Selos The upcoming days were a bit stressing. Nalalapit na ang examination kaya binubugbog na naman ng bawat subject ang mga utak namin. Pumangalumbaba ako sa harap ng mesa noong makaupo na kami ni Tyrone sa loob ng cafeteria. “You should treat me. Ako ang gumawa noong isa mong project!” Pinandilatan ko ng mata ni Tyrone na inilalabas na nga ang kanyang pitaka. “Oo na. Alam ko namang sisingilin mo ako sa bagay na iyon.” Umirap siya sa akin at nagtungo na roon sa harap. Nakalimutan niya iyong gawin kaya ako ang napipilitang gawan siya noon. Kung hindi ko lang talaga gusto ito ay pagtatawanan ko pa siya kahit bumagsak siya. Pero ayoko namang bumagsak siya sa subject! Gusto ko lang siyang bumagsak sa akin! Iyon lang. Tiningnan ko ang likod niya habang pumipila na roon. May iilan pang pas

