itong cookies at gatas. “Breakfast?” tanong niya at inangat ang tingin sa lalaki.
“Wala kasing natirang pagkain sa loob ng ref. Maggo-grocery pa lang sana ako dahil sarado pa ang mall. Malayo kasi ang palengke dito. Pero kung gusto mong ibili kita ng hotdog sandwich, may Family Mart at 7-Eleven sa labas.”
Hotdog sandwich? Kahit sa New York ay nauuwa na siya sa hotdog sandwich. “I am fine with this. Salamat.” At saka siya naglipat ng channel sa remote nang may maalala. “Is it clean?” tukoy niya sa pagkaing ihinain nito.
“Ha? Oo naman.”
“I mean, are your hands clean when you prepared it?” Saka nakaismid na sinulyapan ang kamay nito.
“Naghugas naman ako ng kamay.”
“Properly sanitized? Like did you wash it with anti-bacterial soap for five minutes?”
“Di ka naman siguro mamamatay diyan. Isinalin ko lang sa baso ang gatas at saka itinaktak ko ang cookies sa plato. Kailangan pa ba talaga ng proper sanitation?”
“Nagtatanong lang ako. Hindi ko naman siguro ikamamatay ang pagtatanong pero ang germs nakamamatay,” walang gatol niyang sabi at saka pilit na ngumiti. “Thanks anyway. So, gaano ka na katagal nagtatrabaho sa kanila bilang houseboy?”
Wala namang masama kung hindi siya masyadong maging malupit. Kailangan pa rin niyang makakuha ng impormasyon mula dito.
“H-Hindi. Matalik na kaibigan ako ni Rex. Dumadalaw-dalaw lang ako at napakiusapan nila ako na magbantay dito.”
“Ahhhh! I see,” aniya at uminom ng gatas.
“Maiwan na muna kita. May bibilhin lang ako sa labas. Baka may gusto kang ipabili.”
Umiling siya. “Wala. I am fine here.”
Inubos niya ang gatas at in-off ang telebisyon nang makaalis ang lalaki. Saka niya tinawagan ang ama cellphone n g ama. Pumikit siya nang mariin. Di na ma-contact ang numero nito. Kundi nito pinatay ang cellphone, malamang ay nagpalit na ito ng numero nang hindi niya matawagan. O kaya ay itinago ng nobyo nito.
Bakit ba hindi makita ng ama niya na inuuto lang ito ng boyfriend nito? Na siya ang tunay na nagmamalasakit dito?
Hihintayin niya ang ama. Naniniwala siya na di ito magtatagal. Babalik din ito. At pagbalik nito, babalik sila sa Amerika sa lalong madaling panahon.
“REX, nasaan ka?” angil ni Robinson sa kaibigan nang sa wakas ay sagutin nito ang tawag niya. Tumakbo siya sa Family Mart na nasa tapat lang ng condo building at nagpa-load ng cellphone para matawagan ang kaibigan.
“Hellooo, Robbb!” tili pa ng kaibigan. “Nandito sa Quezon. Naghahanda na kaming mag-island hopping. Ang ganda-ganda dito. White sand din. Sana nga sumama ka na sa amin ni Ronald. Dito ka mag-paint. I-paint mo kami.”
Bahagya siyang ngumiti. Alam naman niya na kailangan ng kaibigan niyang si Rex ang bakasyon na iyon. Matagal na nitong pangarap mula noong mga bata pa sila. Habang ang gusto lang niya ay magkaroon ng isang tahimik na lugar para makapagpinta. Kaya nang imbitahan siya nito sa condo nito para ipakilala ang nobyo nitong si Ronald Delaney na isang matandang Amerikano at ipakita ang mga ipininta niya, nabanggit din ng mga ito ang nalalapit na bakasyon. At dahil kailangan niya ng lugar kung saan makakapag-isa siya at matatahimik para makapagpinta, inalok siya ng mga ito na sa condo muna ng mga ito tumuloy. Kaysa naman daw umupa pa ang mga ito ng maid na magme-maintain ng unit, mabuti nang siya na lang daw ang magbantay na mapagkakatiwalaan nito. Unang gabi pa lang niya sa unit na iyon. Ni hindi pa niya nai-eempake ang gamit niya.
