Ngayon ay naniniwala na ako kay Gregory. Hindi ko alam kung paano nangyari iyon pero tingin ko ay totoo ang sinabi niya. Pagkatapos naming maligo ay kumain muna kami at bumili sa palengke ng mga prutas lalo na’t sariwa ang kanilang binebenta at mga bagong pitas pa. Nakatulog si Grazer habang buhat-buhat ni Gregory ngayon. “Ma’am, ang lusog ng mga prutas nila rito,” si Dina habang sinusuri ang mga prutas na naka-display. “May gusto ka bang bilihin?” tanong ni Gregory at tumabi sa akin. “Maybe you want something you wanted to eat.” Bumuntong-hininga ako at umiling. “Sakto na siguro ‘yan lalo na’t si Grazer lang naman ang mahilig sa prutas at kailangan na nating bumyahe dahil baka may trabaho ka pa.” “Tsk. I can always reschedule my appointments…” bulong niya pero narinig ko naman.

