Warning: SPG Regalo Para na akong hihikain at masusuka na lahat ng meron ako sa aking tiyan sa sobra kong kaba. Di naman ako lasing, kung natamaan man ng kaonti ay sobra na akong nahimasmasan sa nasaksihan kanina. Tyrone just kicked someone at tumilapon pa! His anger turned me into a kitten and he's the mad wolf. Nanliliit ako at kabadong kabado sa kanyang galit. "Pasok," matigas niyang sabi pagkatapos buksan ang pinto ng kanyang kotse. I went inside at mabilis siyang nilingon sa labas. "Ang purse ko naiwan sa loob," marahan kong sabi saka niya isinara iyong pinto. Pinanood ko siyang nag half jog pabalik doon sa loob. Huminga agad ako ng paulit ulit. Inhale, exhale... inhale... wala kang kasalanan Anne... Don't be so guilty about it... exhale... And ba't naman siya galit? I didn

