Chapter 3

2847 Words
Nagising si Ashley na parang lumulutang. Isiniksik niya ang sarili sa malambot at mainit na kutson habang hinapit naman ang makapal na kumot sa katawan. Ipinaghehele siya ng jazz music na paborito ng kanyang ama na patugtugin. Wala siya sa apartment niya sa New York. Wala din siya sa luma nilang bahay sa Olongapo kung saan niya madalas marinig ang naturang musika. Unti-unting bumalik sa kanya ang alaala. Nasa condo siya ng ama at hinihintay niya ang pagbabalik nito. At nakatulog siya. Nahigit niya ang hininga. Nakatulog siya. Di siya makapaniwala na nakatulog siya. Ang plano niya ay manatiling dilat ang mga mata hanggang makabalik ang ama niya sa condo. Siguro dahil sa pinaghalong pagod at emotional stress nang di niya maabutan sa condo ang ama ay nakadagdag sa masamang pakiramdam niya. Natagpuan niya ang sarili na nakahiga nang maayos sa sofa, may unan at nakakumot. Sino ang gumawa niyon sa kanya? Saka niya naalala ang kabataan niya. Madalas niyang abangan ang ama niya na umuwi mula sa trabaho at lagi niyang nakakatulugan ang paghihintay dito sa sofa. Nagigising na lang siya na binubuhat siya nito at dinadala sa kuwarto niya. Nang di na siya nito kayang buhatin ay kinukumutan na lang siya nito. At patutugtugin nito ang paborito nitong jazz music. Posible kaya na dumating na ang daddy niya at ito ang nag-ayos sa kanya sa sofa? Sumikdo ang dibdib niya at tuluyan siyang nagising. Dumating na ang ama niya. Makakabalik na sila sa States! Bumangon siya at tinawag ang ama. “Dad? Dad!” sigaw niya at naglakad sa bahay. Isinuot niya ang stilettos at tumunog iyon nang naglakad siya sa marmol na sahig. Di niya inalintana ang magulo niyang buhok o kung di pa siya nagmumumog. Gusto niyang makita agad ang ama. Walang sumagot sa kanya. Ang tanging naririnig niya ay ang ugong ng washing machine. May kahalong boses iyon ng isang lalaki na kumakanta... Livin’ La Vida Loca? Hindi naman boses ni Ricky Martin. Live ang boses na iyon. Natitiyak niyang hindi iyon ang ama niya. Wala sa tono ang ama kahit pa nga hilig nito na mag-videoke. And the voice was younger and sultry. Parang kayang makatunaw ng iceberg sa North Pole. Sinundan niya ang nanghahalinang boses hanggang makarating siya sa pinto na palabas ng laundry room. Sinilip niya ito sa screen ng aluminum door. Si Robinson ang nakatayo sa laundry area nakita na umiindak ito habang sinasabayan ang pag-ikot ng washing machine. Ito pala ang kumakanta. Nakaharap ito sa mga gusali at sa guwang ng kalsada ay nakita niya ang papalubog na araw. Halos lumuwa ang mata niya sa well-defined back nito pababa sa perfect butt nito na nakahulma sa gula-gulanit nitong washed jeans. She never really thought that a man in jeans could be this sexy. To think that she was more fixated to intellectual types and she was not easy to impress with a hot body. Habang ang lalaking ito giling pa lang ng balakang ay tumutulo na ang laway niya. Sinapo niya ang dibdib dahil pakiramdam niya ay biglang bumagsak ang puso niya. Livin’ La Vida Loca. Ako ang naloloka. Ginawa talaga niyang concert ang laundry area habang naglalaba. Naaninag niya ang kabilang building na mukhang residential area din at nakaharap sa balkonahe. What? Huwag nitong sabihin na nagpo-provide ito ng free entertainment sa mga tao sa kabila. Sinasadya ba niya iyon? Para makaakit? He was trying to seduce me without him knowing. And I am being seduced. Ipinilig ni Ashley ang ulo at bahagyang inangat ang pinto. Hindi siya nandito para magpaakit. Nagsasayang lang siya ng oras sa katititig sa performance nito. Tumikhim siya. “Excuse me!” Nang di pa rin siya nito narinig ay binuksan niya ito at akmang kakalabitin nang dumulas ang stilettos niya sa basang sahig. “Eeeee!” tili niya at nanlaki ang mata nang lalagpak na siya sa sahig. Ihinanda na niya ang sarili sa sakit ng katawan pero di siya tuluyang bumagsak sa lupa dahil may may matitipunong bisig na sumalo sa kanya. “Mag-ingat ka. Basa