Text Inayos ko ang suot kong halter royal blue long dress para sa dadaluhang party. Hindi na bago sa akin ang mga ganitong okasyon. My father is one of the business tycoon at normal na talaga sa mga pamilyang Enriquez ang pakikipagsocialize sa mga elites. I am aware that our family has a name in the industry. Celina’s father, Tito James is a well known business tycoon too. Kaya kahit ayaw namin sa mga ganitong gatherings, no choice kami kundi makipagsocialize lalo na’t gusto rin kaming iexpose ng mga magulang namin sa mundo ng business. Ni minsan hindi naman ako nakakarelate sa mga ganitong party. I always get bored pero nagpapasalamat narin ako at kasama ko si Celina, may karamay ako sa boredom pag nandiyan siya. Pumasok kami sa isang five star hotel kung saan gaganapin ang nasabing

