Humugot ako ng malalim na hininga habang nakatingin sa litrato naming dalawa ng anak ko. Limang araw na ang nakalipas simula nang mawalay sa akin ang anak ko. Sa totoo lang ay wala akong balak bumalik sa Pilipinas, hindi ko na gusto ang umapak doon dahil wala na ring saysay. Wala na dapat akong balikan pa. Limang araw ang nakalipas at sobrang pangungulila na ang naramdaman ko.
“Babalik ka pa ba rito?” tanong ko kay Chanel habang inaayos ko ang aking uniforme.
Nagkibit-balikat siya. “Depende, baka hindi na kasi malapit na akong magtrenta at balak ko ng mag-asawa.”
Tumango ako at itinali ang buhok. Mabuti pa siya dahil may goal siya sa buhay. Ako kasi ay kontento na ako sa buhay ko. Kontento na ako na makasama ko ang anak ko nang tahimik. Pero ayon nga, resulta ng pagiging kontento ko ay ang pagkawalay niya sa ‘kin.
“Miss, please serve this beer to the table number 12.”
Nagmamadali akong naglagay ng lipstick at tsaka lumabas na ng locker room. Nagtungo ako sa counter at hinarap ang bartender. Nakita ko na naghahalo siya ng mga alak na tingin ko ay mamahalin. Itinuro niya ang tray at nginuso ang madilim na parte kung saan naroon ang table number 12.
Ang uniporme ko ay isanng white polo shirt at pinaresan ng black pencil skirt. Masyado siyang maiksi sa akin dahil na rin sa matangkad ako. Kinuha ko na ang tray at nagtungo na sa table number 12.
“Here is your order, Sir!” magalang ko na sambit at marahang inilapag ang mga drinks sa lamesa.
Hindi ko masyadong makita ang mukha ng lalaki dahil na rin sa madilim ang parte ng kanyang inuupuan. Akala ko ay siya lang mag-isa pero halos napatalon ako sa gulat nang kinalabit ako ng isang lalaki na ngayon ay may malagkit na ngisi sa labi.
Nagtatawanan sila dahil sa reakyon ko kaya mas lalo akong kinabahan. Nasanay na rin ako sa ganito pero hindi ko pa rin maiwasan ang kabahan lalo na’t walang masyadong customer dito at hindi ko magawang makabalik agad dahil na rin sa marami sila.
“Hey, Lady…”
Nanindig ang balahibo ko nang marinig kong magsalita ang lalaking kumalabit sa akin kanina. Nang binalingan ko siya ay nakasandal na siya sa sofa habang ang kanyang kamay ay nakatapik na sa kanyang hita.
“Can you sit on my lap for a while?”
Napasinghap ako sa gulat at napaatras.
“P-Pardon, Sir?”
Mas lalong lumaki ang ngisi niya at may kinuha na card mula sa bulsa niya. Sinindian niya rin ang kanyang sigarilyo bago ako pinasadahan ng tingin. Hindi ko siya masyado narinig dahil na rin sa halakhakan ng kanyang mga kasamahan.
“This is my calling card,” aniya sabay lapag sa lamesa. “And this is my advance payment.”
Natulala ako nang nilagyan niya ng pera ang tray na hawak ko. “Call me if you want to have s*x with me. I will f**k you real hard.”
Nanginig ang kamay ko at ibinaba ang tray. Umiling ako at napaatras.
“S-Sorry, Sir, I am a waitress.” Sinubukan kong maging magalang kahit natatakot na ako.
Nag-angat siya ng kilay sa ‘kin. “I don’t give a damn, b***h. I know you want it too. I will pay you and you will enjoy having s*x with me…”
Naghiyawan naman ang kanyang mga kasamahan at napaatras pa ako nang may biglang kamay na gumapang sa puwet ko. Tinampal ko ang kamay niya na ikinagalit ng customer. Bigla akong namutla nang hinampas ng kaharap ko ang lamesa at tumayo.
Hindi ko magawang makalayo dahil bigla niya lang hinila ang palapulsuhan ko at sinubukang ipaupo sa kanyang hita.
“N-No!” Sinubukan ko siyang sikuhin pero nagulat ako nang bigla niyang sinuntok ang tiyan ko.
Saglit akong nawalan ng hininga dahil sa kanyang ginawa. Nagpalinga-linga ako dahil baka may nakakita sa amin at upang matulungan ako. Ito ang unang pagkakataon na may gumanito sa akin. Alam kong may bastos na customer pero hindi ganito kabastos.
“Jan, you don’t need to punch her!”
