“Dina, mamaya na ‘yan, umupo ka muna rito at sabay tayong kumain,” sabi ko sabay lapag ng pinggan sa lamesa. Isang linggo na at isang linggo ko na ring hindi nahagilap si Gregory. Palagi na ring tinatanong sa akin ng anak ko kung nasaan ang Daddy niya kaya sinabi ko na lang na may trabaho at hindi makakauwi. Mabuti na rin at wala si Gregory dito dahil makakakilos ako ng maayos. Hindi ko na rin inisip ang kanyang sinabi dahil kahit ano pa ang sabihin niya ay hindi ako papayag. At kung papayag man ako ay sigurado naman akong maging impyerno ang buhay ko kaya huwag na lang. Kung tatanda man akong walang asawa ay ayos lang sa akin, ang mahalaga ay makikita at masisilayan ko ang anak ko na lumalaki. “Ma’am, ang bango naman ngayon!” tuwang-tuwang sambit ni Dina at kinuha si Grazer upang sa