ang sahig,” sabi nito habang sobrang lapit ang mukha sa kanya. “Your warning is too late,” angal niya. “Hindi ko naman alam na gising ka,” anito at inalalayan siyang tumayo. Napakapit siya sa matipuno nitong braso at nang makatayo na siya ay nagkadikit ang mga katawan niya. She felt his bare and warm body brush against hers. He was sticky with sweat but he didn’t smell bad. He was actually manly and musky. Ganito dapat ang amoy ng isang lalaki. And his muscles... Parang napakalakas nito. It reminded her even of Superman. Kapag kailangan ng sasalo sa kanya ay laging nandiyan. Superman na nakahubad. Iyan ang costume niya. Kumunot ang noo niya. And seriously, bakit ka ba laging nakahubad? Wala ka bang ibang damit? “May itinatanong ka?” tanong ni Robinson sa kanya. Umiling si Ashley. “W-Wala. Wala naman akong sinasabi. Ano... Tinanong ko kung dumating na si Dad.” Pumalatak ito at nanunuksong ngumiti. “Hindi iyon ang itinanong mo. Tinanong mo ako kung bakit wala lagi akong suot na damit.” “Tinanong ko ba iyon?” “Oo. Narinig ko.” Di maiwasang tumirik ang mga mata niya. Narinig mo naman pala, itatanong mo pa sa akin. “Nasa labahan kasi lahat ng damit ko. Namantsahan kasi ng pintura. Pasensiya na rin pala kung nadulas ka. Natapon kasi ang pinagsabunan ko kanina. Hindi ko pa ata tuluyang natuyo. Ayos ka na ba?” “O-Oo,” aniya at bumitaw dito saka humakbang paurong. Kailangan niyang dumistansiya dito. Bukod sa naiilang siya sa hubad nitong katawan, nanlilimahid din siya at halos dalawang araw na siyang di naliligo. Nagsalubong ang kilay nito nang tingnan ang paa niya. “Bakit nakasuot ka pa ng may takong dito sa bahay? Kaya naman pala nadulas ka. Hindi mo isinuot ang tsinelas na nasa may sofa? Para sa iyo iyon.” Tumaas ang kilay niya at akmang sasabihin na di niya napansin dahil baka may bacteria pa iyon at di niya alam kung saang paa galing pero ipininid niya ang bibig. “H-Hindi ko napansin. Saka mas sanay ako na nakasapatos.” “Kahit sa bahay?” tanong ng binata. “Well, I...” Paano ba niya ipapaliwanag dito na para sa kanya ay simbolo ng kapangyarihan. She felt empowered with it. Lalo na ngayon na wala naman siya sa sariling teritoryo kundi sa teritoryo ng kalaban. She came here for war. Nanlaki ang mata niya nang bigla siya nitong buhatin. “S-Sandali. Anong ginagawa mo sa akin?” “Doon ka muna sa sala. Gusto ko lang tiyakin na di ka maglalakad nang iyan na naman ang suot mo at madulas ka naman,” sabi ng binata. Ikinawag niya ang paa. “Kaya ko naman ang sarili ko. Ibaba mo na ako.” “Kapag pumalag ka, pareho pa tayong madidisgrasya.” Tumigil siya sa paggalaw at humawak sa balikat nito. Wow! His muscles were firm. Parang sanay din itong magbuhat ng mabibigat na bagay. Just like romantic novels where heroes will sweep you off your feet. She tried to feel indifferent to him. Hindi siya bida sa romance novels. Hindi siya mahina pagdating sa lalaki. Maingat siyang ibinaba ng lalaki sa sofa. Inalis nito ang sapatos niya at maingat na isinuot ang tsinelas. Napapitlag siya pero pinigilan nito ang paa niya. “Binili ko iyan sa department store. Sinabon ko pa at pinatuyo bago ko ipinagamit sa iyo,” paliwanag ng lalaki. “Gusto mo ba na pusitsitan ko ng alkohol?” “N-No! This is okay,” sabi niya at itinapak ang paa sa semento. Paulit-ulit niyang itinapak iyon para tantiyahin kung ayos lang sa paa niya. “Mas komportable iyan kaysa sa sapatos mo na may takong.” “S-Salamat,” aniya at alanganing ngumiti. Estimang-estima siya ng lalaki pero ipinaparamdam din nito na parang snob siya. “S-Si Dad, dumating na ba?” “Wala pa sila Sir Ron. Siguro nahihirapan silang humanap ng sasakyan. Bakasyon na kasi ngayon. Iyon kasi ang sabi ni Rex nang makausap ko siya kanina.” Umismid siya. “Baka ayaw siyang pauwiin dito ng boyfriend niya.” “Di naman siguro. Di ka matitiis ng tatay mo. Sa layo ng ibiniyahe mo para makita siya, siguro naman sisikapin niyang umuwi agad.” Hindi rin. Ni di nga siya nito dinadalaw sa New