“Nandito ang anak ni Sir Ronald,” sabi ni
“Si Ashley?”
“Yung magandang babae na maputi at medyo kulot ang buhok saka mestiza?” Nang pagbuksan nga niya ang babae kanina, akala niya ay artista ito. Di naman niya alam na ganoon pala kaganda ang anak ni Sir Ron.
Matangkad ito. Halos kasing tangkad niya dahil suot nito ang boots na may takong. Mahaba ang wavy nitong buhok na naka-frame sa maamo nitong mukha. Mukha itong manyika mula sa mapupungay na mata na light brown ang kulay at natitiyak niyang hindi contact lens. Matangos ang ilong nito at makipot ang labi.
“Oo,” sagot ni Rex.
“Pero ubod nang talim ang dila. Tinanong pa ako kung nag-proper sanitation ako nang ipaghain ko siya ng pagkain.”
“May katarayan siya.”
“Oo. Siya nga iyon,” aniya at bumuga ng hangin.
“Dumating siya galing Amerika? Nandiyan siya sa condo?” bulalas ni Rex na animo’y nataranta.
“Oo. Iniwan ko muna sa unit mo dahil nagpa-load ako sa Family Mart.” Ihinilamos niya ang mukha sa palad. Ayaw niyang bigyan ng problema ang kaibigan niya habang bakasyon nito pero di niya gusto na siya ang humarap lang kay Ashley. “Hinahanap niya kayo. Ayaw pa nga niyang maniwala na wala kayo ni Sir Ron.”
“Anong sabi mo sa kanya?”
“Wala. Nagbakasyon kayo at matagal kayong mawawala. Ayaw namang maniwala at hihintayin daw niya kayo.”
Mukhang ayaw ni Ashley sa kaibigan niyang si Rex bilang nobyo ng ama nito. Alam naman niya na marami pa ang hindi tanggap ang relasyon ng may kaparehong kasarian. Kahit naman siya ay nagulat kay Rex at sa nobyo. Pero kung saan masaya ang kaibigan niya, doon na rin siya basta wala itong ginagawang masama.
“Nandiyan pa rin siya sa condo?” tanong ni Rex.
“Oo. Sabi ko isang buwan kayong mawawala. Inalok ko pa nga ang guestroom para makapagpahinga siya pero sa hotel na lang daw siya tutuloy.” Nagmagandang-loob na siya, parang siya pa ang masama.
“Sabihin mo bumalik na lang siya ng Amerika. Two months pa kami bago bumalik. May trabaho siya sa Amerika. Wala siyang mapapala.”
“Hindi ko kayang sabihin iyon sa kanya. Baka sungitan na naman ako. Saka maawa ka naman sa tao. Galing pang Amerika. Baka gusto niyang makasama si Sir Ronald.” Magpa-Pasko na. Normal lang naman siguro para sa anak na makasama ang magulang nito. “Kailan ba kayo babalik?”
“Parang ayoko na nga yatang bumalik. Ayokong dalhin diyan si Ron dahil tiyak na pipilitin na naman siya ng anak na bumalik ng Amerika. Malulungkot na naman si Ron doon. Baka maglasing na naman siya. Mabuti nga nalilibang siya dito sa Pilipinas. Ayokong mawala siya sa akin,” puno ng pag-aalalang sabi ni Rex.
Laging bigo ang kaibigan niya sa pag-ibig. Dahil di masaya sa pamilya at ayaw itong pag-aralin ng magulang ay lumuwas ito ng Maynila at humanap ng kapalaran. Di man nakatapos ng kolehiyo pero nakahanap naman ito ng magandang trabaho. Sa kasamaang-palad ay lagi rin itong nabibiktima ng mga nakakarelasyon nito. Di man mayaman, handang ibigay ng kaibigan niya ang lahat sa taong mahal nito. Ngayon lang ito nakatagpo ng pagmamahal na ito naman ang binibigyan. Kaya di niya ito masisisi kung ayaw nitong pakawalan si Ronald Delaney.