“This is the first time, Scott. I just love blonde girls…”
Tumulo ang luha ko at wala nang magawa dahil na rin sa panghihina. Narito lang naman ako para magtrabaho. Hindi ako narito para mabastos lang. May pinag-iiponan ako. Pipikit na sana ako nang may biglang nabasag na bote kaya napatakip ako sa aking tainga.
Napatili ako nang may biglang humablot sa akin papalayo sa lalaki at hinapit sa bewang. Nanginginig ang kamay ko at tinulak-tulak ang lalaki upang bitawan ako.
“What the hell are you doing, bro?” galit na tanong ng lalaki na nagbigay sa ‘kin ng pera kanina.
Napasigaw ako nang biglang sinipa ng lalaking may hawak sa akin ang lalaki at binasag pa ang isang bote. Nagpupumiglas ako sa kanyang hawak ngunit masyado siyang malakas. Nagkagulo ang buong bar at nabitiwan niya ako. Natulala ako habang nakatitig sa lalaki na ginugulpi ang mga lalaking nambastos sa akin kanina.
“S-Stop…” Nanginginig ang boses ko at napatakip sa bibig kasi tingin ko ay mapapatay niya ‘yong lalaki.
Nang tumigil siya ay binalingan niya ako at mabilis na nilapitan. Akmang lalayo na sana ako sa kanya nang bigla niyang hinawakan ang kamay ko at hinila papalapit sa kanya. Aapakan ko na sana ang pa niya nang bigla niyang tinakpan ang ilong ko gamit ang panyo na nagpapahina sa ‘kin.
Isang ngisi ang nakita ko bago ako nawalan ng malay.
“Sleep well, Honey.”
***
“Lumayas ka rito, ang landi mong gaga ka at nagpabuntis ka!”
Sinampal ako ni Tiya Alona habang tinatapon niya sa harapan ko ang mga damit ko. Sinabi ko lang sa kanila na buntis ako pero hindi naman ako magpapaalaga sa kanila kasi alam ko naman na hindi nila gagawin iyon.
“T-Tiya…” Sinapo ko ang tiyan ko.
“Ang kapal-kapal mo talaga, Honey Lou! Katulad ka rin pala ng Mama mo! Wala kang utang na loob sa Tiya Mirasol mo!”
“T-Tiya, h-hindi naman po ako magpapaalaga sa inyo—”
“Talaga namang hindi!” pagputol niya sa ‘kin at itinapon ang bag sa tabi ko. Nakita ko naman si Jel, anak ni Tiya Alona na mahinang tumawa habang hawak ang selpon niya. “Aalis ka na rito, Honey Lou! Hindi naman kailangan ang isang malandi na katulad mo! Kung hindi lang naman naawa si Mirasol sa ‘yo ay baka matagal ka nang wala sa puder na ito! Pero ngayon, oras na para umalis ka!”
“Tiya…p-pera ko ‘yan!” Nanubig ang mata ko at pilit kuhanin ang wallet ko na nasa kamay niya.
“Mama, ang tagal mo namang magpalayas, naririndi ako,” si Jel at nagtaas ng kilay sa akin.
Umawang ang labi ko nang kinuha ni Tiya ang pera ko sa pitaka at ibinato sa mukha ko ang wallet ko na wala ng laman. Iniwagayway niya ang pera na ipon ko at inilagay sa bulsa.
“Amin na ito, bayad mo na ito sa pagtira mo rito, Honey. Puwede ka nang umalis!”
Bumuhos ang luha sa aking mata at napatingin sa mga damit ko na nakahandusay sa sahig. Isa-isa ko itong pinulot at inilagay sa bag. Kumuyom ang kamao ko at napahaplos sa tiyan ko.
“Lalayo tayo rito, anak. Alam kong masama akong tao at maling-mali ang pagpatol ko kay Gregory. Sobrang mali ako roon at alam kong hindi ko na maibabalik ang lahat, pero hindi ka tutulad sa ‘kin, bubuhayin kita na may pagmamahal. Hindi ko hahayaan na matulad ka sa ‘kin na ganito ang buhay…”
Tumulo ang luha ko at napamulat. Naalala ko na naman ang masalimuot na alaala na ibinaon ko na sa limot. Bumungad sa akin ang puting kisame at naririnig ko ang isang boses na nagpapabangon sa akin.
“Mommy!”
Napasinghap ako nang makita ko si Grazer na niyayakap ako. Tumulo muli ang luha sa aking mata at nagbaba ng tingin sa anak ko. Totoo ba ito? O baka panaginip ko pa rin.
“A-Anak…”
Hinawakan ko ang kanyang mukha gamit ang nanginginig kong kamay. Halos lumabo na ang paningin ko dahil sa luha. Mabilis kong niyakap ang anak ko at tahimik na umiyak. Akala ko…akala ko ay hindi ko na siya makikita ulit.