Manliligaw Nanatili akong nakatayo sa harap ng kotse ni Tyrone. Inaangatan ko ito ng kilay habang nakahalukipkip at nakapameywang naman siya sa aking harapan. He looks so bothered while eyeing me seriously. "Pasok, Anne." Iminuwestra niya ang loob ng front seat. "Ayaw ko nga! Di tayo bati kaya ba't ako sasama sa'yo?" matapang kong sabi. Nagkasalubong na ang kanyang kilay. Bahagyang umawang ang kanyang bibig at nalihis rin ang kanyang tingin sa aking likuran. "Putangina. Sumunod pa talaga," galit niyang bulalas na ikinalingon ko narin sa aking likuran. Nakita ko si Enzo, naglalakad narin palabas at mukhang sumunod na. Naging pilya ang aking ngiti pero mabilis ko ring binura lalo na't nandidilim na ata ang mga mata ni Tyrone sa kanya. Ilang sandali lamang ay lumitaw nga si Enzo sa aki