“Anong gagawin ko sa kanya sa anak ni Sir Ronald? Di ninyo pwedeng paghintayin siya sa condo,” tanong ni Robinson. Wala siyang balak mag-alaga ng isang bisita na parang galit naman sa mundo. Nakakasira iyon ng mojo sa pagpipinta.
“Kapag hindi kami bumalik, maiinip din iyan at hahanap ng hotel. O kaya babalik na lang siya ng Amerika.”
“Hindi tama na paghintayin siya. Malayo ang pinanggalingan niya. Kahit ano pa ang dahilan niya sa pagpunta dito, gusto pa rin niyang makasama ang ama niya. Paskong-pasko tapos di sila magkakasama. Maiiwan siyang mag-isa sa condo kapag di pa kayo bumalik. Uuwi ako ng probinsiya. Sino na ang mag-aalaga sa kanya?”
“Kaya na niya ang sarili niya. Huwag mo nang problemahin iyon. Sinungitan ka pa nga niya, di ba? Bumalik na siya ng States. Huwag na niya kaming guluhin.”
Mukha namang nasa mid-twenties na si Ashley at independent. Pero iba pa rin kung may titingin-tingin dito. Di siya sang-ayon na iiwan lang ito mag-isa lalo. Siya ang tumanggap dito sa condo kaya responsibilidad niya ito hangga’t di niya natitiyak na ayos lang ito.
“Baka masungit lang siya dahil napagod siya mula sa biyahe. Tapos di pa niya kayo naabutan.” Iniintindi na lang niya ang babae. Malayo ang ibiniyahe nito para lang sa wala. Sino ba ang hindi iinit ang ulo?
“Hindi ka nainis sa kaartehan niya nang pagsilbihan mo ng pagkain? Ayaw mo pa mandin sa mga babaeng maaarte.”
Tipid siyang ngumiti. “Hindi na. Normal lang na magtanong siya.”
Nahimasmasan na siya ngayon. Di lang siya sanay sa mga babaeng masusungit at matataray pero may punto naman ang babae kanina. Di naman kasi siya mukhang malinis tingnan kanina lalo na’t may bahid ng pintura ang kama niya. Kalusugan naman nito ang pinag-uusapan. Wala siyang pampagamot dito kapag nagkasakit ito.
Pero kung kukuwestiyunin siya nito lagi kapag matagal-tagal silang magkakasama, di niya magagarantiyahan ang tolerance niya sa kaselanan nito.
“Rex, mas makakabuti kung makakasaa niya si Sir Ron. Sabihin ko na lang kung nasaan kayo. Pasunurin ko na lang siya sa Boracay.”
“Huwag mong sasabihin kung nasaan kami. Masisira ang lahat ng kaligayahan namin ni Ronald,” puno ng pangambang sabi ng kaibigan.
“Paghihintayin ninyo sa wala ‘yung tao. Kawawa naman. Alalahanin mo na anak pa rin siya ni Sir Ronald. Hindi naman tama na di sila magkasama nang magpa-Pasko. Ayoko ng ganyan, Rex. Alam mo na mali ang ginagawa mo. Di tayo magkakasundo kapag ganyan,” aniyang may halo nang pagbabanta sa kaibigan.
“Pero paghihiwalayin niya kami. Hindi pa ako nababaliw para hayaan siyang sirain ang bakasyon namin ni Ron. Ngayon pa lang kami nagkakasama ulit,” angal ni Rex.
“Kahit pa. Mas lalo ka niyang di magugustuhan kung ipagkakait mo sa kanya ang ama niya. Lahat ay nadadaan sa mabuting usapan.”
“Akala ko ba magkakampi tayo? Kaibigan mo ako. Lagi mo naman akong sinusuportahan sa mga plano ko.”