York. Mas gusto pa nitong mamasyal sa ibang lugar kaysa makasama siyang anak nito. “Gusto mo bang ipaghanda kita ng hapunan?” alok ng lalaki. “H-Hapunan? Dinner?” paglilinaw niya at tumango ang lalaki. “What time is it?” “Mag-aalas-sais na ng gabi.” “Gabi? Alas sais ng gabi?” Di makapaniwalang kumurap si Ashley. “You mean I slept for twelve hours?” Hindi siya sanay na matulog nang ganoon katagal. Bawat oras ay mahalaga sa kanya. She always wanted to keep herself busy. “Di na kita inabala dahil masarap ang tulog mo. Saglit lang naman maghanda ng hapunan. Baka may gusto kang palabhan.” Umiling siya. “N-No. Wala.” “’Yang suot mo. Hubarin mo na ‘yang jacket mo.” Nanlaki ang mata niya. “Gusto mong maghubad ako?” “Mainit dito. Baka pawisan ka na. Isasabay ko nang isalang sa washing machine.” Niyakap niya ang sarili. “No! T-This is fine. It must be hand-washed.” “Mas magaling akong maglaba nang pakamay. Sige na. Mukha kasing di ka komportable. Parang suot mo pa iyan mula nang nagbiyahe ka. Anong oras ka pa ba umalis ng Amerika?” “I am fine. Magsa-shower na lang ako,” sabi niya at tumayo. “Pwede mong gamitin ang banyo sa master’s bedroom. May bathtub doon. Baka kailangan mong magbabad para ma-relax ka.” Ngumiwi si Ashley. Di siya mare-relax habang iniisip niya kung anong exhibition ang ginawa ng ama niya at ng boyfriend nito doon. Nah! Pass! Pakiramdam niya ay nasa langit siya nang sa wakas ay makapag-shower siya. Naglaho ang lahat ng pagod at panlalagkit niya sa mahigit isang araw na lumipas. Sa bakanteng guestroom na siya nagbihis. Doon ipinasok ni Robinson ang gamit niya. Malinis iyon at mabango. Parang nilinis iyong mabuti kanina ng binata at inayos habang tulog siya. Dahil wala namang bedsheet ang kama at walang quilted blanket nang tingnan niya kanina. Magaling naman pala sa bahay itong pinsan ng boyfriend ng ama niya. Siguro ay magaling nga ito sa gawaing bahay. Not bad. Mas gusto nga niya ang amoy ng silid na iyon at ng condo kaysa sa amoy ng flat niya sa New York. Wala lang siyang choice dahil nag-asawa na ang Pinay na naglilinis ng flat niya at isang Mexican ang ipinalit ng agency. She actually felt at home here. Too bad, wala siyang balak na magtagal doon. It was not her home and things would be murky once her father arrives. Nagpapatuyo si Ashley ng buhok nang katukin siya ni Robinson . “Handa na ang hapunan,” masayang sabi nito. “Okay. In a minute.” Paglabas pa lang niya ng silid ay nasalubong na agad siya ng amoy ng mabangong ulam. Matagal na siyang di nakakaamoy ng ganoon. “Ano iyan?” “Sisig at chopseuy. Ako na mismo ang nagluto. Magastos kasi kapag bumili pa sa labas. Mahal ang bilihin dito.” Natigagal siya. Ipinagluto siya ng lalaki. “Nag-abala ka pa. Sana nagpa-deliver na lang tayo at ako ang nagbayad.” “Hindi naman ubra iyon. Bisita ka dito kaya hindi ka gagastos habang nandito ka. Nakakahiya naman sa kay Sir Ronald.” Namaywang siya. “Look. I am an accountant. I earn enough. Hindi mo kailangang gastusan. Compare to you...” “Kahit kumikita ka pa ng milyon buwan-buwan, basta bisita ka dito. Hindi naman ako maghihirap kung ipagluto kita,” katwiran niya. “Ano na lang ang sasabihin ng asawa mo o girlfriend mo na... May kasama kang ibang babae dito sa condo?” “Wala naman akong asawa. Wala din akong nobya. Saka wala naman tayong ginagawang masama kahit pa meron. Wala kang dapat na ipag-alala sa akin.” “T-Tama ka,” aniyang alanganin ang ngiti. Ipinaghila siya nito upuan. “Halika. Kumain ka na.” Umupo siya at tipid na ngumiti. Siya naman ang nag-aalala sa sarili niya. Kung anu-ano ang pumapasok sa utak niya pagdating sa lalaking ito mula nang dumating siya. Sa dinami-dami ng guwapong lalaki sa New York, saka pa siya nagkaroon ng kakaibang pakiramdam. Hawak pa rin nito ang sandalan ng upuan at nanatiling nakatayo sa likuran niya. “At kaysa magtalo tayo sa kung ano ang dapat o di dapat kong gastusin sa iyo, maganda siguro kung makakarinig ako ng “Salamat” galing sa iyo.” Nilingon