“Ma’am, Sir, tigil muna kayo sa paglalakad. Kuhanan ko kayo ng litrato sa harap ng Kawasan Falls na tarpaulin,” si Dina habang hawak ang phone ni Gregory. Umawang ang labi ko at nagbaba ng tingin sa anak ko na ngayon ay tumatalon na. “Family picture po,” dagdag ni Dina at ngumisi. Akmang magsasalita na sana ako nang bigla akong hinila ni Gregory kasama si Grazer patungo sa may tarpaulin. Nanatili lang ang tingin ko sa kanya habang pinipuwesto niya kami. Nang binalingan niya ako ay lumapit siya sa ‘kin at ininat ang pisngi ko upang maging smile. “Smile ka, ayokong makita kang sumimangot sa family picture natin,” aniya at humarap na sa camera. Hindi ako nakasagot agad lalo na nang akbayan ako habang si Grazer ay nasa gitna naming dalawa. Napalunok at ngumiti, binabalewa ang kamay