“Oo nga. Kaibigan mo ako. Kailan ba naman kita binigyan ng maling payo? Gusto ko lang mapaayos ka. Kung seryoso kayo sa relasyon ninyo, dapat harapin mo ang anak niya. Ipakita mo na nirerespeto mo siya. Na hindi ka masamang tao.”
“Oo na. Oo na,” anitong parang naiirita pa sa kanya.
“Babalik ka na dito sa Maynila?” tanong ni Robinson.
“Susubukan naming bumalik diyan ni Ronald bukas o makalawa. Sasabihin ko ang tungkol kay Ashley paggising niya.”
Bukas-makalawa pa nito paghihintayin si Ashley? “Ang tagal pa no’n. Hindi ba pwedeng bumalik na lang kayo ng Maynila ngayon. May makukuha naman siguro kayong biyahe. Maaga pa naman.”
“Kadarating lang namin dito. Gusto ko lang makasama si Ronald kahit konting panahon. Hindi mo ba kami pwedeng pagbigyan kahit sandali? Isang araw lang.”
“At anong gagawin ko sa anak ni Sir Ronald habang wala ka pa?” tanong ni Robinson.
“Aliwin mo muna.”
“A-Aliwin? Aba’y ginawa mo pa akong entertainer,” angal niya. Galing Amerika ang babae. Malay ba niya kung anong klaseng pag-eestima ang kailangan nito.
“Kayang-kaya mo iyon. Ikaw pa. Artistic ka nga at talented. Tiyak na makakagawa ka ng paraan. Ikaw na ang bahala kay Ashley, ha? Bye! Off ko muna itong cellphone dahil low batt na.”
At tinapos na ng kaibigan niya ang tawag.
Siya ang bahala? Hindi niya alam kung makakatagal siya na nandoon si Ashley. Kaya niya tinanggap ang pagbabantay sa condo dahil makakapag-concentrate siya sa pagpipinta niya. Mag-isa lang siya sa unit at walang gagambala sa kanya. Di naman siya pwedeng mag-alsa balutan na lang at umuwi sa probinsiya saka iiwan ang babae. Ibinilin ni Rex sa kanya ang condo at ang anak ni Sir Ron.
“Bahala na!” usal niya at lumabas ng Family Mart dala ang ilang pinamiling tinapay at de lata para makain nila ni Ashley kung sakaling gutom pa ito pagbalik niya.
Nang pumasok siya ng condo ay bukas pa rin ang TV. Pero napansin niya na nakatulog na si Ashely habang nakahilig sa sofa. Ni hindi man lang nito nahubad ang suot na sapatos at nasa tabi nito ang bag. Pagod na pagod marahil ito dahil sa biyahe. Di biro ang ibiniyahe nito para makarating ng Pilipinas at tiyak na sakit sa ulo pa paglabas nito ng airport.
Inangat niya ang paa nito at tinanggalan ng sapatos. She had shapely legs. He was not a leg man. Ni hindi nga siya tumitingin sa pisikal na anyo ng isang babae dahil mas mahalaga sa kanya ang magandang ugali. But her legs are nice. At kahit na pormal ang suot nitong dress na animo’y dadalo ito ng pulong ay bagay naman dito. Maganda at makinis ito kahit na walang make up. Maganda sana ito kundi lang parang laging seryoso. Kahit kapag tulog ito ay nakakunot pa rin ang noo nito na parang laging may dalang problema.
Bumuntong-hininga siya. Maganda ito pero di siya attracted dito. Ikinuha niya ang dalaga ng kumot at unan sa guestroom. Inayos niya ang pagkakahiga ng dalaga at kinumutan. Komportable naman sa sofa.
“Mas maganda ka pala kapag tulog at tahimik,” nausal niya at hinaplos ang nakakunot nitong noo.
Hindi niya alam kung gaano katagal siyang magsasama ng babae sa condo. Pero wala siyang ibang pagpipilian kundi pagtiyagaan ito hanggang makabalik sina Rex at Ronald o hanggang umuwi siya ng probinsiya.
Excited na siyang makita ang pamilya niya at si Kristine - ang babaeng nililigawan niya. Baka sakaling sagutin na siya nito ngayong Pasko.