Akala ko ay ilalayo na ni Gregory ang anak ko matapos ko siyang pinagsasalitaan ng gano’n, pero tatlong araw na ang nakalipas ay wala na akong narinig mula sa kanya. Gabi-gabi na rin siya umuuwi at hinayaan na ako. Ito na siguro ang pagkakataon na maitatakas ko si Grazer. Nilapitan ko ang anak ko sa sala kung saan may ginuguhit siya na hindi ko maintindihan. Umupo ako sa tabi niya at inayos ang buhok niya. “Anak…” tawag ko sa kanya. Kinuha ko ang hair brush at mahinang sinusuklayan ang kanyang buhok. “Are you happy?” Maligaya akong nilingon ni Grazer sabay tango. “Yes, Mommy! Look, I draw a family. Mommy, Daddy and me!” Umawang ang labi ko at natigilan sa pagsusuklay sa kanyang buhok. Ibinaba ko ang hair brush at napatingin sa ginuguhit niya. Noong una ay hindi ko maintindihan dahil