niya ito. “S-Salamat?” “Oo. Filipino ng thank you.” “S-Salamat,” nausal niya at ngumiti. Nakakahiya naman na di na lang niya ipagpasalamat ang effort nito sa kanya. Mula naman nang dumating ito ay wala itong ginawa kundi pakitaan siya ng kabutihan at alagaan siya. “Masarap pareho ang luto mo. Madalang akong kumain ng pork pero kinain ko ito. I love the veggies.” “Salamat. Nanay ko kasi ang nagturo sa akin na magluto. Kumain ka pa.” Di niya tinanggihan nang abutan pa siya nito ng kanin. Siguro ay bumabawi ang katawan niya dahil sa kawalan niya ng kain. Huling kinain pa niya ay ang cookies at gatas bago siya makatulog kaninang umaga. Sanay siyang nasa kontrol ang lahat kasama na pati ang pagkain. Di siya basta-basta nate-tempt na kumain dahil gusto niyang mai-maintain ang katawan. Ngayon ay wala siyang pakialam sa diet. Saka na niya iyon poproblemahin kapag busog na siya. “Ano palang trabaho kapag di ka bantay ng condo?” tanong niya sa lalaki. “Pintor ako,” sagot ni Robinson. “Ah! You mean, you paint buildings and infrastructures?” Nagkibit-balikat ito. “Parang ganoon na nga.” “Delikado ang trabaho, hindi ba?” Na-imagine niya na nakabitin ang mga ito sa building para makapag-pintura lang. Kaya siguro batak ang katawan nito. “Mabuti na magbantay ka na lang ng condo at humanap ng ibang trabaho.” “Hindi ko iiwan ang pagiging pintor ko. Doon ko naipapahayag ang sarili ko.” “Ooooo...kay,” usal na lang niya. Medyo weird ata iyon. Pwede bang ipahayag ang sarili sa pagpe-paint ng building o kaya ay daan at tulay? Baka masyado lang itong passionate sa trabaho nito o kaya ay may pride ito sa pinasok na trabaho. Ipinagtimpla siya nito ng kape at ihinain sa sala. Di naman siya nito sinamahang uminom. “Iyon palang pinagbihisan mo, ako na ang bahala.” “No! Kaya ko na iyon.” “Bisita ka dito,” paalala nito at binuksan ang pinto ng guestroom niya. “Sa New York naman mag-isa lang akong nabubuhay. Wala akong katulong. Hindi mo naman ako kailangang tratuhin na senyorita,” aniya at inunahan itong makapasok sa guestroom. Hinamig agad niya ang pinagbihisan na nakalapag pa sa kama bago pa siya nito mapakialaman. Daig pa niya ang may yaya. “Hindi mo talaga palalabhan?” paniniyak nito. Tumirik ang mata niya. “Huwag mo na akong intindihin. Kaya ko na ang laundry ko.” Palalabhan na lang niya iyon sa hotel. “Huwag kang makulit.” Ganito pala ang pakiramdam ni Cara kapag pinagsisilbihan ito ng nobyo nito. Di mo naman boyfriend si Robinson. At kailan ka pa nag-ambisyon na pagsilbihan ng lalaki? You are an independent woman. You don’t need a man to make you feel like a princess. Matapos inumin ang kape ay tumuloy siya sa lababo. “Ako na ang maghuhugas ng plato.” Ayaw na niyang tratuhin pa nito na parang prinsesa. Masyado siyang nawiwili. “Kung gusto mong maghugas ng plato, may kapalit na kiss.” Sinabat niya ito ng tingin. “Excuse me?” Humalukipkip ito. “Ganoon kasi sa amin. Kapag pinipilit akong agawan ng trabaho, may kapalit na halik. Kaya kapag mapilit magtrabaho ang nanay ko o kapatid kong babae ay may kapalit na kiss. Di ko talaga tinitigilan hangga’t di ako hinahayaan na gawin ang trabaho.” Nanlaki ang mata niya at natigilan sa pag-aayos ng platong kinainan. Hahalikan siya nito? Di naman siya nito nanay at di naman siya nito kapatid na babae. Itutuloy ko ba ang pag-uurong? Is he a good kisser? Seryoso ako? Magpapahalik ako sa kanya sa ngalan ng maduming hugasin? Ashley Delaney, what is wrong with you? “Fine. Diyan ka na. Ayaw mong magpapilit e! Papasok na lang muna ako sa kuwarto ko,” sabi ng dalaga at iniwan si Robinson. Magtrabaho na lang siya. Yes. She needed that semblance of organization in her life. Naliligalig na siya mula nang dumating siya at ito mismo ang kailangan niya - ang magtrabaho. After all, she was good at it. Wala na siyang pakialam kung mag-concert man si Robinson sa buong Ortigas habang naglalaba. Basta magtatrabaho siya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD