Matapos naming ihatid si Grazer ay si Dina ang naiwan doon para bantayan ang anak ko. Hinila kasi ako ni Gregory patungo sa kotse niya. “Saan tayo pupunta?” nagtatakang tanong ko. Binuksan niya ang pinto ng front seat at binalingan ako. “Let’s talk.” Umawang ang labi ko at walang magawa kundi ang pumasok at umupo sa front seat. Seryoso ang kanyang mukha ngayon kaya medyo kinakabahan ako sa kung ano man ang pag-uusapan namin ngayon. “Ano ang pag-uusapan natin?” tanong ko at kinuyom ko ang kamao ko sa tela ng damit ko. Ngumiti siya sa ‘kin at may inabot sa backseat. Kumunot ang noo ko at sinundan siya ng tingin at nanlaki ang mata ko nang makita ko na kinukuha niya ang isang bouquet ng pulang rosas. Bumilis ang t***k ng puso ko lalo na nang inamoy niya ito at tumingin sa ‘kin. “I

