Naalimpungan ako nang maramdaman ko ang ilaw na tumapat sa aking mata. Sobrang sakit ng ulo ko at pati na rin ang katawan ko. Nang malinaw na ang paningin ko ay agad akong napabangon. Nakita ko ang pagpanic ni Jerah nang makita akong gising. Agad siyang lumapit sa akin at nag-aalala akong tiningnan.
"Honey, you're awake!" maligayang sambit niya at binalingan ang kanyang nobyo na kasalukuyang nakaupo sa upuan habang nagbabasa ng newspaper. "Haze, call the doctor! She's awake!"
Hindi ako nakapagsalita at bumalik sa isipan ko ang nangyari. Wala na pala ang anak ko sa piling ko. Kinuha nila sa 'kin si Grazer. Siguro ay umiiyak na ang anak ko lalo na't ayaw no'n makipaghalubilo sa ibang tao. Sumikip ang dibdib ko at napayuko. Mas na-realize ko na hindi ako naging mabuti na ina.
"Doc, how is she? Is she okay?" tanong ni Jerah.
Tumango ang doctor. "You don't need to worry about her because she's okay. The patient only needs to rest and she needs to eat plenty vegetables and do exercise as well."
"Thank you, Doc."
Nang umalis na ang doctor ay agad akong nilapitan ni Jerah. Si Jerah ay pinoy din katulad ko na nakikipagsapalaran. Si Haze ang kanyang kasintahan at pareho sila ng trabaho, chef. Kapitbahay ko silang dalawa kaya hindi na ako nagtaka na sila ang nagdala sa 'kin dito.
"Ano ang nangyari?" Nasaan si Grazer?" sunod-sunod na tanong ni Jerah.
Binaba ko ang aking tingin at ibinaon ko ang mukha ko sa palad ko. Nagsimula na namang tumulo ang luha sa mata ko. Nangungulila ako sa anak ko.
"I...I let him take her...Hinayaan ko ang anak ko na makuha siya..." Nag-angat ako ng tingin kay Jerah. "Hindi ko na alam ang gagawin ko sa buhay lalo na't wala na ang anak ko sa akin. Hindi ko rin siya makukuha pabalik dahil impossible. Walang akong kakayahan na..."
Napapikit ako nang niyakap ako ni Jerah. Hinaplos niya ang buhok ko habang hinayaan ko ang sarili ko na umiyak.
"Tama na, Honey. Huwag kang sumuko. Makukuha mo rin ang anak mo..."
Kinagat ko ng mariin ang ibabang labi ko at tumango. Tama siya, hindi dapat ako susuko. Siguro mag-iipon ako para makauwi ng Pilipinas. Natatakot akong bumalik doon lalo na't wala naman akong babalikan, pero may rason na akong bumalik doon, at iyon ay ang anak ko.
***
Isang araw lang ang naging stay ko sa ospital dahil maayos na ang kalagayan ko. Hindi ako mag-aaksaya ng panahon. Magtatrabaho ako upang makapag-ipon ng sapat na pera at upang makauwi sa Pilipinas. Kukunin ko ang anak ko at babalik dito.
Si Jerah ay panay pigil sa akin habang naglalakad kami papalabas ng building. Marami akong trabaho at maraming mga opportunities ng mga kagaya ko rito.
"Papasok ka pa rin ba kahit gan'yan ang kalagayan mo?" nag-aalalang tanong niya. "Puwede ka naman magpahinga ng isang linggo!"
Huminto ako sa paglalakad at nilingon ang kaibigan. "Okay na ako at kaya ko ang sarili ko."
Hindi ako nakapagtapos ng kolehiyo dahil nabuntis ako pero hindi ko hinayaan ang sarili ko na mabulok. Alam ko na karma ko na ito pero ginawa kong inspirasyon ang mga malupit na nangyari sa akin. Ginawa ko iyong motivation para magpatuloy sa buhay ko. Pero ngayong wala na ang anak ko...ano na kaya ang mangyayari sa 'kin?
***
"Are you okay?" tanong sa akin ni Ma'am Rowella. "You look tired!"
"I am fine, Ma'am!" paniniguro ko sa kanya at nginitian siya. "Don't worry about me."
Tinanguan niya ako bago ako iniwan mag-isa sa locker room. Binuksan ko ang locker ko upang kunin ang extra na uniform pero natigilan ako nang makita ko si Chanel na tulalang nakatitig sa kanyang locker. Isa siyang pinoy na nakipagsapalaran para sa pamilya niya.
Maswerte na ang isang tao kapag nakatungtong ka na rito sa Australia. Hindi ako naghirap dahil bunga ito sa pagtulong ko kay Brent. Ito ang naging kapalit sa pagpatigil ko sa kasal, ang manirahan sa Australia at magkaroon ng sariling condo unit.
"Honey..."
Napalingon ako nang magsalita si Chanel. "Balak ko nang umuwi sa Pilipinas kasi miss na miss ko na ang pamilya ko."
Ngumiti ako ng mapait sa kanya. Mabuti pa siya at may pamilya pa rin na naghihintay para sa kanya. Ako kasi, wala na akong magulang at kinamumuhian pa ako ng mga kaanak ko. Tanging si Tiya Mirasol lang ang nandyan para sa 'kin ngunit maaga rin siyang kinuha. Siya ang dahilan kung bakit ko pinatulan si Gregory at hinayaan ang sarili ko na makuha niya ng paulit-ulit. Hinayaan ko ang sarili ko na maging parausan niya kapalit ng kalayaan ni Tiya Mirasol na pinagbibintangan ng Mommy ni Gregory na nagnakaw ng alahas sa bahay nila.
"Good for you," tipid kong sambit at sinarado na ang locker.
Matapos kong magbihis ay lumabas na ako sa locker room at nagtungo na sa counter. Isa akong waitress sa isang bar dito sa Australia. Matagal na ako rito kaya sanay na sanay na ako sa mga lasing na mga customer na malaswa akong tinitingnan. Iba man sa pakiramdam pero tiniis ko dahil lahat ng ito ay para sa anak ko.
Alam kong maibigay ni Gregory ang lahat para sa anak ko, pero kahit ano pa man iyan, kukunin ko ang anak ko. Hindi ko hahayaan na mapunta sa pamilya nila ang anak ko. Natatakot ako para sa kanya baka hindi siya tatanggapin ng mga magulang ni Gregory.
Humigpit ang hawak ko sa tray na dala ko at huminga ng malalim.
"Huwag kang mag-alala, Grazer, kukunin kita mula sa kanya. Wait for me, baby..."