NANLULUMO sina Bella at Gwen na parang binagsakan ng langit. Hindi pwedeng magdonate si Gwen ng marrow nito kay Amarah. Maliban kasi sa may tattoo pala ito ng pangalan ng unang asawa ay lumabas din sa resulta ng test nito na may hepatitis ito at kailangan din gamutin. "Ano na ang gagawin natin, ate? Paano na si Amarah?" naiiyak na tanong ni Bella. Naiiyak din na umiling iling si Gwen. "Napaka wala kong kwentang ina. Marrow na ngalang ang pwede kong maibigay sa anak ko, pati pa pala 'yon ay hindi ko parin pwedeng maibigay." "Ate, hindi ko kayang mawala sa atin si Amarah. Tulungan mo ako ate," tuluyan nang naiyak si Bella. Takot na takot para sa buhay ni Amarah. Nilapitan ito ni Dwayne na siyang kasama nila sa pagkuha ng resulta ng test ni Gwen. "Shhh, babe. Makakahanap pa tayo ng ibang

