Turn-On Naguilty ako sa inasal ni Tyrone at sa pananaboy ko sa kanya. Kahit si Enzo pinauwi ko na para kwits silang dalawa. Pabalik balik ang aking lakad sa loob ng kuwarto habang kagat kagat ko ang pang-ibaba kong labi. Nakokonsensya ako... Sumobra ako sa pagpapakipot... What I did is offending... Di ko makalimutan ang lungkot sa kanyang mga mata. Nang hindi ko na natiis ay dinampot ko na ang aking cellphone. Wala na siyang text doon. Iyong huli niyang text sa akin ay ang mga text niyang hindi ko nireplayan. Bigla akong nafrustrate. What should I do?! Nagalit 'yon, I'm sure! Hindi naman sa kinakampihan ko si Enzo kanina... I just want him to stop from hurting him! Pero mukhang nasasagad din kasi ni Enzo ang pasensya nya. Nagtipa ako ng mensahe. Ako: Gusto mong makipagkwentuhan? I

