Kabanata 9

1347 Words

Flashback… 5 years ago… Mag-isa lang akong nakatira sa inuupahan ko. Matapos akong pinalayas ng aking tiyahin ay naging mas mahirap sa akin lalo na’t may bata na sa sinapupunan ko. Kahit buntis ako ay nagtatrabaho pa rin ako para sa sarili ko at para makapag-ipon upang may ibabayad kung sakaling manganak ako. “Ma’am, puwede bang sa susunod na buwan na lang akong magbabayad ng upa? Hindi pa kasi sapat ang pera ko,” pakiusap ko sa may-ari ng kwarto na inuupahan ko. “Aba, namimihasa ka na!” singhal niya. “Sige, huli na ito at kapag hindi ka pa rin nagbabayad, talagang aalis ka na rito. Wala na akong paki kung buntis ka, bwesit!” Kumirot ang puso ko at tumango. Naubos na ang pera ko at hindi na ako pinapatrabaho ng may-ari ng karenderya na pinagtatrabahuan ko dahil malaki na ang tiyan k

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD