Hihilain na niya sana ako nang may biglang tumawag sa pangalan ni Greg. Agad kong hinila ang kamay ko papalayo sa kanya nang makakita ako ng isang magandang babae. Maikli ang kanyang buhok at mapula ang kanyang labi. Siya ba si Phoebe? Napaatras ako nang biglang lumapit ang babae kay Gregory at niyakap siya ng mahigpit. Napa-iwas tuloy ako ng tingin at mas lalong umatras. Sumikip ang dibdib ko sa hindi malamang dahilan. Siguro sa susunod na lang kami mag-uusap. Without Gregory knowing, tumalikod ako at hinanap na lang si Grazer. Ayoko rin makita ni Grazer si Gregory na may kasamang iba tapos may kayakap dahil magtatanong at magtatanong talaga ang anak ko. Nang makita ko si Grazer na kasama si Dina ay napangiti ako. Akmang maglalakad na sana ako patungo sa kanila nang bigla akong hin

